Skip to main content

Meron pa 'kong P200 sa bulsa

DALAWANG taon na'ng nakalipas nang masulat ko 'to. An'daling pihitin ng daloy at ligwak ng pangyayari para maging kuwento-- na maipapalimbag sa nalalabing lingguhang babasahin na naglalabas pa ng prosa-- walang 5,000 na ang national circulation nito-- at mababayaran ng P300 na kakaltasin ang 10%. Tumataginting na P270 ang sasalampak sa palad!

Maglilimi. Magtutuos.

P325 ang umiiral na pinakamababang arawang bayad sa karaniwang obrero't kawani sa Metro Manila. P280 ang national average daily minimum wage. Titimbangin at matamang sisipatin ang P270 at P280 saka uusal ng 'sangkatagang taimtim na dasal. Hindot!

MATAPOS tumanggap kamakalawa ng dalawang bulig mula pangkokolum, nahagilap agad ng aking unica hija-- nilambing ang aking bulsa. Pigtas ang sambulig nang salidahin ako sa aking tanggapan.

Nahagip din agad ng isa pang bata, 21 anyos rin tulad ng aking si Podying. Iisang petsa pa nga ang kanilang kaarawan-- Abril 15, 1982. Sa Quezon City Medical Center isinilang ang anak; nakatutok ang obstetrician-gynecologist; nakasubaybay ang pediatrician. Lumaki sa isang subdivision sa Camarin, Caloocan City. Batang lunsod. College graduate. Career girl. Sapul pagkabata, marami na siyang matinong tunguhin at pagpipilian sa buhay.

Sa kapangalan din ng anak na pumigtas ng nalabing bulig, hilot lang ang nagpaanak. Lumaki naman siya sa isang himbing na nayon sa Talisay, Daet-- hindi ko alam kung Norte o Sur ng Camarines pero katiyap pa rin ang lunan bilang imbakan, camarin. Wala halos mapipiling tatahakin sa kanyang buhay. Ni hindi nakatapos ng high school. Nag-istokwa ang bata. Nabuntis. May pasusuhing anak na ipinapamigay sa Mangkokolum.

Kahit paano'y naaasikaso pa ang ilang pananim sa lata ng gatas-- isang baliteng pula, tatlong kamatsile, dalawang kasoy, baston de san jose, pako, mayana't kawayang hapon. Mas madaling kausapin at diligin ng kalinga ang halaman. Suko na ako sa pag-aalaga ng bata.

Tawasin man kahit sandaang ulit, hanggang pag-aalaga na lang ng halaman, aso't pusa at microbial colony (Masarap ang bawal: Bacillus anthracis!) ang kakayanin. Ipag-adya po sana ako sa matinong pag-aalaga't pagpapalaki ng musmos-- na maituturing na pinaka sa lahat ng profession. Pinakamagastos sa pera. Pati sa panahon. 'Yung santambak na quantity time at sangkatutak na quality time para mahubog ang musmos sa wastong gawi at matinong ugali.

Sinuklian ng kontra-alok ang ipamimigay na sanggol. Sabi ko'y ibabalik ko na lang silang mag-ina sa Daet. Kahit na hikahos ang buhay sa lalawigan, tiyak na hindi naman sasablay sa pagkain-- kahit saba, balinghoy, mais, tugi o kamote na maitatanim sa tabi-tabi. Pawang mas masustansiya kaysa kanin o instant mami.

Naidagdag na hindi mainam na lumaki ang sanggol sa siksikang lunsod. Karima-rimarim ang nasalaulang hangin ('yung ambient air quality) na papasok sa baga ng musmos. Sa halip na maging kulay murang rosas ang baga ng paslit, magiging kasing-itim ng budhi ng Ale Baba and Plenty Thieves sa Malacañang. Tatamaan tiyak ng primary pulmonary tuberculosis complex-- na nauuwi sa tisis kapag hindi naagapan ng masustansiyang pagkain at tutok-pediatrician.

Tangay din ng hangin saanmang lasangan ng lunsod ang santambak na heavy metals. Tiyak na masasagap ng sanggol, sasalin sa dugo, diretso sa mga himaymay ng utak. Nakakabobo't nakakapinsala sa katinuan ang ganoon. 'Kako'y mahirap nang matulad ang wala pang muwang bata sa ikid ng batok ng isang Bayani Fernando.

Nasumpungan ako kahapon ng bata. Limang araw daw siyang nakulong sa Western Police District. Vagrancy. Hindi naman daw siya ginalaw sa loob. Sabi ko'y matino naman talaga ang mga pulis.

Inulit ko ang alok na ihahatid silang mag-ina sa Daet. Pumayag naman ang bata. Sa Sabado 'kako. Ikawalo ng umaga-- nakatapos na 'kong maglaro ng qigong sa ganoong oras. Sa National Press Club magkikita. Tutuloy sa terminal ng mga biyaheng Bikol, para maibalik siya -- at ang ipapamigay na supling -- sa kanyang lupaing sinilangan. Kukupkupin siya doon.

Meron pa 'kong P200 sa bulsa. Kailangan ng dagdag na tatlong bulig na pasahe't pabaon sa mag-ina.

Bahala na ang Panginoon.

Kalingain nawa sa kamay ng Dakilang Lumikha ang bawat sikap at atikha!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...