AYON sa unang talata ng nalimbag na balita: “Kabilang ka sa pinakamahusay kung paalis ka na.”
Tinutukoy nito ang paglisan ng kawan-kawang guro tungo sa US. 20% ng taumbayan ang talagang walang nakikitang pag-asa sa Pilipinas. Kaya ibig nang lisanin ang bansa.
Sinunggaban ng mga guro ang pinakamababang sahod ang P150,000 sambuwan. Pumapatak na $3,000 monthly. Mula sa $400 hanggang $500 lang ang upa sa apartment na may 45-50 metro kuwadrado ang sukat. Hindi aabot sa $600 ang buwanang gastos sa pagkain, pasahe, ilaw at tubig.
Samantala, maganda na ang P10,000 buwanang kita ng guro sa state colleges and universities. Kay dami pa ng kaltas sa naturang halaga. Mahina ang P4,000 upa sa tirahan - huwag nang ungkatin kung bahay- kalapati o bartolina ang sukat. Todo-tipid para mapagkasya ang P3,000 sa pagkain, ilaw, tubig at pasahe.
P12,000 ang hiling na minimum monthly salary sa mga guro sa isinampang panukalang-batas sa Senado. Maliit pa rin. Mas magaganyak pa rin ang mga pinakamahusay na bumaling sa P150,000 buwanang sahod sa US.
Bawal ding magkasakit si Ma’am at Sir. Ayon sa ulat mula Department of Health, karaniwang may tama ng tuberculosis ang mga guro, lalo na ‘yung mga nasa paaralang publiko. Matuturing na lifestyle disease ang TB para sa mga guro dahil kandakuba sa samut-saring pangangailangan ng gawain, ng pagtutok mula 50 hanggang 150 estudyante sa silid-aralang sinlaki ng kanyang pay envelope.
Ihambing ito sa US educational standard. Mula 15 hanggang 20 lamang ang bilang ng mag-aaral bawat silid-aralan. Makakahinga nang maluwang ang guro. Maaasikaso ang konting bilang na tuturuan. At sapat din ang mga aklat, babasahin at kagamitan sa pagtuturo.
Talagang todo-bigay sa ayuda’t suporta ang pamahalaang US para iangat ang kalidad ng kabataang nakasalang.
Totoo rin kasi: Sadsad na ang kakayahan ng kanilang mga mag-aaral. Kasi, subsob sa dami ng libangan at aliwan - mula cable television, computer games at iba pang bisyo. Kaya mababa ang achievement tests sa math, science at reading comprehension.
Sanhi ng nangyari noong Setyembre 11, 2001, may kung ilang milyong namamasukan sa pandaigdigang airline and travel industry ang nawalan ng trabaho. Malaking bilang ng mga ito ang hinatak para punuan ang kailangang higit sa limang milyong guro sa math, science at English sa US sa loob ng limang taon.
Kaya pawang first-rate, top- caliber at world-class teachers ang hinahakot ngayon ng US.
Ang konsuelo na lang ay sumasalin sa pambansang ekonomiya ang mula $8 bilyon hanggang $10 bilyon taun-taon na intrega ng mga nandayuhang kababayan. Kahit laspag na ang likas na kayamanan o natural resources ng bansa sagana pa rin sa yamang kakayahan/ kaalaman o human resources.
Sayang nga lamang at napapakinabangan hindi rito kundi sa ibang lupain.

Comments