KABILANG po ang umaararo sa pitak na ito sa mga mahilig manghimas. Hindi manghimasok-- manghimas para mahimasmasan ang nilalapatan ng haplos.
Aaminin: I'm too tactile a person who derives a lot from touching, learns a lot more from outright grasping, embracing and reaching out. Yeah, a man's hugs ought to be more expansive and deeper than his grasp.
Kabilang sa mga naging biktima ng aking hilig sa piga-hipo ang lumisan nang si Maningning-- guro, makata, painter-calligrapher, at ulirang supling ng mga katotong Mario at Alma Miclat.
Nakagawian na kasi: hapyaw na halik-amoy sa pisngi't kasunod ang konting pulupot-lingkis sa baywang na masusundan ng sunud-sunod na masuyong haplos sa likod. Hindi kailanman narinig na dumighay si Maningning -- despite such coaxing moves that nudges a babe to burp.
Bahala nang bumasa ng malisya't laswa o anumang hibo ng libog sa ganoong pakikipagdaupan ng katawan ang may alam o wala sa wikatawan-- wika ng katawan o body English.
Blast me sin for I have fathered: apat ang naging anak ko. Bawat isa'y tila tumpok-arina na araw-araw minamasa ang buong katawan sa yugto ng kanilang kamusmusan.
Nalalamutak ang mga apo sa talampakan ng kanilang over 100 years old na Lola Berta Burgos Gomez (muntik nang pakyawin ang apelyido ng mga rebeldeng pari). Banayad na pinipiga ang katawan ng apo habang umuusal ng Iluko doggerel, "pokpokkel, pokpokkel, pokpokkel..."
Iba ang ibubusina kapag ako ang may hawak sa anak: "Piga, piga, piga/Para labas-labas/Maraming mantika/Piga, piga, piga."
Kung anu-anong tagni ng tula-tulaan ang mabibigkas habang humihimas sa musmos: "Pong, pong kasili./Nanganak sa haligi./Ano'ng anak? Babae./Ano'ng pangalan? Angeli!"
All that lavish, loving fondling and caressing is meant to bolster the growing child's self-esteem, ensure psychic bonding and pump up fit the immune system.
Para tipid-gastos sa konsulta sa pediatrician. Para lumaking malusog ang katawan, diwa, at isipan ng paslit.
Tiyak na nagagap ni Maningning ang katuturan ng nakagawian kong kakatwang yakap-lingkis-haplos sa kanya. Hindi siya kailanman tumutol sa ganoong gawi sa aking pagbati. Reflexive action ang ganoon -- gawi ng tatay na magpapadighay, maghehele sa sanggol na supling.
Ah, nakatalakayan ko noon si Maningning. Ukol sa katuturan ng h'su-- o ang katangiang buo na sa dulo ng pinsel ang ilalatag na imahen sa papel, kaya iglap na padadaluyin ang imahen sa paraang reflexive action. Ganoon ang katuturan niyon sa mga gumuguhit.
Angkop din ang h'su sa katangiang ganap na sa kamay kahit hindi pa inilalapat ang kahihinatnang pinsala't pagkasawi ng katunggali. Hindi mapipigil o masasalag iyon: pinag-isa kasi ang tinatawag na intent at fulfillment o consummation. Ang taguri sa ganoong paraan: dim mak o haplos pagpaslang.
Sa iilang tulad ni Maningning, inaarok muna ang kalakip na intent-fulfillment/consummation sa ikinikilos ng kapwa. It's an intense reading process to divine the intent/fulfillment of an action. There's a rough equivalent of such awareness in English: palpate. Malayong katumbas naman sa Pilipino: lalim-arok sa kalooban. Sapol ang paraan sa taguring Tsino: bah mak.
I miss that kid, Maningning Miclat.

Comments