Monday, March 21, 2005

Pulong-pulong sa kaunlaran

(This is an excerpted sequence from Mangkokolum's unproduced screenplay, "OPERASYON," a fictional account of the failed Operation: Jabidah in the 1960s.)

CU of saba banana fills entire screen as voice over cackles ceremoniously:


GEN.CORTO (In voice over). Here's our target, gentlemen!

SLOW ZOOM OUT to reveal:
INT. Modestly furnished, no-nonsense conference room with heavy drapes lining the walls. A long conference table with five seated figures, one on his feet, each in formal dark suits, their faces made indistinct by swathes of shadows and skeins of light from a slide projector. A projection screen occupies one end of the room where the close-up of a saba banana remains projected, spat out by projector on the table. Huge calendar on a wall proclaims the year, 1967.


GEN. DIAZ (Raspy, hoarse-voiced). We've heard it before, gentlemen. Nagkaleche-leche ang referendum sa Hilagang Borneo. Ba't kasi naisipan pa 'yung referendum... Akala... marami nang Pinoy doon. Marami na nga, 'di ba?


COL. KURATONG. (Patronizing.) Tuloy ang paglikas ng maraming Pilipino doon, sir. We have monitored the migration in the last five years. The whole territory covers about thirty thousand square kilometers. One vast stretch of pure green hell. Mas malaki pa sa Mindanao. Hindi natin kayang punuin ng tao.


GEN. CORTO. Halos sitenta porciento ng populasyon... migranteng Pinoy.


PANGULO. (Subtly seethes. Professorial tone). My predecessor thought we had the numbers to win a referendum. Pumayag ang Malaya do'n. Tinanong ang populasyon. Pilipinas o Malaya ba ang gusto nilang mamahala sa teritoryo... Those Filipino migrants... Okinana. Itinakwil ang kanilang gobyerno. Betrayed their own nation...


GEN. DIAZ. (In tired, matter-of-fact tone.) Our countrymen denied their own country. But we will not be denied, Mr. President. (Pats the inscrutable figure beside him.) What do you think, Datu Abduldol?


DATU ABDULDOL. (Thick-accented.) Walang nabago ang referendum. Ari-arian pa rin ng mga Kiram ang Hilagang Borneo. Hindi p'wedeng angkinin ng Malaya. Sa bansa pa rin natin.


COL. KURATONG. We can't trust voters to know any better, sir. Besides, we didn't resort to our standard operating procedure. Guns, goons, and gold, he-he-he...


SOLICITOR-GENERAL (SOL-GEN). Hindi na mahalaga ang resulta ng referendum. The voters gave up our government's administrative rights. Pero we still have proprietory rights over the territory, sir.


PANGULO. Good point, Mr. Solicitor General... You're saying?


SOL-GEN. We still can validate and consolidate our rights to the territory, sir.


PANGULO. Paano?


SOL-GEN. (In his element. Elocuting). Kumikilala ang mga umiiral na batas sa tatlong paraan ng pagsakop sa disputed territory. Una, outright occupation of the territory. Our people have occupied the claimed territory. Ikalawa, colonization of the territory.

Nakakaduda 'yan. Mukhang hindi inokupa't sinakop ng mga kababayan natin ang teritoryo. Sila ang nasakop, sila ang okupado. Kahit gano'n meron pang ikatlong paraan...

D. ABDULDOL. (Eager). Ano ang nalalabing paraan?

PANGULO. (Cold-blooded). And our last option is...

SOL-GEN. Outright capture of the territory. Kunin.

PANGULO. (Passionless). Despues, kunin. Gusto ko ang pananaw mo, compañero. You just put into one word what I had in mind. Kunin. Kasintunog ng anarkistang Mikhail Bakunin. Ano nga ang sinabi ng kumag na 'yon? "Give me a hundred dedicated men and I will turn Europe upside down..." (Pauses for a few beats, mulling.)

Sa palagay ninyo, ilang dedikadong tauhan ang kailangan natin?

GEN. DIAZ. (Chuckles wryly). You're suggesting a military solution, sir. No more civilian diplomatic antics?

COL. KURATONG. We need a more forceful, more permanent solution to the North Borneo problem, if I may say so, sir.

(Tense silence for several beats. )


PANGULO (Squints his right eye, grows grim as if gripped by a terrible vision. Perorates). Isipin na lang ninyo kung gaano kalaki ang teritoryong idadagdag natin sa bansa. Vast virgin forests for logging concessions. Oil fields. Gas fields. Vast real estate for construction development. Mabubundat tayo. Makukuntento ang ating mga cronies at kamag-anak. (Pauses, allows his words to sink in.)

Malaki 'yon kaysa Mindanao. Do'n natin itambak ang mga bundok ng basura ng Maynila. Do'n itapon ang mga squatters. Napakalawak niyon. Isalpak natin ang lahat na maisasalpak, believe you me...


GEN. DIAZ (Infected). We can move sakla, sabong, masiao and jueteng operations there. Pati money collection rallies ng El Pudday!


GEN. CORTO. And sauna baths, beer houses and videoke... Eat Bulaga, Game Ka Na Ba, at iba pa... Pati si Mangkokolum!


SOL-GEN (Perplexed). Hindi pa uso ang mga 'yan ngayon. We're in the 1960s, remember?


COL. KURATONG. P'wedeng dalhin ang bank robbery at kidnap for ransom.

D. ABDULDOL. Titiba tayo sa barter trading at smuggling!

PANGULO. (Emphatic). I want Sabah!

OTHER CONSPIRATORS (Equally emphatic, trembling with anticipation). We want Sabah! We want Sabah! We want Sabah! Rah-rah-rah! Sabah, Sabah, Sabah-Ziss-boom-bah!!! We want Sabah!!!

A side door opens; a retinue of waiters led by a Maitre D' go in, each one with a tray full of piping hot saba-based snack items - nilagang saba, banana cue, turon, maruya, etc.

MAITRE D' (Exaggerated). Excuse us, sers. Heto na po ang inyong orders.

Saturday, March 19, 2005

Blast me sin for I have fathered

KABILANG po ang umaararo sa pitak na ito sa mga mahilig manghimas. Hindi manghimasok-- manghimas para mahimasmasan ang nilalapatan ng haplos.

Aaminin: I'm too tactile a person who derives a lot from touching, learns a lot more from outright grasping, embracing and reaching out. Yeah, a man's hugs ought to be more expansive and deeper than his grasp.

Kabilang sa mga naging biktima ng aking hilig sa piga-hipo ang lumisan nang si Maningning-- guro, makata, painter-calligrapher, at ulirang supling ng mga katotong Mario at Alma Miclat.

Nakagawian na kasi: hapyaw na halik-amoy sa pisngi't kasunod ang konting pulupot-lingkis sa baywang na masusundan ng sunud-sunod na masuyong haplos sa likod. Hindi kailanman narinig na dumighay si Maningning -- despite such coaxing moves that nudges a babe to burp.

Bahala nang bumasa ng malisya't laswa o anumang hibo ng libog sa ganoong pakikipagdaupan ng katawan ang may alam o wala sa wikatawan-- wika ng katawan o body English.

Blast me sin for I have fathered: apat ang naging anak ko. Bawat isa'y tila tumpok-arina na araw-araw minamasa ang buong katawan sa yugto ng kanilang kamusmusan.

Nalalamutak ang mga apo sa talampakan ng kanilang over 100 years old na Lola Berta Burgos Gomez (muntik nang pakyawin ang apelyido ng mga rebeldeng pari). Banayad na pinipiga ang katawan ng apo habang umuusal ng Iluko doggerel, "pokpokkel, pokpokkel, pokpokkel..."

Iba ang ibubusina kapag ako ang may hawak sa anak: "Piga, piga, piga/Para labas-labas/Maraming mantika/Piga, piga, piga."

Kung anu-anong tagni ng tula-tulaan ang mabibigkas habang humihimas sa musmos: "Pong, pong kasili./Nanganak sa haligi./Ano'ng anak? Babae./Ano'ng pangalan? Angeli!"

All that lavish, loving fondling and caressing is meant to bolster the growing child's self-esteem, ensure psychic bonding and pump up fit the immune system.

Para tipid-gastos sa konsulta sa pediatrician. Para lumaking malusog ang katawan, diwa, at isipan ng paslit.

Tiyak na nagagap ni Maningning ang katuturan ng nakagawian kong kakatwang yakap-lingkis-haplos sa kanya. Hindi siya kailanman tumutol sa ganoong gawi sa aking pagbati. Reflexive action ang ganoon -- gawi ng tatay na magpapadighay, maghehele sa sanggol na supling.

Ah, nakatalakayan ko noon si Maningning. Ukol sa katuturan ng h'su-- o ang katangiang buo na sa dulo ng pinsel ang ilalatag na imahen sa papel, kaya iglap na padadaluyin ang imahen sa paraang reflexive action. Ganoon ang katuturan niyon sa mga gumuguhit.

Angkop din ang h'su sa katangiang ganap na sa kamay kahit hindi pa inilalapat ang kahihinatnang pinsala't pagkasawi ng katunggali. Hindi mapipigil o masasalag iyon: pinag-isa kasi ang tinatawag na intent at fulfillment o consummation. Ang taguri sa ganoong paraan: dim mak o haplos pagpaslang.

Sa iilang tulad ni Maningning, inaarok muna ang kalakip na intent-fulfillment/consummation sa ikinikilos ng kapwa. It's an intense reading process to divine the intent/fulfillment of an action. There's a rough equivalent of such awareness in English: palpate. Malayong katumbas naman sa Pilipino: lalim-arok sa kalooban. Sapol ang paraan sa taguring Tsino: bah mak.

I miss that kid, Maningning Miclat.

Saturday, March 12, 2005

Drunk and dunk in Dumaguete

NEARLY drunk to the gills and whooping it up in the wee hours of a Sunday in Dumaguete’s sun-peep strip—that stretch of rain tree-lined, brine-sprayed boulevard that looks out to Cebu and Siquijor islands—I had to turn down a local’s invitation to a parting shot of grog, something branded Vino Kulafu.

Besides, the ample thigh spread of seawater offered an invitation temptingly indulgent as sin. To that I gave in. Sweet surrender. Maybe it was the alcohol nudging me. It could be boyhood nostalgia buzzing like hornet’s nest, oozing out of one’s head and tugging at the heart like an insistent craving for sweetish colostrum. Baby yourself once in a while.

Admittedly, copious consumption of alcohol brings a wash of fire in one’s veins that beg to be drenched. In drunken glee, I took my clothes off. That was around 2:00 a.m. Most folks were, so I presumed, in their beds asleep likely tossing and turning, whatever tenable position it takes to turn wet dream into reality. Who’d pay notice to or filch a glance at a skinny dipping drunk?

Name that Drunk Sinatra tune: “Lumusong ako sa tubig, lumutang mga isda… Lumusong ako sa tubig, mga chicks tumihaya… Lumusong ako sa tubig, lumubog mga bangka…”

So with childish yelp and wearing a silly grin and nothing else, I dunked my behind and waded in until depth ushered some sole searching. Well, either soles or shifting sands on which soles padded to feel ‘em palpably real—that’s not there. So went solid footing. That gives way to not-so-solid heady exhilaration.

Ease out, float as flotsam and turn face up to a sky throbbing with stars, humming a lullaby. More probably, my grog-soused head was twitching with sure onset of hang-over. The scant light reassured I had the sea to myself. To recollect joys of boyhood past, glean ‘em like dreams soaking wet. Maybe coax out beer-induced languor if not wash rubbed off tell-tale female scents. Or to allow some sense of self to blend with waves to seek and pound tsunami-like those distant shores or preferably dainty labia majora.

Love that drunkenness! I was drunk dousing the drunkenness with a tepid pickling solution of seawater and starlight.

The whitewashed façade of Bethel Hotel a shot off the seawall burned with fluorescent lights, calling out with offers of freshly starched bedspread to plop oneself on and homespun breakfast of banana leaf-wrapped suman malagkit plus thick chocolate rounded out with cloyingly sweet mangoes.

Lunch would be a cup of rice plus charcoal-broiled leg of chicken in a dipping sauce of kalamansi, palm vinegar, and patis—gently simmered to lend a whiff and flavor of citrus zest to sauce.

Supper would be a salad of lato seaweeds, raw oysters, rice, and fish in a milky broth of tomatoes, bell pepper, spring onions, and ginger.
The delicious reverie was interrupted. There was bit of hubbub by the seawall—where I deposited whatever I had on. I must have drifted too far. It took more than a jiffy to swim—breast stroke is best -- shoreward and find out what that stir was. At 2:00 a.m.?

A gaggle of on-lookers had gathered by the seawall. Caucasian types. Tourists, most likely.

I ignored ‘em, went after my clothes, put them on unceremoniously. That not-so-brief dip had a sobering effect.

It just dawned that the on-lookers had their sights trained on me.

So what if I had become a tourist spot?

Agencia de empeños para las almas

IISA pa lang ang nagkamali pa – yata – na lumiham sa electronic mail address ng inyong kulamnista, ang hellspawnshop@hotmail.com.



Namamansing lang ng information/confirmation ang sumulat. Nagbaka-sakaling tanong. Kung may esoteric books daw ba akong natipon sa aking aklatan.



Ni hindi ko sinagot ang kumag. Interesado lang kasi. Saanman tuusin, laging daig ng isang may pananalig sa anumang larangan ng gawi’t gawa ang sanlaksa mang interesado lang. Iba ang may iwing pananalig – masigasig sa paghahasa ng kakayahan at kaalaman. Para tumalim. Lalong lumalim.



No rust or dust settles on the blade-mind constantly honed.



Saka ni hindi kinilabutan ang kumag— nangahas sumulat sa address na ang inilalantad na kahulugan, “sanglaan ng impiyerno.” Ang maisasangla? Kaluluwa. Mwa-ha-ha-haw!



Teka. Labis kong ikinatuwa na makatabi sa isang internet café sa Citimall (halos katapat ng Philcoa sa Quezon City) ang isang talubata na dumadagli ng dula-dulaan sa wikang Italyano. Malibog na wika iyon. Humihimas sa suso’t puson. Isinalang ng naturang talubata sa usapan ng mafiosi at kanyang mga kampon.



Sa paggagap sa isang wika, kasabay na matutuklas – at tuluyang maaangkin – ang kaluluwa ng lupain at mga taong gumagamit ng wikang iyon. Unti-unti ring ibubunyag/ibubukaka ng wika ang dagdag na tanaw/tuklas sa daigdig.



Ibinahagi ng España ang saltik ng kanilang dila; sinupsop natin ang pintig ng ragasang cadenza ng corrida de toro at indayog ng belcanto.


Sumalin sa atin ang American English; binarurot natin pati tumbong ng Californication; kumaldag ng one-syllable punch words; umindak sa rock and roll.


Nakasagap tayo ng Mandarin; nasalinan tayo ng kuryente ng chi at jing; sumulong tayo sa pitlag ng wushu’t wuxia.


Nawili tayo ng kabalbalan ng txt – nalintekan na, lalo pa tayong nagkahindut-hindot, pwe-he-he-he!



Kung hindi man lubusang maangkin ang kaluluwa ng ginagagap na wika, pansamantalang masasangla. Teka, isa nga pala sa mga lihim na katuturan ng katagang wika – pagbabalik-tahanan ng kaluluwa.



Pansinin ang halimbawang Biblikal at Dr. Jose P. Rizal: palatandaan ng kapuspusan sa Sagrado Espirito ang pangungusap sa iba’t ibang wika.


Isa sa mga nakawilihang wika ang Sanskrit – pinulidong wika ang tahasang kahulugan nito. Nagtataglay ito ng 50 titik, bawat isa’y sinapupunang bungo. Maaaninag sa ganito ang archetypal image ni Zeus. Ipinagbuntis at iniluwal mula sa kanyang bungo ang kabiyak niyang si Pallas Athene, diyosa ng karunungan at pandirigma. Iyon ang nakatagong anino sa katagang “brainchild” – sariling supling at talisuyo.



Bawat isa sa 50 titik ng Sanskrit, binhi ng katangian ng Bathala. May kapangyarihan na maipupunla sa iba’t ibang pitak ng kaluluwa. Malilinang, mapapayabong. Mapapabulaklak. Mapagbubunga.


Kaakibat ng nilikhang wika – ang Sanskrit – ang tuwirang pagsamba’t panawagan sa Maykapal. Maliliwanagan dito ang elemental na pakay ng wika – sangkap itong nakalaan sa pananalig, sa pagpapanumbalik sa tahanan ng kaluluwa. Maidadagdag natin: talagang maraming kataga sa Tagalog ang halaw o hiram mula Sanskrit.



Sa ungkat ng kumag na nangahas maglagak ng kanyang katiting na interes sa hellspawnshop@hotmail.com, kapirangot na kulangot ang maisasagot. Sige na nga, meron nga akong iniingatang mga aklat – na hindi madaling mabubuklat. Tulad ng nakatikom na bulaklak sa pagitan ng pigi nina Joyce Jimenez at Maricar de Mesa: ibubuka mang pahinang malaman, humihiling ng masuyong pag-alam.



May marikit na utog sa tagubilin ng alinmang wika – gamitin muna ang sariling dila!



Saka tatambad ang papasuking luwalhati kapag naibukaka, mwa-ha-ha-haw!

Friday, March 11, 2005

Pagsisino at pagsisinop

NAKAUGATsa ating wika at kultura ang matinding pagtutol sa pag-iral ng national ID system.

Nasisiwalat sa wika ang mind-set o kaisipang umiiral sa ibang bansa. Sa Español, bukambibig na gamitin sa pag-ungkat sa ngalan ng kausap ang “Como se llama?”. Ang tuwirang katuturan nito: “Paano mo tinatawag ang iyong sarili?”

Marahil, mas matimbang sa kultura na nagsilang sa ganoong wika ang pagkilala ng indibidwal sa kanyang sarili kaysa pagturing sa kanya ng karamihan. May pagkiling at pagkalinga sa self-realization, sa self-made na mga nagtagumpay. May paghanga at respeto sa may kusang palo at pagsisikap, sa sinumang pangahas na igiit ang kasarinlan ng sarili.

Karaniwang bansag na mas mapanira kaysa mapanuri ang pagbibigay-pangalan natin sa ilan—halimbawa, Huwang Pilay, Goriong Kirat, Leon Kilat… Ang pagturing na ito’y nagpapatingkad ng kapansanan kaysa kakayahan ng indibidwal.

Pansinin na nakabaong moog at muhon ang katagang “sarili” sa katagang kasarinlan, independence o freedom sa Ingles.

Hindi tayo nagtataka sa kadahilanan kung bakit nilapatan ng ibang pangalan ang ating pambansang bayani. Realonda ang apelyido ng kanyang ina. Mercado naman sa ama. Kilala natin siya sa inihayag niyang pangalan—Jose Protacio Rizal.

Sa naunang yugto ng pananakop ng mga Español, nilapatan ng apelyido ang mga Indio batay sa kanilang rehiyon at lalawigan. Paraan ito para masubaybayan ang kanilang paglikas at paglipat-lipat ng tirahan, maging ang kanilang pagkilos.

Nakatikim na rin ang nakapataw na ID system sa panahong iyon ang sambayanang Pilipino. Cedula ang taguri sa naturang ID.

Ngitngit na pinunit nina Andres Bonifacio at mga anak ng bayan ang kani-kanilang cedula bilang hudyat sa himagsikan. Hudyat ito para igiit ang kasarinlan.

Pansinin muli na nakabaong muhon ang katagang “sarili” sa salitang kasarinlan.

Ang kalayaan ay may kinalaman sa ating kakayahan na bigyan ng pangalan ang ating mga sarili ayon sa ating pagtuturing.

Aalis Ka, Ma’am?

AYON sa unang talata ng nalimbag na balita: “Kabilang ka sa pinakamahusay kung paalis ka na.”

Tinutukoy nito ang paglisan ng kawan-kawang guro tungo sa US. 20% ng taumbayan ang talagang walang nakikitang pag-asa sa Pilipinas. Kaya ibig nang lisanin ang bansa.

Sinunggaban ng mga guro ang pinakamababang sahod ang P150,000 sambuwan. Pumapatak na $3,000 monthly. Mula sa $400 hanggang $500 lang ang upa sa apartment na may 45-50 metro kuwadrado ang sukat. Hindi aabot sa $600 ang buwanang gastos sa pagkain, pasahe, ilaw at tubig.

Samantala, maganda na ang P10,000 buwanang kita ng guro sa state colleges and universities. Kay dami pa ng kaltas sa naturang halaga. Mahina ang P4,000 upa sa tirahan - huwag nang ungkatin kung bahay- kalapati o bartolina ang sukat. Todo-tipid para mapagkasya ang P3,000 sa pagkain, ilaw, tubig at pasahe.

P12,000 ang hiling na minimum monthly salary sa mga guro sa isinampang panukalang-batas sa Senado. Maliit pa rin. Mas magaganyak pa rin ang mga pinakamahusay na bumaling sa P150,000 buwanang sahod sa US.

Bawal ding magkasakit si Ma’am at Sir. Ayon sa ulat mula Department of Health, karaniwang may tama ng tuberculosis ang mga guro, lalo na ‘yung mga nasa paaralang publiko. Matuturing na lifestyle disease ang TB para sa mga guro dahil kandakuba sa samut-saring pangangailangan ng gawain, ng pagtutok mula 50 hanggang 150 estudyante sa silid-aralang sinlaki ng kanyang pay envelope.

Ihambing ito sa US educational standard. Mula 15 hanggang 20 lamang ang bilang ng mag-aaral bawat silid-aralan. Makakahinga nang maluwang ang guro. Maaasikaso ang konting bilang na tuturuan. At sapat din ang mga aklat, babasahin at kagamitan sa pagtuturo.

Talagang todo-bigay sa ayuda’t suporta ang pamahalaang US para iangat ang kalidad ng kabataang nakasalang.

Totoo rin kasi: Sadsad na ang kakayahan ng kanilang mga mag-aaral. Kasi, subsob sa dami ng libangan at aliwan - mula cable television, computer games at iba pang bisyo. Kaya mababa ang achievement tests sa math, science at reading comprehension.

Sanhi ng nangyari noong Setyembre 11, 2001, may kung ilang milyong namamasukan sa pandaigdigang airline and travel industry ang nawalan ng trabaho. Malaking bilang ng mga ito ang hinatak para punuan ang kailangang higit sa limang milyong guro sa math, science at English sa US sa loob ng limang taon.

Kaya pawang first-rate, top- caliber at world-class teachers ang hinahakot ngayon ng US.

Ang konsuelo na lang ay sumasalin sa pambansang ekonomiya ang mula $8 bilyon hanggang $10 bilyon taun-taon na intrega ng mga nandayuhang kababayan. Kahit laspag na ang likas na kayamanan o natural resources ng bansa sagana pa rin sa yamang kakayahan/ kaalaman o human resources.

Sayang nga lamang at napapakinabangan hindi rito kundi sa ibang lupain.