NAIKUMPISAL ng pumanaw na pintor-eskultor Inday Cadapan ang kanyang. taka’t mangha. Mabilis daw ang pagbulas ng kanyang apong dalaginding-- pati mga kaedad nito na kahit hindi pa man namumuro sa pagsalunga sa edad ‘Daisy’ meron nang buwanang ‘dalaw’. Peligro nang mabuntis.
Kahit edad-11 lang ang bata, parang hinihipan ng kung anong hangin ang katawan. Maaga ang paglapad ng balakang. Maumbok na ang hugis ng tumbong—parang makatas na tapyas ng marka demonyo na bilog ang mundo. Kambal na murang milon ang tindig ng dibdib—sabihin pang higit na katakam-takam ang kabataan ngayon kaysa noon.
May bakas ng pagtutol at pangamba si Inday sa mga namamalas na pagbulas. Ganito ring panahon nitong 2003 nang magkausap kami sa kanyang atelier-workshop sa Antipolo. Lampas na siya sa edad-60 noon. Naipihit niya ang kanyang sipag at sigasig sa sining sa mga gawaing pangkabuhayan at kaalaman na maisasalin sa mga pamayanan.
Anupa’t humahalimuyak ang hinahalukay na gata’t malagkit sa kawa sa isang sulok ng atelier. Kapiling na nakahanay sa isang panig ang mga sisidlang tuong ng inimbak na sabaw-niyog—nagsisimula nang umasim at maging suka. Konting puhunang salapi lang daw ang kailangan doon. Pero may isusukling kita kahit paano kapag binuhusan ng sigasig.
Hindi ko mabanggit: Sana’y naisasalin din sa mga hikahos ang sikap at sigasig.
Kung ilang taon din na kahalubilo si Inday ng mga kampon ng sining ng pagpinta. Matagal na panahon na naging bahagi siya ng Saturday Group na madalas magdaos ng nude sketching sessions— nahasa ang kanyang pangmalas sa samut-saring sukat sa hubog-hubad na anyo ng babae bago isalampak bilang kalipunang daloy ng guhit, kulay at ani-anino sa papel at lona.
Pero iba ang tubo ng tao sa panahong iyon. Iba rin ang nakagawian sa pagkain at kung anu-anong isinasalin sa katawa’t kaisipan. Kaya siguro mas marami ang hubog na balingkinitan, kawayan at patpatin.
Saka hindi mainam ang mabilis na pagbulas sa katawan—‘yung tinatawag na rapid physical maturation. May katumbas na tayutay ang ganoon sa English—easy going to seed. Ibig sabihin: nakahanda na agad ang katawan para magsalin ng panibagong lahi. Kapag mabilis mahinog, mabilis din na mabulok.
‘Kako’y nakasumpong ako ng isang uri ng gabi na ganoon ang pagsibol—ni hindi na bubukol ang ugat at mag-iimbak ng arina para may pakinabang kahit na pansigang. Bubulas lang agad ang puno, hahambalang sa kung saan-saan ang ugat na susulputan agad ng bagong puno. Magkukuto’t tutusak lang sa mga mumunting puno ng gabi ang paligid ng mabulas na puno—na hindi naman ubrang sangkap ni tangkay o dahon sa putaheng laing, pinangat, o tinuktok.
Iba ‘kako ang tinahak naming panahon. Nakamulatan sa hapag-kainan ang kanin at isda—karaniwang mula sa tubig-alat at tabsing. Ni hindi pa rin malawakan ang paglago ng pangisdaan sa tubig-tabang. Ni hindi masinsinan ang pagpapataba at pagpaparami ng mga alagang isda para maisalang agad sa pamilihan.
Ang totoo’y higit na naging abot-kaya ng bulsa ng balana ang, halimbawa’y manok. Binusog sa sandamakmak na growth-booster hormones, nanggigitata ang laman sa santalaksang antibiotics para sa mabilisang produksiyon— walang tatlong buwan ay dumalaga o katyaw na maisasalang sa putahe ang dating munting sisiw. Halos iglap o instant ang pagpapalaki.
Anumang kakatwang sangkap ang bumusarga sa manok, tiyak na sasalin din sa kakain. Growth booster hormones. Antibiotics. Samut-saring kung anu-ano.
Tinukoy kong mabilis magpaumbok ng tumbong ang karneng manok ngayon.
Napatingin sa malayo ang kaibigang pintor-eskultor. Inaaninaw marahil ang nakalipas na mga araw.

Comments