NAHALUNGKAT: sa rosarium o halamanan ng rosas pala nag-ugat ang katagang “rosaryo.” Matinik na lunan iyon—hitik sa tinik ang mga tangkay ng bawat humahalimuyak na bulaklak. Sa halip na lumuhod sa paanan ng dambana, sa piling ng mga tinik, tangkay, at talulot nakagawian yatang maghasik ng dasal noong unang panahon. Baka sa ganoon ding sulok ng halamanan makakalkal ang pinagmulan ng isang sinaunang sawikain. “Walang matimtimang birhen sa matiyagang kumain nang kumain nang kumain.” Magugunita tuloy ang mga kakatwang tagpo mula nobelang Como Agua para Chocolate ni Laura Esquivel— sumulak sa sidhi ang libog ng bawat lumantak ng putaheng pugo na may salsa mula talulot ng rosas. Pilit ipinagpag ng isang dilag ang utog—naligo pero nagliyab pati ang paliguan, nadarang sa matinding init na sumingaw sa hubo’t hubad na katawan. Maidadagdag pa ang kuntil-butil ng Doctrine of Signatures mula kay Theoprastus Paracelsus. Saklaw daw ng planetang Venus ang rosas— sakop niyong planeta pati na puson at ...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.