Skip to main content

Tic-tac-toe (Meron namang bayad) (PJI editorial 12 August 2005)

Tic-tac-toe

THOSE jueteng witnesses who turned back on their words are an amusing lot—quite entertaining, too.

It must have occurred to them that their “testimony” is probably derived from the words “testes” and “money.” Assert out testes on the gavel block—ages back, a witness didn’t place his hand on a stack of Bibles but held the family jewels and swore upon future offspring of his to carry on the weight of shining truth or peddled pack of lies.

Indeed, it’s the sons and daughters yet to be born that will bear the onus of parental lies, or will be beaconed in their paths by the brilliance of truth their forebears upheld.

But then peddled lies don’t fetch piddling sums. Definitely not when yarns can affect positions of power, prestige, and perks imperiled by truth. In a sudden twist, the testes can be conveniently dropped and thereby solve pesky problems—mostly liquidity.

Testes need not be bashed when it turns to cash. Drop testes in testimony. Take the money—and run with tails between the legs.

Whatever truth mouthed off can be lapped up as a dog-- with all due apologies to dogs-- laps up its vomit.

The entertainment portion can be as absorbing as a game of tic-tac-toe. Double cross your comrades in jueteng operations then cross your fingers and hope to lie—that makes a straight triple cross. It’s a tic-tac-toe win.

Audiences are stumped. The collective mind boggles.

Were they lying through their teeth in the first place? Were they lying in the next?

Talk is cheap but overturning sworn statements before a fact-finding panel can be lucrative.

Testimony comes, to iterate, from “testes” and “money.”

Treasured family jewels need not be bashed when turned to cash.

Hindi bale nang walang bayag.

Meron namang bayad.

----------------------------------
Meron namang bayad

NAKAKATUWA ang mga testigo sa jueteng na bumawi sa mga binitiwan nilang salita—nakakalibang din sila.

Sumagi marahil sa kanilang isip na nagmula ang “testimony” sa mga katagang “testes” o bayag at “money” o salapi. Isalang ang bayag sa pukpukan ng malyete—nitong mga naunang panahon, hindi inilalapat ng saksi ang kamay sa bunton ng Bibliya pero tutukupin ang sariling bayag at susumpa sa kanyang mga magiging supling na magtataglay sa batik ng mga kabulaanan o tatanglawan ng maningning na katotohanan.

Tahasang mga sariling anak ang matatabunan sa bigat ng kasinungalingan o gagabayan sa kanilang landas ng liwanag ng katotohanan na pinagliyab ng kanilang ninuno.

Pero natutumbasan ng kahit 30 pirasong pilak ang bawat Hudas. Lalo na kung ang ihahayag nilang pangungusap ay tahasang makakatibag sa mga trono ng poder at pagtatamasa na nanganganib sa daluhong ng katotohanan. Sa iglap na pihit ng pangyayari, maipagbibili ang bayag at malulutas ang maraming problema—karaniwang tungkol sa pera.

Hindi naman yata kailangang mapitpit ang bayag kung mahihimas ng bayad. Kapunin ang bayag sa “testimony”. Sunggaban ang salapi—kumarimot ng takbo nang bahag ang buntot.

Anumang isinukang salita ay mababalikan at – pasintabi at paumanhin sa mga aso – muling mahihimod, malululon, masisikmura tulad sa ginagawa ng aso.

Nakakalibang na parang larong tic-tac-toe ang ginawa ng mga testigong nabanggit. I-double cross ang mga katoto sa operasyon ng jueteng, saka cross your fingers and hope to lie. Tatlong krus na ‘yon. Panalo sa tic-tac-toe.

Gulat ang balanang miron. Tuliro ang ating mga utak.

Nauna ba ang kanilang pagsisinungaling? O sa kasunod nang hirit sila nagsinungaling?

Walang saysay ang sobrang salita pero kapag binaligtad ang sariling kataga—na hindi naman sa bato naitaga—baka magkamal ng tiba-tiba.

Ulitin natin: nagmula ang testimony sa “testes” at “money”.

Hindi mapipitpit ang bayag kapag tinatapatan ng bayad.

Hindi bale nang walang bayag.

Meron namang bayad.


Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...