Skip to main content

Agencia de empeños para las almas

IISA pa lang ang nagkamali pa – yata – na lumiham sa electronic mail address ng inyong kulamnista, ang hellspawnshop@hotmail.com.



Namamansing lang ng information/confirmation ang sumulat. Nagbaka-sakaling tanong. Kung may esoteric books daw ba akong natipon sa aking aklatan.



Ni hindi ko sinagot ang kumag. Interesado lang kasi. Saanman tuusin, laging daig ng isang may pananalig sa anumang larangan ng gawi’t gawa ang sanlaksa mang interesado lang. Iba ang may iwing pananalig – masigasig sa paghahasa ng kakayahan at kaalaman. Para tumalim. Lalong lumalim.



No rust or dust settles on the blade-mind constantly honed.



Saka ni hindi kinilabutan ang kumag— nangahas sumulat sa address na ang inilalantad na kahulugan, “sanglaan ng impiyerno.” Ang maisasangla? Kaluluwa. Mwa-ha-ha-haw!



Teka. Labis kong ikinatuwa na makatabi sa isang internet café sa Citimall (halos katapat ng Philcoa sa Quezon City) ang isang talubata na dumadagli ng dula-dulaan sa wikang Italyano. Malibog na wika iyon. Humihimas sa suso’t puson. Isinalang ng naturang talubata sa usapan ng mafiosi at kanyang mga kampon.



Sa paggagap sa isang wika, kasabay na matutuklas – at tuluyang maaangkin – ang kaluluwa ng lupain at mga taong gumagamit ng wikang iyon. Unti-unti ring ibubunyag/ibubukaka ng wika ang dagdag na tanaw/tuklas sa daigdig.



Ibinahagi ng España ang saltik ng kanilang dila; sinupsop natin ang pintig ng ragasang cadenza ng corrida de toro at indayog ng belcanto.


Sumalin sa atin ang American English; binarurot natin pati tumbong ng Californication; kumaldag ng one-syllable punch words; umindak sa rock and roll.


Nakasagap tayo ng Mandarin; nasalinan tayo ng kuryente ng chi at jing; sumulong tayo sa pitlag ng wushu’t wuxia.


Nawili tayo ng kabalbalan ng txt – nalintekan na, lalo pa tayong nagkahindut-hindot, pwe-he-he-he!



Kung hindi man lubusang maangkin ang kaluluwa ng ginagagap na wika, pansamantalang masasangla. Teka, isa nga pala sa mga lihim na katuturan ng katagang wika – pagbabalik-tahanan ng kaluluwa.



Pansinin ang halimbawang Biblikal at Dr. Jose P. Rizal: palatandaan ng kapuspusan sa Sagrado Espirito ang pangungusap sa iba’t ibang wika.


Isa sa mga nakawilihang wika ang Sanskrit – pinulidong wika ang tahasang kahulugan nito. Nagtataglay ito ng 50 titik, bawat isa’y sinapupunang bungo. Maaaninag sa ganito ang archetypal image ni Zeus. Ipinagbuntis at iniluwal mula sa kanyang bungo ang kabiyak niyang si Pallas Athene, diyosa ng karunungan at pandirigma. Iyon ang nakatagong anino sa katagang “brainchild” – sariling supling at talisuyo.



Bawat isa sa 50 titik ng Sanskrit, binhi ng katangian ng Bathala. May kapangyarihan na maipupunla sa iba’t ibang pitak ng kaluluwa. Malilinang, mapapayabong. Mapapabulaklak. Mapagbubunga.


Kaakibat ng nilikhang wika – ang Sanskrit – ang tuwirang pagsamba’t panawagan sa Maykapal. Maliliwanagan dito ang elemental na pakay ng wika – sangkap itong nakalaan sa pananalig, sa pagpapanumbalik sa tahanan ng kaluluwa. Maidadagdag natin: talagang maraming kataga sa Tagalog ang halaw o hiram mula Sanskrit.



Sa ungkat ng kumag na nangahas maglagak ng kanyang katiting na interes sa hellspawnshop@hotmail.com, kapirangot na kulangot ang maisasagot. Sige na nga, meron nga akong iniingatang mga aklat – na hindi madaling mabubuklat. Tulad ng nakatikom na bulaklak sa pagitan ng pigi nina Joyce Jimenez at Maricar de Mesa: ibubuka mang pahinang malaman, humihiling ng masuyong pag-alam.



May marikit na utog sa tagubilin ng alinmang wika – gamitin muna ang sariling dila!



Saka tatambad ang papasuking luwalhati kapag naibukaka, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...