Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2005

Pulong-pulong sa kaunlaran

(This is an excerpted sequence from Mangkokolum's unproduced screenplay, "OPERASYON," a fictional account of the failed Operation: Jabidah in the 1960s.) CU of saba banana fills entire screen as voice over cackles ceremoniously : GEN.CORTO ( In voice over ). Here's our target, gentlemen! SLOW ZOOM OUT to reveal: INT. Modestly furnished, no-nonsense conference room with heavy drapes lining the walls. A long conference table with five seated figures, one on his feet, each in formal dark suits, their faces made indistinct by swathes of shadows and skeins of light from a slide projector. A projection screen occupies one end of the room where the close-up of a saba banana remains projected, spat out by projector on the table. Huge calendar on a wall proclaims the year, 1967. GEN. DIAZ ( Raspy, hoarse-voiced ). We've heard it before, gentlemen. Nagkaleche-leche ang referendum sa Hilagang Borneo. Ba't kasi naisipan pa 'yung ref...

Blast me sin for I have fathered

KABILANG po ang umaararo sa pitak na ito sa mga mahilig manghimas. Hindi manghimasok-- manghimas para mahimasmasan ang nilalapatan ng haplos. Aaminin: I'm too tactile a person who derives a lot from touching, learns a lot more from outright grasping, embracing and reaching out. Yeah, a man's hugs ought to be more expansive and deeper than his grasp. Kabilang sa mga naging biktima ng aking hilig sa piga-hipo ang lumisan nang si Maningning-- guro, makata, painter-calligrapher, at ulirang supling ng mga katotong Mario at Alma Miclat. Nakagawian na kasi: hapyaw na halik-amoy sa pisngi't kasunod ang konting pulupot-lingkis sa baywang na masusundan ng sunud-sunod na masuyong haplos sa likod. Hindi kailanman narinig na dumighay si Maningning -- despite such coaxing moves that nudges a babe to burp. Bahala nang bumasa ng malisya't laswa o anumang hibo ng libog sa ganoong pakikipagdaupan ng katawan ang may alam o wala sa wikatawan-- wika ng katawan o body English. ...

Drunk and dunk in Dumaguete

NEARLY drunk to the gills and whooping it up in the wee hours of a Sunday in Dumaguete’s sun-peep strip—that stretch of rain tree-lined, brine-sprayed boulevard that looks out to Cebu and Siquijor islands—I had to turn down a local’s invitation to a parting shot of grog, something branded Vino Kulafu. Besides, the ample thigh spread of seawater offered an invitation temptingly indulgent as sin. To that I gave in. Sweet surrender. Maybe it was the alcohol nudging me. It could be boyhood nostalgia buzzing like hornet’s nest, oozing out of one’s head and tugging at the heart like an insistent craving for sweetish colostrum. Baby yourself once in a while. Admittedly, copious consumption of alcohol brings a wash of fire in one’s veins that beg to be drenched. In drunken glee, I took my clothes off. That was around 2:00 a.m. Most folks were, so I presumed, in their beds asleep likely tossing and turning, whatever tenable position it takes to turn wet dream into reality. Who’d pay noti...

Agencia de empeños para las almas

IISA pa lang ang nagkamali pa – yata – na lumiham sa electronic mail address ng inyong kulamnista, ang hellspawnshop@hotmail.com. Namamansing lang ng information/confirmation ang sumulat. Nagbaka-sakaling tanong. Kung may esoteric books daw ba akong natipon sa aking aklatan. Ni hindi ko sinagot ang kumag. Interesado lang kasi. Saanman tuusin, laging daig ng isang may pananalig sa anumang larangan ng gawi’t gawa ang sanlaksa mang interesado lang. Iba ang may iwing pananalig – masigasig sa paghahasa ng kakayahan at kaalaman. Para tumalim. Lalong lumalim. No rust or dust settles on the blade-mind constantly honed. Saka ni hindi kinilabutan ang kumag— nangahas sumulat sa address na ang inilalantad na kahulugan, “sanglaan ng impiyerno.” Ang maisasangla? Kaluluwa. Mwa-ha-ha-haw! Teka. Labis kong ikinatuwa na makatabi sa isang internet café sa Citimall (halos katapat ng Philcoa sa Quezon City) ang isang talubata na dumadagli ng dula-dulaan sa wikan...

Pagsisino at pagsisinop

NAKAUGATsa ating wika at kultura ang matinding pagtutol sa pag-iral ng national ID system. Nasisiwalat sa wika ang mind-set o kaisipang umiiral sa ibang bansa. Sa Español, bukambibig na gamitin sa pag-ungkat sa ngalan ng kausap ang “Como se llama?”. Ang tuwirang katuturan nito: “Paano mo tinatawag ang iyong sarili?” Marahil, mas matimbang sa kultura na nagsilang sa ganoong wika ang pagkilala ng indibidwal sa kanyang sarili kaysa pagturing sa kanya ng karamihan. May pagkiling at pagkalinga sa self-realization, sa self-made na mga nagtagumpay. May paghanga at respeto sa may kusang palo at pagsisikap, sa sinumang pangahas na igiit ang kasarinlan ng sarili. Karaniwang bansag na mas mapanira kaysa mapanuri ang pagbibigay-pangalan natin sa ilan—halimbawa, Huwang Pilay, Goriong Kirat, Leon Kilat… Ang pagturing na ito’y nagpapatingkad ng kapansanan kaysa kakayahan ng indibidwal. Pansinin na nakabaong moog at muhon ang katagang “sarili” sa katagang kasarinlan, independence o free...

Aalis Ka, Ma’am?

AYON sa unang talata ng nalimbag na balita: “Kabilang ka sa pinakamahusay kung paalis ka na.” Tinutukoy nito ang paglisan ng kawan-kawang guro tungo sa US. 20% ng taumbayan ang talagang walang nakikitang pag-asa sa Pilipinas. Kaya ibig nang lisanin ang bansa. Sinunggaban ng mga guro ang pinakamababang sahod ang P150,000 sambuwan. Pumapatak na $3,000 monthly. Mula sa $400 hanggang $500 lang ang upa sa apartment na may 45-50 metro kuwadrado ang sukat. Hindi aabot sa $600 ang buwanang gastos sa pagkain, pasahe, ilaw at tubig. Samantala, maganda na ang P10,000 buwanang kita ng guro sa state colleges and universities. Kay dami pa ng kaltas sa naturang halaga. Mahina ang P4,000 upa sa tirahan - huwag nang ungkatin kung bahay- kalapati o bartolina ang sukat. Todo-tipid para mapagkasya ang P3,000 sa pagkain, ilaw, tubig at pasahe. P12,000 ang hiling na minimum monthly salary sa mga guro sa isinampang panukalang-batas sa Senado. Maliit pa rin. Mas magaganyak pa rin ang mga pinaka...