NAKAUGATsa ating wika at kultura ang matinding pagtutol sa pag-iral ng national ID system.
Nasisiwalat sa wika ang mind-set o kaisipang umiiral sa ibang bansa. Sa Español, bukambibig na gamitin sa pag-ungkat sa ngalan ng kausap ang “Como se llama?”. Ang tuwirang katuturan nito: “Paano mo tinatawag ang iyong sarili?”
Marahil, mas matimbang sa kultura na nagsilang sa ganoong wika ang pagkilala ng indibidwal sa kanyang sarili kaysa pagturing sa kanya ng karamihan. May pagkiling at pagkalinga sa self-realization, sa self-made na mga nagtagumpay. May paghanga at respeto sa may kusang palo at pagsisikap, sa sinumang pangahas na igiit ang kasarinlan ng sarili.
Karaniwang bansag na mas mapanira kaysa mapanuri ang pagbibigay-pangalan natin sa ilan—halimbawa, Huwang Pilay, Goriong Kirat, Leon Kilat… Ang pagturing na ito’y nagpapatingkad ng kapansanan kaysa kakayahan ng indibidwal.
Pansinin na nakabaong moog at muhon ang katagang “sarili” sa katagang kasarinlan, independence o freedom sa Ingles.
Hindi tayo nagtataka sa kadahilanan kung bakit nilapatan ng ibang pangalan ang ating pambansang bayani. Realonda ang apelyido ng kanyang ina. Mercado naman sa ama. Kilala natin siya sa inihayag niyang pangalan—Jose Protacio Rizal.
Sa naunang yugto ng pananakop ng mga Español, nilapatan ng apelyido ang mga Indio batay sa kanilang rehiyon at lalawigan. Paraan ito para masubaybayan ang kanilang paglikas at paglipat-lipat ng tirahan, maging ang kanilang pagkilos.
Nakatikim na rin ang nakapataw na ID system sa panahong iyon ang sambayanang Pilipino. Cedula ang taguri sa naturang ID.
Ngitngit na pinunit nina Andres Bonifacio at mga anak ng bayan ang kani-kanilang cedula bilang hudyat sa himagsikan. Hudyat ito para igiit ang kasarinlan.
Pansinin muli na nakabaong muhon ang katagang “sarili” sa salitang kasarinlan.
Ang kalayaan ay may kinalaman sa ating kakayahan na bigyan ng pangalan ang ating mga sarili ayon sa ating pagtuturing.

Comments