Skip to main content

Buwan ng wika is for tongue-lashing (PJI editorial 14 August 2005)

THERE are now 350 ways to insult someone, 10 times more than new expressions meant to shore up a person’s sense of self-worth. Some 50 new words turned up for good-looking women, a mere 20 for men.

The new words were listed for the first time in the latest edition of the Oxford Dictionary of English, tabbed as the definitive record of the English language.

As the London-based Reuters have it, among the new entries are “potty-mouthed” (using or characterized by bad language), “lush” (for very good) and “scophophilia” or sexual pleasure derived mainly from watching others when they are naked or engaged in sexual activity.

The news agency added that many of the new words are formed by mixing two others together. Say, charity and mugger makes “chugger” or someone who approaches passers-by in the street to ask for donations for charity.

It is unlikely we’ll be hearing any of those new English words plied out in formal speech, treatise, or daily usage—broadcast media do casual butchery of English and Filipino while lawmakers normally mangle both tongues but who’d notice such heinous mercies done upon a vehicle of thought and communication?

It takes a seven-step process to gain mastery of language. The first starts out as a baby’s pre-verbal gestures—screaming, yawning, weeping, and laughing—that has to be experienced to be aware of one’s body.

Next comes babbling—an exploration of the sounds the tongue can whip out. It was German physicist Hermann Hemholtz who found out that the five vowels are based on body resonance—a echoes in the heart, e resounds in the neck, i at the pineal gland, o around the navel, and u at the belly. Yes, fully-sounded words can also engage the body.

What about the consonants?

French philosopher and historian Michael Foucault cites that nearly all philosophers of the Middle Ages based their philosophy on a numerology of 1 through 9 which was tied to the structure of consonants. By knowing the meaning of the numerals they were able to create incantations, and in rituals of alchemy and magic called spirits to their aid. Thus began the magic of language.

Let’s skip the next five steps toward mastery of language, be it English or Filipino.

The Department of Education found out that a scant 3 of every 1,000 high school seniors have an understanding of Filipino; only 7 of every 100 of ‘em know their English.

Where do we go from here—saan mula rito?

-------------------------------

Hagupit ng dila sa buwan ng wika

MERON nang 350 bagong dagdag na salita para laitin ang kapwa, mahigit 10 ulit na dami kaysa mga salita na magpapahalaga at mag-aangat sa kapwa. Nadagdagan ng 50 salita para sa mga magandang babae, 20 lang para sa lalaki.

Isinama sa unang pagkakataon ang mga naturang salita sa huling limbag ng Oxford Dictionary of English, pinakamahusay na talaan sa talasalitaan ng wikang English.

Ayon sa Reuters, kabilang sa mga dagdag na salita ang “potty mouthed” (gumagamit o may katangian ng masamang pananalita), “lush” (talagang mahusay) at “scophophilia” o nalilibugan lang sa panonood sa ibang nakahubad o nagtatalik.

Idinagdag ng ahensiya sa balita na karamihan sa mga bagong kataga ay binuo sa pagsasama ng dalawang salita. Halimbawa, charity at mugger na naging “chugger” o iyong nanghihingi ng donasyon sa mga dumaraan sa kalye.

Hindi marahil maririnig ang mga bagong kataga sa English na gagamitin sa pormal na usapan, panulat o pang-araw-araw na talastasan—madalas katayin ng broadcast media ang English at Filipino habang nakasanayan nang gulpihin ng mga mambabatas ang mga naturang wika. Pero sino ang makakapansin sa ganoong paglapastangan at pagwasak sa paraan ng kaisipan at pakiki-ugnay?

May pitong hakbang tungo sa mahigpit na paggagap sa wika. Unang hakbang ang mga gawi ng bata—hiyaw, hikab, iyak, at halakhak—na kailangang maranasan upang magkaroon ng kamalayan sa sariling katawan.

Kasunod ang pagbigkas—pagtuklas sa mga tunog na maibubulalas ng bunganga. Natukoy ni German physicist Hermann Hemholtz na ang limang patinig ay umaalon sa katawan—sa puso ang alingawngaw ng a, e sa leeg, I sa tinatawag na pineal gland o third eye, o sa pusod, at u sa puson. Tahasang kalakip ang katawan sa masinop na bigkas ng mga kataga.

Ano naman sa mga katinig?

Pinansin ni French philosopher-historian Michael Focault na lahat halos ng mga pilosopo nitong Middle Ages ay ibinatay ang kanilang pilosopiya sa mga bilang mula 1 hanggang 9 na nakabigkis sa bulas o istruktura ng mga katinig. Mula sa malalim na pag-unawa sa katuturan ng mga bilang na nakabatay sa mga katinig, nakalikha sila ng mga oracion at iba pang rituwal para manawagan sa mga diwata, espiritu atbp. Dito may mahiya at hiyang ang wika.

Huwag na nating ungkatin ang lima pang hakbang para lubusang maunawa ang wika, English man o Filipino.

Pinansin ng Department of Education na tatlo bawat 1,000 high school seniors ang lubusang nakakaunawa sa Filipino; 7 bawat 100 sa kanila ang nakakaunawa sa English.

Saan tayo patutungo—saan mula rito?



Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...