Skip to main content

Gone to the dogs and loving it

KALAHOK sa lugaw na buto-buto’t durog na mais (naglalaro sa P18 hanggang P20 ang kilo) ang kung ilang dakot ng balatong aso’t ulasimang aso. Para sagana sa hibla o fiber ang pagkain ng aming mga aso-- potsotsoy ang naging term of endearment namin sa mga damuho.

Lumilitaw na panlaban yata sa Alzheimer’s disease ang ulasimang aso. Panghasa daw sa mapurol o pulpol nang utak. Pampatalino raw. Pampa-----tuliro?

Kinukutuban na akong baka sa aso tahasang tumatalab ang bisa ng ulasimang aso.

Delikado ito: mahirap mag-alaga ng gifted canine sa panahong ito’t baka maisuplong pa ako ng mga kumag sa pag-iingat ng weapons of mass destruction, pakikipaghuntahan sa mga mikrobyo, pagbigkas ng mga ipinagbabawal na oraciones mula sa mga aklat na itim… Huwag naman silang magkakamali. Baka ito na ang simula ng bagong pangkatin ng Dominicans—sila ang kapural ng matinong irrigation system sa bansa, nagtatag din ng pinakamatandang pamantasan sa Pilipinas. Magugunita ang katuturan ng Dominicans—Domini canis, dogs of God. Binaligtad na dog ang god. Oo, daemon est deus inversus!

Talagang sasaklutin, lalamutakin ng kaba ang dibdib. Hindi nga lampas sa 90 ang intelligence quotient ni George Dubious, este, Dubya nga pala Bush.

Pero nahangal, oops, nahalal na pangulo ng United States dahil yata mas nakararami ang mga bopol doon. Idagdag pa na (ayon sa isang intelligence quotient survey sa mga bilanggo noong dekada 1970) karaniwang I.Q. 80 ang mga sugapa sa kaplugan—meron ngang anim mula US na napadpad sa Subic, tumangay ng edad-22 at pinagparausan nga sa loob ng isang Starex van. Kumukulong balita ngayon ang kinahantungan dahil sa mga naglipanang bobo. Kiki ang katumbas ng bobo sa Nippongo. Kaya yata nagiging bobo ang sobrang mahilig sa kiki.

Kikilabutan pa rin sa mahahasang talisik at talino mula ulasimang aso.

Paano na kung I.Q. 150 nga pala ako, este, ang aming mga alagang potsotsoy sanhi ng kanilang nilalantakang ulasimang aso? Mapapayagan kaya, maaatim kaya ng sambayanang bobotante na kumandidato bilang Pangulo ng Pilipinas ang alinman sa aming mga alagang aso?

Paano na kung lumabas na mas matino ang kanilang pamamahala sa bansa kaysa diskarte nina Erap at Ale Baba?

Bakit kasi kailangang ilantad pa sa mambabasa ang kakaibang bisa ng ulasimang aso? ‘Nampusa talaga!

Nasagasaan ng basa ni misis ang isang nalathalang balita kamakailan. Nabanggit sa balita ang mga mahusay na katangian ng ulasimang aso. Pangontra sa pagka-ulyanin. Pampatalas ng isipan. Pampasidhi ng alaala. Naungkat tuloy kung saan ako naghahagilap ng naturang pandagdag-hibla sa pagkain ng aming mga potsotsoy.

‘Kako’y mainam din namang sangkap ang mga talbos balatong aso sa lugaw na mais para sa aming mga aso. Panlaban sa arthritis. Kontra sa glaucoma. Pampasadsad ng alta presyon. Masinsinan nang pananaliksik ang iniukol para matukoy ang matinding bisa nito.

Saka pamahayan ng paru-paro ang balatong aso. As each butterfly eases off its cocoon, one whispers to the critter one’s fondest wish. Dadalhin ng paru-paro ang naturang kahilingan sa Maykapal. If the wish isn’t next to impossible, say, eradicating idiocy and corruption in government, why, the wish is granted.

Saka meron pang tinatawag na butterfly effect—sa banayad na bigwas ng bagwis ng paru-paro, may napupukaw namang buhawi sa malayong panig ng daigdig. Baka ang likwad ng mga paru-paro mula sa aming halamanan ay makalikha ng angaw na tornado na tatahip at gugutay, malay natin, sa White House, Malacañang, House of Representatives, Senate, Bureau of Customs, Bureau of Infernal Revenue, International Monetary Fund, World Bank, at iba pang sangay ng impiyerno sa mundo.

Pero pilit inungkat kung saan ako kumukuha ng ulasimang aso. Hindi pa raw kami naglalahok niyon sa aming pagkain. Nagtaka pa kung bakit sa pagkain lang ng aso isinasama ang kamangha-manghang halaman.

Malimit ‘kakong sa tabing ilog ako nakakasumpong ng naturang halamang ligaw. Mahiligin kasi iyon sa tubig, sa mga lupang sanaw sa tubig.

Inalam kung bakit sa aso lang nakalaan ang ulasimang aso.

Sinalag ang pamimilit ni misis. Nilinaw ang dahilan mula sa inilapat na pangalan sa mga potsotsoy. Monster ang turing kay Clementine—dahil asal-halimaw ang damuhong aso. Halaw naman sa ngalan ng isang nature spirit si Musar kaya makalinga sa kanyang mga anak. Nagmula sa pangalan ng naging country chairman ng isang oil multinational si Oca.

Erap at Gloria ang pangalan ng dalawa pang aso.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...