Wednesday, September 28, 2005

Padasal sa patay (2)

NAHALUNGKAT: sa rosarium o halamanan ng rosas pala nag-ugat ang katagang “rosaryo.” Matinik na lunan iyon—hitik sa tinik ang mga tangkay ng bawat humahalimuyak na bulaklak.

Sa halip na lumuhod sa paanan ng dambana, sa piling ng mga tinik, tangkay, at talulot nakagawian yatang maghasik ng dasal noong unang panahon. Baka sa ganoon ding sulok ng halamanan makakalkal ang pinagmulan ng isang sinaunang sawikain. “Walang matimtimang birhen sa matiyagang kumain nang kumain nang kumain.”

Magugunita tuloy ang mga kakatwang tagpo mula nobelang Como Agua para Chocolate ni Laura Esquivel— sumulak sa sidhi ang libog ng bawat lumantak ng putaheng pugo na may salsa mula talulot ng rosas. Pilit ipinagpag ng isang dilag ang utog—naligo pero nagliyab pati ang paliguan, nadarang sa matinding init na sumingaw sa hubo’t hubad na katawan.

Maidadagdag pa ang kuntil-butil ng Doctrine of Signatures mula kay Theoprastus Paracelsus. Saklaw daw ng planetang Venus ang rosas— sakop niyong planeta pati na puson at kasangkapan ng kasarian para humayo at makarami. Pagsuyo’t umuusok sa pusok at tumutusok na pagmamahal ang ititibok sa udyok ng Venus.

Malilimi na may alimuom ng libog na masasagap mula halamanan ng rosas. Hindi naman tahasang makakatkat ang ganoong katangian na umiiral at masidhing isinisingaw sa lunan. Idagdag pa ang sulsol mula kaitaasan na ibubuhos ng kapit-planetang Venus na talagang magpapalagablab sa apoy ng puson.

Kaya pala may matibay na katwiran ang palabirong pari— naikumpisal na kape’t rosario umano ang madalas niyang simsimin. “Rosario, ipagtimpla mo muna ‘ko ng kape!”

Rosarium. Taniman ng rosas. Isinalin ang pangalan ng lunan sa munting kasangkapan sa pakikiugnay ng diwa sa Maykapal. Rosaryo. Mula sa lawak ng tanimang lunan, naging munting butil na lang. Ano pang halimuyak ng bulaklak o tinik sa tangkay ang mauungkat mula sa butil ng abaloryo o kahit pa mamahaling bato?

Pero pinamalagi ang pakay sa taniman ng matinik na bulaklak. Pakay na maglahad, magsaad o magkamit sa ilang misteryo o hiwaga. Hiwaga ng tuwa—ng liwanag, ng hapis, ng luwalhati.

Hiwa kaya o hiwaga ang hinahalungkat at inaangkin niyong pilyong pari?

Alinman, maaari. Sige, ipagdiinan ang huling dalawang pantig.

Pero sa patay na lang yata nakaukol ang pagrorosaryo sa panahong ito. Kapag ganoon ang ukol, tiyak na may bubukol. Ano pa ang kahihinatnan kapag nakikilamay kahit sa dasal lang? Lulutang lang ang alimuom ng libog na sumisingaw sa taniman ng rosas—‘kikilibing…

TV ang nakadambanang panginoon at poon sa yugtong ito ng panahon.

DUSARYO ang nakagisnan kong katumbas ng rosaryo. May mga kataga kasi na napagsasalit-salit ang titik na “d” o “r”—padusa o parusa, madungis o marungis, madagsa o maragsa, madikit at marikit, dumi at rumi, madamo't maramo, madamot at maramot, dusaryo…

“Saka pa lang magdudusaryo kapag hinahagupit na ng delubyo,” anang isa kong abuela noon. Naisip na tiyak na magdudusa ang hinagupit ng matinding bagyo o delubyo, pero bakit ‘kako nadaganan pa, oops, nadagdagan ang “magdudu” ng “saryo?” Kinutusan ako ng abuela saka nilinaw kung ano ang dusaryo.

“A las seis cuando la luz comienza a bajar y la oscuridad fija adentro, cada familia debe recolectar para rogar el rosario, si haya un altar o no. La casa se convierte en una capilla santa. La familia en el rezo es un ritual sagrado que hace punto el cierre de la familia junto y más cercano a Dio. Dusaryo está de alguna manera el término del Tagalog para la rosario Española.”

Ganoon yata ang naging paliwanag ng abuela. Akala ko’y worry beads ang dusaryo. Worry beads are a string of gems, fingered and prayed on one at a time at day’s end to ease one’s worldly cares and worries.

Naiba na ang pihit ng panahon ngayon. Tayo yata ang pinihit nang pinihit na tila talapihitan ng radyo para sumagap ng nakakahiligan o nakakahibangan. Worry beads? Something else, something softer than worry beads I finger at day’s end—and mutter in solemn “give us this day our daily broad…”

Sa patay na lang yata ang padasal ngayon—kahit umaalingawngaw pa ang tinig ng abuela, “saka pa lang magdudusaryo kapag hinahagupit na ng demonyo.”

Demonyo?

Tuesday, September 27, 2005

Padasal sa patay

NAGLIPANA marahil ang mga pusakal barumbado’t walang budhi sa lansangan. Kaya may isa o dalawang pasahero—karaniwang babae, karaniwang nasa dapithapon na ang edad—na may hawak na dusaryo, umuusal ng sandaan yatang pagpupugay Ave Maria. Saka ilang Ama Namin at pahayag ng pananampalataya. Sambungkos na dasal ang alay habang naglalakbay.

Pakay ng panalangin habang lulan ng pampublikong sasakyan na makaiwas sa sakuna. Makaligtas sa mga mandurukot, manlalaslas ng bag, mga bangag na naghahanap ng makukursunada. Lalo nang dapat ipag-adya sa mga holdaper. Talagang tigib sa panganib at amba ng trahedya ang biyahe sa araw-araw. Walang katiyakan.

Aantig sa paningin ang isa o dalawang may hawak na dusaryo. Kawing-kawing, bungkos-bungkos ang ipapailanlang na dalangin sa hangin. Tila mga butil ng binhi ang taimtim na ihahasik upang sumibol. Siguro’y yumabong kahit paano.

Para silang nagpapalipad ng saranggola. May ikid ng pisi, ilalarga na unti-unti—pataas, pataas, pataas. Ibig humalik o humalukay yata kahit lang sa mga ulap. Ganoon lang siguro ang iba’t ibang misteryo na isinasapi raw sa dusaryo.

Pero higit na marami sila na panay ang dutdot-pindot-kamot sa kani-kanilang mobile phone. Para bang pumipisa ng pigsa. Tila tumitiris ng tagihawat. O nagkakalkal ng galis-aso o nagkikiskis ng makating alipunga. Saka mas abala sila. At inaabala din yata. Mas madalas pa na nasasagot ang kanilang mga padala’t pambubulabog sa hangin.

Kasabay man sa biyahe ang pailan-ilang nagdudusaryo, para namang napag-iwanan na sila ng panahon.

Kakabahan minsan kapag sila ang nakasama sa paglalakbay. Kasi nga’y sa patay na lang yata inuuukol ngayon ang padasal. Lagi’t laging sa patay na lang may nagkukusa na umusal ng dasal.

Baka sakali na nagkakawing sila ng usal-dasal para nga may mamatay— siguro’y para mapisak ng pison, 40-footer van, ferris wheel, barko, eroplano o sinasakyang bus ang mga naglipanang pusakal, kilabot, sugapa, at barumbado saanmang panig ng lansangan. Idagdag na saanmang sulok ng mga sangay at tanggapan ng gobyerno mula Kamara hanggang Malakanyang.

Baka ganoon nga ang pakay sa pagkimis nila sa mga butil-hamog ng dusaryo. Padasal sa patay.

Si St. Dominic umano ang umimbento ng dusaryo sa kalagitnaan ng ika-16 na siglo. Hanggang ngayon, mga paring Dominicans pa rin ang inaatasang gumawa ng dusaryo—kaya nga lalong titindi ang kutob na sa kamatayan at mga patay nakaukol ang pagdudusaryo. “God’s dogs” o mga iwing aso ng Diyos ang katumbas ng “Domini canis.Domini canis yata ang pinagmulang kataga ng naturang orden ng mga pari.

Kakabahan. Kukutuban. Mapapakamot ng ulo sa paglilimi. Baka nakasalin sa bawat butil ng dusaryo ang alulong-aso. Panawagan daw sa kamatayan ang alulong-aso. Sa mga nerbiyoso, baka maisip na may sangkap din na rabies ang bawat butil-dusaryo. Pampatigas na ng panga mula sa tinatawag na lockjaw, pamatay din talaga ang rabies.

Unti-unti nating nabubungkal ang panganib na hatid ng dusaryo. May kahila-hilakbot yatang hiwaga na kalakip. Parang taimtim na hiling na maulol sana silang lahat na dapat na mapuksa at makatkat ang lahi sa daigdig— sabi nga'y “whom the gods wish to destroy, they first make mad.

Kaya siguro matiyaga ang mga nakakabatid ng ganitong lihim na kaalaman na magdusaryo. Dusaryo saanman—walang pinipiling lunan. Dusaryo kailanman—anuman ang lagay ng panahon.

Lalo yatang kailangan ng higit na maraming magdudusaryo sa panahong ito.

Ipagdusaryo ang walang kakuwenta-kuwentang mga pinuno na namamalakad saanmang antas at sangay ng gobyerno.

Ipagdusaryo nang walang humpay. Kawing-kawing na dasal ang ialay at ihasik sa hangin, hanggang sa umalimbukay na tila mga dambuhalang buhawi ang mga dasal sa papawirin.

Sapagkat ang dusaryo’y kakawing ng taimtim na hiling.

Dahil ang ito’y alay na padasal para sa patay.

Tuesday, September 20, 2005

My beloved god-daughter Tintin

‘TWAS your mom Rivs who told me that I’m a godfather to a doctor—and it’s you pursuing medical practice in that land of the not so puissant greenback. After all those 24 birthdays of yours, add two dozen Christmases past—include the token pakimkim sum—I’m neck-deep indebted to you, perdoneme por favor hija mia.

Don’t you come home and dun me. I’ll take that as grave threats, my dear,

Somebody did proxy for me at your baptism, so I was told. The rite could have gone zany had a priest asked me to renounce Satan, Belial, Mammon, Astaroth, or any of those diabolical oafs who shower temptations galore to every willing and witting sinner. That fairy tale author Oscar Wilde averred ages back, “I can resist everything except temptations.”

Believe you me, I might have taken exception to renouncing Mammon, honest. Soy un llano jardinero pero puedo pase muchos dinero.

But I’m not about to nudge you to come home to these god-forsaken islands where Mammon reigns supreme and the Roman Catholic faith is an alibi that can be renounced at Mammon’s cloven feet, hooves, or tentacles. Pinoys are generally a soft-hearted people—karamihan nga sa amin ay pusong Mammon.

Something like 5,400 Filipino medical doctors have left these islands in recent years. They’re in that sacred quest for greenbacks, greener pastures, and the usual green card. A lot of ‘em are seeing green, yes, it’s the color of bile and envy. In these medically left-out parts, a doctor has to tend to about 26,000 Filipinos stalked mostly by heart and brain attacks, cancers and malignant tumors, a host of crippling lifestyle ailments, the usual pulmonary tuberculosis, obesity, creditors, and the expanded value-added tax. The latter’s most lethal.

Of course, taxes can be lumped under terminal diseases. Death or debt and taxes. We’ve grown fond of these certainties of life in these islands.

We’re glad that most of those docs—rhymes with crocs—left as curses. I mean, nurses. Oh, I really am sorry for such lapsus linguae. It’s an ailment that has afflicted the better judgment of the incumbent head of state-- the infection is spreading and I must have caught it. We’ve not turned up a vaccine or serum to reverse its dreadful effects.

Say, the pay is equally good for nurses out there. They don’t run the risk of malpractice suits for bloopers or boners on the job, including lapses in judgment. They don’t have to take tough-to-pass exams before medical practice. It somehow sounds like a cop-out choice for a medical practitioner—tough challenges aren’t for timid souls and weak-willed spirits anyway.

About eight district hospitals in Isabela province have closed shop sometime this month—the nurses and doctors have flown off probably to distant shores, more likely to the U.S. mainland to honor and give full meaning the “Hippocratic Oath.” Umm, isn’t an oath another word for “curse”?

Why, a name like Hippocrates must be a cocktail mix of hippopotamus and Socrates, it could have been conjugated as something better-sounding. Say, Sippopotamus. Isn’t that wonderful a word? A “Sippopotamic Oath” won’t ever be mispronounced for that Hebrew word for “godless.” Why, a Mammon devout can’t be godless.

What has begun in Isabela is slowly sweeping through other parts of these islands. Epidemic. Pestilence. Plague. Contagion. There has to be a sublime-sounding medical nomenclature for that but we’re at a loss for apt words.

We’ll get by. I don’t know how. But we will sans invasive medical intervention and cursing, oops, I mean, nursing.

Let me assure you, my beloved god-daughter that we can adapt to any crisis or emergency. We’re good at brinkmanship. We’ve boned up for aeons on making do with what we’ve got and coping every which way it takes.

Now where are we? Umm, we have began conscripting surgeons that hang-out at cockpits-- they’re quite deft at cleaning and suturing cut-up fowls, they’re a delight to watch as they do in-situ operations. Look, no anesthesiologist needed.

We’re also setting sights on enlisting the nation’s army of veterinarians— they ought to get a knack for trying their curative skills on the highest form of animal. For a change.

Too, we have quack ‘duck-tors’ aplenty!

Rest assured we can get by. The Filipino can.

Monday, September 19, 2005

Bye, bye American spy | Lawmakers’ souls for sale—cheap! (PJI editorials 17-18 September 2005)

Bye, bye American spy

SPIES are usual condiments of life and politics in these god-forsaken islands.

Unlike the bulk of readers who poke their snouts into useless trivia and intrigue in show business circles hereabouts, those shadowy figures among us zero in on strategic and tactical information—the sort that can be used to grab key politicos and industry leaders by the balls, that is, if they have any.

It is likely the bulk of such gathered information provide American policymakers a voyeur’s glimpse into the workings of our so-called ‘amokcracy’—make that gone amok democracy.

Who knows if those shadowy oafs may have helped the ‘Hello Garci’ protagonist to fly the coop? They might have even given an eager hand in kneading the poll tallies and kneading numbers in the air-conditioned comforts of a hotel room to foist a president upon a gullible populace who won’t care if either Darna or a hippopotamus is enthroned in Malacañang.

Politically useful information costs a bundle of money. Amassing a welter of such information costs a lot more—leaking ‘em info for political and pecuniary considerations is downright criminal.

So the Federal Bureau of Investigation collared ex-cop Michael Ray Aquino and intelligence analyst Leandro Aragoncillo. The duo played croak and dagger, leaking a sizable bulk of classified information on the Philippines to local politicos. Those leaks have to be plugged shut—umm, not exactly shot or plugged all over with a few clips of ammunition.

Aquino and Aragoncillo did espionage for interest of certain local politicos. Probably for the national interest—we just have to figure what that nation is as its collective interest may likely lie between Darna’s legs. Aquino and cohort got caught. There’ll be hell to pay.

Meanwhile, local brown brother spies among us continually amass classified information and feed ‘em to their control officers across the globe. We haven’t caught any of these ‘coconuts’— of tough brown shells to coat their all-white meat inside—for selling out their country.

We really ought to grab a dozen or two of such spies among us who likely plied out such ruse as the “Hello Garci” episode that triggered so much turmoil in our troubled lives.

So we can sing a Don Maclean, “Bye, bye, American spy…”
---------------------

Lintik na tiktik

KARANIWANG sahog ang mga tiktik sa pamumuhay at pamumulitika sa ating isinumpang kapuluan.

Taliwas sa bulto ng mambabasa na nakasubsob sa walang latoy na kuntil-butil at intriga sa larangan ng libangan at pelikula, nakatutok ang mga aninong ito sa mga tinatawag na strategic at tactical information—‘yung magagamit para sunggaban ang mga pulitiko’t lider-industriya sa bayag nila, kung meron man sila noon.

Malamang na ang bulto ng mga inasuwang na kaalaman, sapat para lumikha ng butas para makapamboso sa ikid at ikot ng ating tinatawag na ‘amokrasya’—o nag-amok na demokrasya.

Sino ang makapagsasabi kung ang mga aninong iyon ay kasabwat para makalipad palabas ng bansa ang bida sa ‘Hello Garci’? Baka nga katulong sila sa paglamutak sa mga resulta ng halalan para maitanghal ang isang pangulo sa bobotanteng populasyon na walang pakialam kung si Darna man o hippopotamus ang isasalaksak sa Malacañang.

Tumataginting na salapi ang katumbas ng impormasyon na pakikinabangan sa pulitika. Dumadagundong na salapi ang katapat sa pagkalap at pagkalkal sa ganoong uri ng impormasyon—kung ibibisaklat lang para sa bayad na pera o poder, talagang krimen na.

Nasakote ng Federal Bureau of Investigation si dating pulis Michael Ray Aquino at tagakilatis ng nakalkal na impormasyong Leandro Aragoncillo. Nagtaktak sa Pilipinas ng kanilang natiktikan ang dalawa. Nalintikan ang paniniktik nila.

Naniktik ang dalawa para sa kapakanan ng ilang lokal na pulitiko. Baka naman para sa pambansang interes—kailangan lang matiyak kung aling bansa at baka nakasubsob ang interes niyon sa pagitan ng dalawang hita ni Darna. Huli ang dalawa. Lagot sila.

Samantala, may mga kababayang tiktik sa ating paligid na patuloy na nagkakalkal at nagkakamal ng mga mahalagang impormasyon na ibinabalibag sa mga humahawak sa kanila sa labas ng bansa. Wala pa tayong natitimbog sa mga ganitong ‘niyog’—kayumanggi ang balat pero puti ang laman-loob—na naghuhudas sa kanilang bansa.

Dapat yatang makadakma din tayo ng ganoong tiktik sa ating paligid na maaaring kapural ng kabanatang “Hello Garci’ na lumikha ng sandamakmak na alingasngas sa bansa.

Kapag nakahuli tayo, kantahan natin ng kay Don Maclean, “Bye, bye, American spy.”
---------------

Lawmakers’ souls for sale—cheap!

IT takes two years for a public school teacher in America to earn $75,000. That’s roughly P4.2 million— still a princely sum in return for brain-wracking work.

It’s the same amount that a U.S.-based public relations outfit stands to earn each month to lobby, probably induce serious hypnosis or put out a contract on some 250 lawmakers in Congress to hush their qualms about overhauling the 1987 Constitution.

A cabal, a coterie, probably a clique of haves are plunking that serious money for the services of that PR outfit. The services all boil down to convincing Congress to rework the nation’s Charter—and it would probably be easier and less costly to hire professionals to terminate a few hundred intransigent noisemakers-cum-lawmakers that have proved too heavy a burden on taxpayers’ pockets.

There’s no free lunch. That shadowy group out to bleed over P4.2 million monthly for lobby work must want something in exchange. P4.2 million plus a month isn’t a wager—it’s an investment. They ought to gain more for their money’s worth. They’ll keep such foreseeable gains in secret.

We don’t even have an inkling who these dark shadows are that might give us an idea whether their intentions are divine or diabolical.

Remember? One Dr. Johannes Faustus bargained his soul for occult knowledge plus a romp in bed with Helen of Troy—the devil kept his part of the bargain. But the soul-seller hardly enjoyed what he bought for himself. Maybe, Helen’s face could have launched a thousand ships but not a similar number of orgasms.

This early, the well-paid lobbyists ought to have begun their campaign to win lawmakers’ souls.

A lot of Faustian bargaining unreels anew and there’ll be much pecuniary profits for taking, so what if souls are lost?

Besides, not too many Filipinos have a whit of knowledge on the 1987 Charter anyway—a Pulse Asia survey found out only two of every 10 (or one in every five) have an inkling of what the fundamental body of laws is all about.

So, ignorance ought to be blissful for most of us. We won’t even know what sort of animal or livestock a Constitution is that will be butchered and cut up into delicious morsels—it’s likely the choicest parts would go to that shadowy cabal of paymasters, they’re paying over P4.2 million monthly.

Ah, those paymasters need not pay too much for lawmakers’ souls—a lot of ‘em have sold out in that impeachment try. Now they don’t have any to sell again.

----------------------

Kaluluwa ng mga mambabatas ibinebenta—mura lang!

DALAWANG taong kakayod ang isang public school teacher sa Amerika para kumita ng $75,000. Katumbas iyon ng P4.2 milyon—malaki na ring halaga katumbas ng makatagtag-utak na trabaho.

Ganoon ding halaga ang matatanggap buwan-buwan ng isang public relations company sa US para sulsulan, siguro’y ihipnotismo o ipatumba sa bayarang pusakal ang may 250 mambabatas sa Congress para pumayag silang maretoke ang 1987 Saligang Batas.

Isang pangkat, magkakakutsaba o magkakasabwat na mapera ang maglalarga ng pondo para sa serbisyo ng naturang PR company. Tahasang paghikayat sa Congress ang magiging serbisyo upang masangkutsa ang Konstitusyon—pero mas tipid pa rin na umupa na lang ng mga pusakal para iligpit ang ilan daang sutil na mambabatas na talagang pabigat na sa bulsa ng sambayanan.

Sabi nga’y walang libreng pagkain. Ang mga anino na magpapadugo ng P4.2 milyon sambuwan ay tiyak na may hinahangad na kapalit. Hindi taya sa sugal ang P4.2 milyon sambuwan—ipinuhunan iyon. Tiyak na may inaasintang mas dambuhalang tubo. Ililihim nila ang kanilang pakay.

Ni hindi natin mahulaan kung sinu-sino silang nasa karimlan para makapa natin kung ang kanilang hangarin ay kabutihan o kabuhungan.

Teka, isang Dr. Johannes Faustus ang nagbenta ng kanyang kaluluwa katumbas ng karunungang lihim at pakikipagtalik kay Helen of Troy— ibinigay iyon sa kanya ng diyablo. Pero hindi naman nasiyahan si Faustus sa kanyang nakamit. Baka kasi nakapaglunsad nga ng sanlibong barko ang mukha ni Helen pero hindi siguro ganoon karaming orgasmo ang malalasap.

Ngayon pa man, nagsimula nang mamili ang lobbyists ng kaluluwa ng mga mambabatas.

Masisilayan muli ang diskarteng Faustus—at tiyak na pera lang ang malalaspag kapalit ng kaluluwa.

Kaunting Pinoy lang naman ang may nalalaman sa 1987 Konstitusyon—natukoy nga ng Pulse Asia, Inc. na dalawa bawat 10 (isa sa bawat lima) Pinoy ang may katiting na kaalaman hinggil sa Saligang Batas ng bansa.

Wala tayong dapat na ipangamba. Ni hindi natin malalaman kung anong hayup o manok ba ang Konstitusyon na kakatayin at titipak-tipakin—tiyak na mauuwi ang mga pinakamasarap na tipak sa mga itim na aninong nagbabayad ng P4.2 milyon sambuwan.

Hindi naman kailangan ng mga nagbabayad na maglarga ng malaking halaga para mabili ang kaluluwa ng mga mambabatas—mas marami sa kanila ang nagbenta na nitong sumablay na tangka sa impeachment. Kaya wala na silang kaluluwang maibebenta.


Monday, September 12, 2005

Run, Garci, run! | Read and weep | Small minds, loud mouths (PJI editorials 10-12 September 2005)

Run, Garci, run!

FLY, Garci, fly.

No, we’re not talking about zipping up trousers and pantaloons. Not about a pesky pest that lay eggs on filth or carrion to turn up a wriggle of maggots and such disease as diphtheria.

You’ve flown the coop. Why, we define ourselves by what we do. What you did spoke for what you really are—you flew the coop.

So you’re chicken—likely with a wishbone for a backbone.

We don’t really want you to come home after you took off for parts unknown. These days, we can’t be sure. You may have turned into a carrier of the dreaded avian flu virus. Probably chicken pox, mites, cholera, botulism, blackheads, halitosis, fits of cackling or any odd undiscovered ailment that usually afflicts fowls.

Fly, Garci, fly.

Please spare us the plague, Garci. We can’t handle any of such risks to the public health and political wellness. You’ve already caused us truckloads of trouble—you and your chat-mate in that infamous “Hello Garci” chit-chat made us walk on egg shells not too gingerly.

The nation’s in a dilemma. It’s probably a chicken-or-egg situation in which we know not which came first— but in all likelihood it was the cock that came first inside the hen. And we were given cock-and-bull tales to explain away the less mystifying portions of the ‘Hello Garci” chit-chat.

Fly, Garci, fly. Up, up and away.

We all know that legalese cliché—flight points up guilt. A lot of people hereabouts have an inkling of what you are guilty of. Sure, most of the populace has been inured to the so-called isang-kahig-isang-tuka way of life for ages. That’s for chickens out to fill their gizzards with inedible grits and tiny bits of stone since there’s not much food on their feeding troughs. That mode of living’s about to take a turn for the worse with the congressional allies of your chat-mate giving her extra powers to pump up the VAT from 10% to 12%.

Shoo, Garci, shoo. Be not afraid-- we’re not out to take you down with a .12 gauge shotgun.

However, some people might not want to allow you to cackle an explanation about that “Hello Garci” chit-chat.

They’ll be out to get you and you might turn into something delicious like pinaupong manok.
-----------------------------------------
Takbo, Garci, takbo!

LIPAD, Garci, lipad.

Hindi lapad. Ni hindi fly o zipper sa pantalon. Hindi rin tinutukoy ang langaw na nangingitlog sa dumi o nabubulok na laman para sumulpot ang kumikiwal na mga uod at mga sakit tulad ng diphtheria.

Lumipad ka’t humapon sa kung saan. Lubusang isasaad ng ating ginagawa kung ano tayo talaga. Inilantad ng ginawa mo kung ano ka—sabi nga’y you flew the coop.

Aba’y manok ang ganoon—may wishbone sa halip na backbone o gulugod sa likod.

Ayaw naming bumalik ka rito matapos kang lumipad tungo sa kung saang lupalop. Hindi tayo nakatitiyak sa panahon ngayon. Baka may taglay ka na ng kinatatakutang avian flu virus. Baka chicken pox, hanip, cholera, botulism, tagihawat, mabahong hininga, sumpong sa pagputak o alinmang kakatwa’t hindi pa natutuklas na sakit na tumatama sa mga manok.

Lipad, Garci, lipad.

Huwag mo kaming ihawa sa peste, Garci. Hindi naming kaya ang mga panganib sa kalusugan ng publiko at katinuan ng pulitika. Tala-talaksang sigalot na ang nalikha mo—ikaw at ang kausap mo sa kakila-kilabot na usapang “Hello Garci” na yumanig sa usad ng bansa.

Natataranta ang bayan. Parang kalagayang manok ba o itlog ang naunang lumabas—pero tiyak na tandang ang unang nilabasan. At hindi maunawang putak ang ipinarinig sa balana para liwanagin ang mga mahiwagang bahagi ng “Hello Garci.”

Lipad, Garci, lipad. Taas, taas at layo pa.

Lumang tugtugin na ‘to— katibayan ng kasalanan ang pagtatago. Marami na ditong may nahihiwatigan kung ano talaga ang kasalanan mo. Sabagay, nasanay na ang populasyon sa isang-kahig-isang-tuka sa pamumuhay. Gawi iyon ng manok. Nagsasapin ng mumunting bato sa kanilang sikmura dahil kapos talaga ang pagkain. Titindi lalo ang ganoong gawi—nagbigay ang mga kakampi ng iyong kausap ng dagdag na poder para itaas ang VAT mula 10% hanggang 12%.

Sulong, Garci, sulong. Huwag mangamba—hindi ka namin uupakan ng .12 gauge na de-sabog.

Pero may mga tao na hindi papayag na magpupuputak ka para malinawan ng balana ang pinag-usapan sa “Hello Garci.”

Tiyak na ililigpit ka nila. Baka bigla ka na lang sumulpot uli—masarap na pinaupong manok.
-------------------------------
Read and weep

YOU can read this, chew through the core of every word, and grasp what’s written, consider yourself blessed. You took choices that accrued some pluck and lots of luck. You just don’t survive—you thrive.

Millions of others aren’t so lucky: 11 million amongst us are left crawling in the dust, hardly knowing what horrible twist and turn may happen in their lives. In today’s knowledge-driven economies in which skills and competencies translate to higher per capita earnings, those millions are virtual lepers.

The lepers multiply like a contagion. The disease neither abates nor ceases.

We may mourn and weep: “11 million Filipinos lack the required literacy skills to provide livelihood for themselves and their families now and in the future, according to the Department of Education (DepEd).”

The findings were gleaned from a 2003 study—that means such millions swelled some more in numbers, the pestilence still spreads, more likely in quantum progression—and who can prevent them from, say, voting a nincompoop into high office?

DepEd elaborates: “This means that over 15 percent of our population (1) does not have the literacy skills they need to communicate effectively, (2) think critically, and (3) develop an appreciation of themselves, their society, and the broader global community.”

Per capita income? That boils down to earnings per head. Give stress on head, maybe whatever gray matter sheltered snugly and thrumming like an indefatigable perpetual motion machine in the cranium.

Capital? It’s a word we take as a sum of money but it’s really not. Capital pertains to the contents between the ears that often bring a measure of contentment.

So think it over. Knowledge doesn’t take up too much space but millions just don’t have the means-- maybe the wrought iron will and steely persistence—to gain access to knowledge and its keen cutting edge.

The DepEd study cites 30.5 percent of children are out of school—dire needs force them to work in menial, low-paying jobs—while about 20 percent can’t afford the high cost of education.

“We can only conquer the tyranny of poverty if we can conquer the tyranny of illiteracy.”

It’s one motherhood statement that has a ring of urgency to it.
---------------------------------------
Basahin at tumangis

NABABASA mo ito, nalilimi ang ubod ng bawat kataga, at nauunawa anuman ang nakasulat, ituring ang sarili na nabiyayaan. Gumawa ka kasi ng mga hakbang na nagsalin sa iyo ng mapangahas na tapang at ibayong kapalaran. Hindi ka basta buhay lang—lumalago ka pa.

Napakarami ang kawawa ang kapalaran: 11 milyon na kasama rin natin ang gumagapang sa alikabok, ni hindi maunawa kung anong malagim na pihit ng pangyayari ang magaganap sa kanilang buhay. Sa panahong kaalaman ang nagtutulak ng mga pambansang kabuhayan na ibayong kakayahan at malalim na kaalaman ang katumbas ng mas mataas na kita ng bawat ulo, ang 11 milyong iyon ay tila ketongin.

Dumarami ang mga ketongin. Walang humpay at hindi masawata ang pananalanta ng ketong. Ketong, hindi kotong.

Magluksa at tumangis:”11 milyong Filipino ang walang sapat na kaalaman para buhayin ang kani-kanilang sarili at pamilya sa ngayon at sa hinaharap, ayon sa Department of Education (DepEd).”

Natukoy ito sa isang pananaliksik noong 2003—nangangahulugang lumalago pa ang bilang na iyon, kumakalat pa rin ang kamandag—at sino ang makapipigil sa kanila sa, halimbawa lang, paghalal sa isang hangal sa mataas na katungkulan?

Paglilinaw ng DepEd: “Nangangahulugan na mahigit 15% ng ating populasyon (1) ang walang napag-aralang kaalaman para mahusay na makipagtalastasan, (2) makapag-isip na mapanuri, at (3) mapagyaman ang pagsukat sa sarili, sa kanilang lipunan at sa higit na malawak na pandaigdigang pamayanan.”

Per capita income o kita ng bawat isa? Kita ng bawat ulo ang tahasang katuturan nito. Ipagdiinan ang ulo, o ang anumang nilalaman sa loob ng bungo, kumikilos na tila walang pagod na makina ng mga ideya.

Kapital? Katagang akala lang na limpak-limpak na salapi pero hindi iyon ang tunay na katuturan. Tinutukoy ng capital ang nilalaman sa pagitan ng dalawang tainga (hindi sa pagitan ng dalawang hita) na nagbibigay ng antas ng kasaganaan.

Maglimi. Hindi naman malaking sisidlan ang sinasalinan ng kaalaman pero milyun-milyon ang walang itutustos – o kulang sa bakal na sikap at aserong tiyaga – upang makapag-aral at magkamit ng matalim na kaalaman.

Tinukoy ng DepEd na 30.5% ng kabataan ay hindi nag-aaral—matinding pangangailangan ang nagtutulak sa kanila para maghanapbuhay na lang na hindi sapat ang kikitain—habang 20% ang hindi kaya ng bulsa ang pambayad sa pag-aaral.

“Magagapi lang natin ang pambubusabos ng kahirapan kung makakaya nating talunin ang pagmbubusabos ng kawalan ng kaalaman.”

Ito talaga ang dapat unahing labanan.
---------------------------------
Small minds, loud mouths

GOD must have a terrific sense of humor tempered by a twisted sense of irony. Such divine traits are evident in His creation, often in creatures that we often live with. Consider the species called militant transport sector blokes that inhabit these islands He has blessed with His humor and irony.

Today, those blokes will lord it over thoroughfares of the metropolis. They’ll be at their menacing worst—usual streamers with usual slogans, usual noisemaking -- to inflict their nuisance on unsuspecting commuters and breadwinners out to earn a living.

They’ll get away with this unwitting sabotage of business opportunities and productive man-hours that can add up to a few dozen millions of pesos. Anyway, no law has been enacted that will allow civil or criminal suits to make those blokes pay for such huge losses. A law like that would be deemed anti-poor and won’t win brownie points with the greater bulk of voters.

The militant transport blokes have vowed to cripple the metropolis—90 percent of the public transport system will be paralyzed. It may take more than crutches and wheel chairs to get the urban sprawl back on its feet, so it is believed.

Such crippling blow against to-be-stranded commuters, hapless breadwinners, daily wage earners and common sense is meant to send a message to oil companies: refrain from price hikes. Umm, quirky oil price hikes happen across the globe but here’s a militant suggestion to insulate this country from mundane reality—ah, ignorance often spawns arrogance.

Somehow, we feel sorry for these poor nuisance-makers. Plying out findings of a 2003 comprehensive study, the Department of Education notes “15% of our population does not have the literacy skills they need to (1) communicate effectively, (2) think critically, and (3) develop an appreciation of themselves, their society, and the broader global community.”

Somehow, such facts allay our pique at those militant blokes who’ll inflict some pain in our ears today. We can only ponder and wonder.

In His infinite wisdom and sense of humor, God saw it apt to fit small minds into loud mouths.
-------------------------------

Makitid na isip, maluwang na bunganga

KAKAIBA talaga ang kasistehan na may sahog pang pilipit na ironiya—ganoon ang isang katangian ng Diyos na nalalantad sa Kanyang mga nilikha, karaniwang sa mga nilalang na kasama natin sa pamumuhay. Pansinin ang mga nilalang na naturingang mga maligalig na kumag sa sektor ng transportasyon, kabilang din sila sa mga nasa kapuluang ito na biniyayaan ng katatawanan at ironiya.

Sa araw na ito, magiging panginoon ang mga naturang kumag sa mga lansangan ng Metro Manila. Tiyak na ganoon pa rin ang panggugulat nila—dating mga kartelon at karatula na may lumang kantiyaw, dati na ring ingay at ugong— na dumadagundong na kunsumisyon sa mga walang muwang na pasahero’t namamasukan para mabuhay.

Magagawa ng mga kumag ang di-sinasadyang pagsabotahe sa mga oportunidad sa negosyo at panahong magugugol sa trabaho na katumbas din ng ilang dosenang milyong piso. Sabagay, wala namang batas na papayag na sampahan ng kasong sibil o kriminal ang mga kumag para pagbayarin sa ganoong nawaldas lang na milyones. Ituturing ang ganoong batas na kontra-mahirap at hindi aani ng pogi points sa bulto ng mga bobotante.

Nagbitiw ng pangako ang mga maligalig na kumag na lulumpuhin nila ang Metro Manila—90% ng mga pampublikong sasakyan ang titigil sa pasada. Kapag ganyang nalumpo, hindi lang siguro saklay at wheel chair ang kailangan para makatindig muli ang Metro Manila, ayon sa paniwala.

Ang ganoong makapanlulumong bigwas sa mga pasahero, kawawang namamasukan, arawan ang sahod, at sa sentido kumon ay naglalayon na maghatid ng kalatas sa mga kompanya ng langis: tigilan ang taas-presyo. Ah, nagaganap ang taas-presyo ng mga produktong mula krudo saanmang singit at kili-kili ng mundo pero heto ang isang pangahas na panukala na itiwalag ang bansa mula sa katotohanang umiiral—karaniwan talagang nauuwi ang pagiging ignorante sa arogante.

Kahit paano’y nalulungkot tayo sa kalagayan nilang mahilig maghasik ng kunsumisyon. Natukoy sa malawakang pagsisiyasat ng Department of Education na “mahigit 15% ng ating populasyon (1) ang walang napag-aralang kaalaman para mahusay na makipagtalastasan, (2) makapag-isip na mapanuri, at (3) mapagyaman ang pagsukat sa sarili, sa kanilang lipunan at sa higit na malawak na pandaigdigang pamayanan.”

Nababawasan ang ating inis sa mga maliligalig na kumag na magpapasakit na naman sa ating ulo sa araw na ito. Mag-iisip at mamamangha na lang tayo.

Sa Kanyang walang hanggang talino at kasistehan, napagtanto yata ng Diyos na pagsamahin lagi ang makitid na isip at maluwang na bunganga.







Wednesday, September 07, 2005

Show must go on! (Tuloy ang ligaya!) [PJI editorial 8 September 2005]

Show must go on!

THOSE clutch of full-page ads that saw print in several broadsheets before the House of Reps went on vote the other day must have cost a lot of money. It was earnest money to convince us chaos could erupt if Gloria Macapagal Arroyo is ousted.

Some pockets must have erupted and there flowed cash—that we know.

Money talks and it’s the dough talking through those ads. In that truism we are convinced.

The buck stopped there. We wish that some of those bucks went our way, too, we really could use some—these aren’t exactly easy times and we’re looking with grim expressions at the prospects of the expanded value added tax causing some more expansion of our expenditures while adding nothing of value into our lives.

The people’s reps need not have wasted precious spittle and man-hours to explain their stand. We can understand any lapse of judgment. We can comprehend how sorry they are at turning up (after a record-setting session) a set of numbers we can’t even ply at lotto or jueteng—158-51 is an atrocity we dare not divine for secret significance.

We didn’t exactly enjoy the show—too few clowns were there and they didn’t do too many pratfalls or farted through their mouths to keep us in stitches, even cause a teeny-weeny dent on our collective attention deficit disorder.

There was too scant dramatic pomp and splendor for a 250-member cast that couldn’t even entertain the electorate that sent ‘em there.

There were no memorable sound bites, quotable quote, or moving elegiac saying that befits a necrological rite.

The show is uninspired low comedy.

That is so pathetic. We are sorry for them.

Or maybe we had some lapse in judgment. Lapses in judgment can be a contagion and can become an epidemic of gargantuan proportions. What we saw must have been hideously heinous. Horror!

These days, let those grammar school children take a crack at antonyms—they’ll tell you the opposite of Progress is Congress.

And off their mouths they’ll spout hearsay heresy—the Rep. title tabbed to lawmakers spell out as “Reptile.”
-----------------------------------------
Tuloy ang ligaya!

BUMUYANGYANG na buong pahina sa ilang pahayagan bago nagbolahan, este, botohan sa House of Reps kamakalawa ang kakatwang patalastas na tiyak na ginastusan nang malaki. Malaking pera tiyak para mapaayon ang mambabasa na sasambulat ang gulo kapag natanggal sa trono si Gloria Macapagal-Arroyo.

Tiyak na sumambulat ang kung ilang bulsa at dumanak ang pera—iyon ang tiyak.

Nangungusap ang pera at tahasang pera ang nangusap sa pamamagitan ng mga naturang patalastas. Sa ganoon kami umaayon.

Sa mga pahinang iyon pumatak ang pera. Sana naman ay pumatak din sa amin, kami man ay nangangailangan—hindi naman maginhawa ang panahong ito at nanlulumo na kaming nakatanaw sa pagdating ng expanded value added tax na lilikha ng paglaki ng gastos pero wala namang idadagdag na value o halaga sa ating pamumuhay.

Hindi na sana nagsayang ng mahal na laway at oras ang ating mga kawatan, este, kinatawan para linawin ang kanilang paninindigan. Nauunawa namin ang anumang lapse of judgment o sablay na pasya. Gagap namin na ikinalulungkot nila ang pagsulpot (pagkahaba-haba man ng session, sa sementeryo din ang tuloy) ng mga numerong hindi maitataya sa lotto o jueteng—158-51 na hindi talaga mauungkat ang katuturan.

Hindi kami nasiyahan sa palabas—kokonti lang ang payaso’t ni hindi nagtumbahan o umutot sa bunganga para sumakit ang tiyan namin sa katatawa o magulantang kahit paano sa aming paghihikab.

Katiting din sa drama at anumang kagila-gilalas para sa 250-kataong Kamara na ni hindi makaaliw sa mga bobotanteng nagluklok sa kanila.

Walang maningning na mga pangungusap o makahalukay-dibdib na kataga na angkop para sa burol.

Walang latoy na komedya ang naipamalas.

Nakakaawa naman. Nalulungkot kami para sa kanila.

Baka naman sumablay din ang aming pasya. Nakakahawa ang sablay na pasya, nagiging epidemya. Baka ang napanood ay karima-rimarim na kasuklam-suklam. Nakakakilabot!

Sa panahong ito, mainam pang ungkatin ang mga paslit na nag-aaral ukol sa kabaligtaran ng mga kataga—sasabihin nilang ang kabaligtaran ng Progreso ay Kongreso.

At bubukal sa kanilang mga bibig ang kanilang naririnig sa paligid—ang katuturan ng titulong Rep. sa mambabatas ay Reptile.

Tuesday, September 06, 2005

Yakap sa pag-akyat

HINDI mahikayat ang damuho kong anak na akyatin ang katabing puno rin ng alibangbang (Bauhinia malabarica). Para ‘kako makarami agad sa makukuhang talbos— nakatikom pang mga pakpak ng lunting mumunting paru-paro ang anyo. Para agad na makauwi’t maisalang na ang lulutuing ayungin. Sinigang. Talbos-alibangbang ang sangkap na pang-asim.

Pakpak-paruparo’t palikpik-isda ang itatanghal na lutuin. Payak man sa tingin, sasagi ang masining na pagsasanib ng magkahiwalay na larawan mula kalikasan—mula himpapawid na palaruan ng paru-paro’t mula lilim sa ilalim ng tubig na ginagalugad ng mga isda. Lutuin na tila hinango mula sa mga likha ni Dutch printmaker Maurits Cornelis Escher—pinagsalit-salit na larawan ng mga isda’t ibon. Parangal iyon sa mga nilalang sa tubig at hangin.

Parangal din marahil na yakapin ang puno sa panimula ng akyat. Nabanggit sa anak—si Kukudyu—na tatlong puno lang ang may sigasig mabuhay kahit masibasib pa ng apoy ang kanilang kinatitindigan. Karaniwang silang tatlo lang ang naiiwan matapos ubusin ang mga puno sa alinmang latag ng kagubatan. Tatlong lintik sa tatag at tibay kahit daanan ng liyab-apoy sa tag-araw.

Nangunguna sa tibay ang akle o koko (Serialbizia acle o East Indian walnut wood) na maganda’t matibay na kahoy pambahay. Ikalawa ang bayabas (Psidium guajava) na masarap namang pansigang sa kandule ang hinog na bunga. Katumbas ng isang bunga lang nito ang taglay na Vitamin C ng 20 kalamansi—pero mahirap pumiga ng katas-bayabas. May halimuyak sa kunat ng kahoy-bayabas. Sa panahong ito’y mahirap nang makasumpong ng may sapat na bulas para magamit na haligi sa bahay.

Ikatlo ang alibangbang—sinadya pa namin ang magkatabing dalawang puno sa paanan ng isang burol na may katabing sapa sa Ciudad Real. Magdamag na bumuhos ang ulan ng nagdaang gabi. Basa pa ang banakal na balat ng puno. Madulas. Hitik naman sa talbos sa mga mumunting sanga sa itaas. Nanghihikayat sa aakyat.

Andap ang anak na umakyat. Madulas kasi ang ibabang katawan ng puno. Tiyak na huhulagpos ang higpit ng yapos.

Kailangan nang ilapat ang katawan sa bulas ng puno kapag ganoon. Yayakap na mahigpit habang nakapangunyapit. Kikiskis ang sariling dibdib habang unti-unting iaangat ng bisig ang sariling bigat.

Dumausdos ako sa unang tangka. Bahagyang namula ang sariling balat, ikinuyumos na halik sa banakal. Hindi pa sapat ang higpit ng kapit. Ano nga ang sabi? A man’s reach should exceed his grasp. In this case, you get to reach the top if you have a grasp that can cling to the surface you’re climbing on, a grasp more than enough to carry your entire weight.

Samut-saring mikroorganismo ang namamahay sa mismong magaspang na bulas ng puno. Bahagyang makakatam, banayad na magagadgad ang sariling balat sa bisig, binti at dibdib na ihahapit na mahigpit sa puno.

Tiyak na mababahiran ng dumi ang mga bahagi ng katawan. Tiyak na masasalinan ng mga mikroorganismo—kundi hayup, halamang payak na magsasalin ng kanilang binhi o naligis na katawan sa nakaniig na katawan ng paakyat.

Bahagyang manghihilakbot na baka tila limatik at linta na magsagawa sila ng liposuction o sipsip-mantika sa pangahas na aakyat. (Kibit-balikat: wala nang mapipigang mantika o kapiraso mang bilbil sa ganitong tabas ng katawan.)

Baka masalinan ng binhi ng orchids—may mga marikit na bulaklak ng dapo na sisibol sa dibdib!

Baka makapitan ng amag na pampalasa sa keso o mikrobyo na lilikha ng tapuy—pati lasa ng pawis at buntong-hininga’y maging timplado’t makakalango.

Nabungkal ang sariling balat, naging tudling ang mga galos at gurlis—at nahasikan na marahil ng kung anu-anong mga nawaglit na punla. Na kung sakali’y magiging parang o dawag, kasukalang liblib na lalago mula puson hanggang puso.

Pero… Hindi yata nasusuklam ni mandidiri ang kayakap na puno sa anumang impeksiyon, pinsala, kalyo o kulugo na maisasalin ko.

Tuklap at napitpit ang banakal sa banayad na sakyod ng aking talampakan—baka nahawa na siya sa dahas na umiigkas mula sa paa, baka nasalinan siya ng nunal na nagtutulak sa paggalugad.

Salitan ang salinan. That’s plunging into an unfamiliar intimacy between partners in symbiosis. Maybe interface. Kailangan niya ng carbon dioxide. Kailangan ko ng oxygen. Magpapalitan kami ng hininga.

Kung anu-anong haka-haka at pangamba ang kikiliti’t (huwag ipagdiinan ang unang dalawang pantig) hahaplos sa dibdib.

SAPAT ang napupol na talbos-alibangbang sa isang lutuan—dalawang tason ng mga mumunting lunting pakpak-paruparo. Hapyaw na hahagisan muli ng tanaw ang inakyat. Sa malayo’y sandangkal lang ang sukat—ipantay ang puno sa dangkal ng daliri, ibagsak ang dulo ng daliri sa lupa. Sa binagsakan ng dulong daliri hanggang sa paanan ng puno masusukat ang taas ng puno. Kulang sa limang dipa ang inakyat…

Sisikad din sa utak na sa ganoong malayuang pagsukat, baka ganoon din ang ginagawa ng puno sa akin. Ako naman ang sinusukat.

Hamak na mas maliit ako.

Monday, September 05, 2005

Making lemonade (Timpla ng limonada)| Noodles in a haystack (Mami sa dayami) [PJI Editorials 4-5 September 2005]

Making lemonade

WE have lemons—a lot of lemons. We can slice them. Squeeze the juice plus pulp out. Stir some sugar into that. Add water— dya-dya-dyaang! – and we have lemonade. Pools and pools and pools of lemonade we can swim, launch ships on, probably buoy up hopes of the 7, 107 islands we live in.

And don’t throw the zest off those lemons. The zest— also called rind, peel, skin that has a lot of wonderful smelling oils in it. That can be used to make lemon liqueur called lemoncillo. Making lemoncillo takes a longer time than lemonade. The process is not too complicated.

We’re considering a two-bit advice: Stuck up with lemons? Make lemonade. It’s much more potable, palatable than sour grapes and belly-aching.

See here. Of every 1,000 elementary school graduates turned up by the public school system, 994 are lemons. The six that are different must be freaks or oddballs.

Of every 100 high school graduates, 98 are lemons. The two non-lemons in that pack ought to be mutants or aliens from outer space.

Those lemons fared badly in Math, Science, and English as gleaned from various academic assessment and achievement tests plied over the years.

The lemons probably comprise the teeming numbers of voters who elect into public office a gallery of clowns, dullards, monsters, and fowls.

With an electorate like that, who needs a popular mandate? Their votes may or may not count. Those votes don’t carry much weight anyway—these are mere bulk of numbers and can be kneaded, massaged, overhauled, worked over to suit the highest bidder’s pleasure. No twinge of regret, pang of guilt, and nothing wrong in wringing desired results with such numbers.

These same numbers will be racked up to bolster ratings of TV shows appropriate for viewing by baboons.

Lest we forget, there’s the 250-member or so House of Representatives that can’t even turn up a lousy 80 members to sign up an impeachment complaint.

All told, we can’t heap the blames—or flames—on an educational system that turns up lemons for its fruits.

Reap what ye sow.

Timpla ng limonada

TALA-TALAKSAN ang ating inaning limon—hitik na hitik. Ubrang hiwain. Pigain ang katas at himaymay. Haluan ng asukal. Dagdagan ng tubig—dya-dya-dyaang!—meron na tayong limonada. Apaw na apaw na apaw na limonada na malalanguyan, paglulunsaran ng mga barko, o kahit magpalutang ng pag-asa sa 7,107 pulo na tirahan natin.

Huwag itapon ang balat ng mga limon. May mahalimuyak na langis na makakatas sa balat. Magagamit para lumikha ng masarap na alak—lemoncillo. Mas matagal gawin ang lemoncillo kaysa limonada. Pero madali lang din timplahin.

Alinsunod lang ang ganito sa isang payo. Natambakan ng limon? Gumawa ng limonada. Mas matutungga, mas masisikmura kaysa pamimintas at pagrereklamo.

Sipatin ‘to. Sa bawat 1,000 nakatapos sa mababang paaralan ng bansa, 994 ang limon. Tiyak na amuyong o asungot lang iyong kakatwang anim.

Sa bawat 100 nagtapos sa mataas na paaralan, 98 ang limon. Tiyak na mula sa ibang planeta o singaw lang ang kakaibang dalawa.

Semplang ang mga limon sa Math, Science, at English batay sa mga pagsubok at sukatan na isinalang nitong mga nakalipas na taon.

Tiyak na ang limon ang bumubuo sa bilang ng mga bobotante na naghahalal ng kalipunan ng mga hibang, bugok, buhong, at halimaw sa pamahalaan.

Kung ganoon ang manghahalal, kailangan pa ba ng kanilang sang-ayon? Mabibilang o kahit na hindi na ang boto nila—hindi naman kasi matimbang. Kaya mahihilot, malalamutak, malalamas o magugutay na kahit paano ang ganoong boto para umangkop sa nais ng may pinakamataas na bayad. Hindi dapat magsisi, magmukmok, at walang masama kung pumiga man ng kinakailangang resulta sa ganoong bunton ng bilang.

Titipunin lang din ang ganoong bilang para umangat ang TV ratings ng mga palabas na tahasang angkop panoorin ng mga unggoy.

Huwag ding kalimutan, 250 yata o higit pa ang kasapian ng Kamara na ni hindi makatipon ng kahit walang latoy na 80 kasapi para lumagda sa isang impeachment complaint.

Sa huling tuusan, hindi natin maibubunton ang sisi at siklab sa isang sistema ng edukasyon na namumunga ng sandamakmak na limon.

Inaani anuman ang naitanim.
-----------------------------
Noodles in a haystack

FORGIVE that lapse in judgment over a figure of speech—we are sorry.

The search for a few needles—usually of iron-- in a haystack that’s the 250-member House of Representatives ought to end today as the House panel on justice plies out its report to the plenary session. It will be told how three impeachment complaints against the President were dumped dead like the victim of summary execution done in by vigilantes.

The impeachment complaint isn’t exactly dead and buried. Not yet.

Such a dead horse can be flogged to life in the plenary session. That is if the opposition can promise the moon, twist a few arms here and there, or do deep hypnosis on their colleagues to trot around 80 members voting against the House justice committee decision.

Over the weekend, e-mail addresses and mobile phones of about 125 lawmakers must have been barraged with mails and text messages from total strangers pleading, goading, threatening ‘em lawmakers to affix their signature to the impeachment complaint. A group called TXTPower is behind this quaint assault.

TXTPower sent out via e-mail a spreadsheet of lawmakers’ names tabbed as “gray” on their stance on impeachment. The group must have surmised that those 125 or so lawmakers needed a little push off their warm seats, maybe shared indifference or non-participation in the shaping of current events.

It was an earnest try at looking for needles in a haystack that could sew—as one Victor Frankenstein stitched together parts of corpses—and cobble up the amended impeachment complaint against the President.

Nice try.

Today’s plenary session could see that corpse of a complaint brought back to life. We may yet see a Frankenstein feat.

Or the dead will finally be buried. The fragmented opposition and their allies may weep and mourn.

The search for a few needles is done—a well-rummaged haystack ought to look like a smelly pile of ukay-ukay after that.

We need not set high expectations as chaff is separated from grain.

We need not despair if the search for needles reveals a lot more of limp noodles.
----------------------------------
Mami sa dayami

IPAGPATAWAD na kung sablay ang pasya ukol sa tayutay na needle in a haystack, naging noodle in a haystack—ikinalulungkot namin.

Iyang paghahagilap ng ilang karayom—karaniwang sa bakal gawa—sa bunton ng dayaming tulad ng 250-kataong Kamara ay magwawakas ngayon sa pagpapalabas ng ulat sa plenary session. Isasaad lang sa ulat na ang tatlong impeachment complaint sa Pangulo ay tahasang itinapon na tila biktima ng salvage ng mga vigilante.

Hindi pa masasabing tigok at nakabaon na ang impeachment complaint. Hindi pa naman.

Ubrang hambalusin ng latigo para bumangon ang patay nang kabayo sa plenary session. Mangyayari iyan kung ang oposisyon ay ipapangako ang buwan, pumilipit ng ilang braso, o ihipnotismo ang kanilang mga katoto para makatipon ng may 80 kasapi na kokontra sa pasya ng House justice committee.

Nitong nagdaang linggo, tiyak na pinutakte ang e-mail at mobile phone ng kalatas at text message na humihimok, rumarahuyo, nanlalait o nananakot sa mga 125 kinatawan upang isama ang kanilang lagda sa impeachment complaint. Nasa likod ng ganitong gawa ang isang pangkat, TXTPower.

Nagpadala ang TXTPower sa e-mail ng isang listahan ng mga kinatawang itinuturing na “wala pang pinapanigan” sa usaping pagpapatalsik sa Pangulo. Inakala marahil na ang humigit-kumulang na 125 kinatawan ay mahihimok na tumindig, o ipagpag muna ang kawalan ng pakikisangkot sa paghubog ng mga nagaganap na pangyayari sa bansa.

Paghahagilap ng karayom sa bunton ng dayami ang tinangka. Karayom na maitatahi—gaya ng ginawa ng isang Victor Frankenstein sa mga piraso ng bangkay—at mabuo na ang hanay ng magtataguyod sa binagong impeachment complaint kontra Pangulo.

Mainam na tangka.

Sa plenary session ngayon maaaring saksihan na mabubuhay ang pinatay—tulad ng nagawa na nga ni Frankenstein.

O baka tahasang ibaon na ang bangkay. Ang watak-watak na oposisyon at kanilang mga kakampi ay maaaring humagulgol at magdalamhati.

Tapos na ang paghahagilap ng mga karayom—dapat lang na magmukhang hinalukay na talaksan ng ukay-ukay ang bunton ng dayami.

Hindi dapat umasa’t umasam habang natatahip ang butil sa ipa.

Hindi dapat malungkot kung ang paghahanap ng mga karayom (needles) ay magtatambad lang ng mga lambuting mami (noodles).