Skip to main content

Halimbawa

NAKAHILIGAN ni Haring Bhumibol ng Thailand na mag-alaga ng orchids sa pagpihit ng dekada 1970.
Sa gitna ng salit-salitang agaw-renda sa gobyernong sibil ng mga estudyante at militar sa Bangkok sa maliyab na yugto ng kanilang kasaysayan, unti-unting umusbong ang mga inarugang orchids ni Haring Bhumibol.

Nahawa ang sambayanan sa tiwasay na halimbawa ng kinikilalang pinuno-- maraming nagkahilig sa pagkutkot ng mapagtatamnan ng orchids. Nag-alaga rin sila. Hindi lang orchids ang lumago. Hindi pa man pumapasok ang dekada 1980, pumagitna na ang Thailand bilang lider ng cutflower industry sa Asia.

Nagsimula nang makipaggitgitan sa Holland at Israel sa ganoong negosyo. Naitanan pa nga mula Davao ang ilang punla ng waling-waling, itinuturing na pinakamarikit na reyna ng Philippine orchids. Pakay ng mga Thai: gagawing palahian.

Kamukat-mukat: mahigit yatang 20 anak at apo ng Vanda sanderiana ang nailuwal ng mga Thai orchid breeders para maisalang naman sa pandaigdigang pamilihan.

Kapag inungkat ang ugat ng namulaklak-bumulas na dambuhalang industriya, matutunton sa napakapayak pero masigasig na halimbawa ni Haring Bhumibol sa pagpihit ng dekada 1970-- nakahiligang mag-alaga ng orchids.

Ituon ang pansin sa katagang "halimbawa."

Higit na matindi ang kapangyarihan ng halimbawa kaysa alinman, anumang iaatas o itatakda mula sinumang mataas ang antas ng katungkulan. The power of example far exceeds the authority of any rank.

Nang ipagtalakan ang todo-giyera kontra droga, tahasang lumutang na tila latak ang pagsasailalim sa drug test ng iba't ibang sektor ng sambayanan. Masakit din sa bulsa ang drug test-- P300 sa unang subukan, dagdag na P600 para sa katunayan o P900 na gastos.

Sa balik-eskuwela ng may 18 milyong estudyante sa bansa nitong Hunyo, pinaugong ang random drug test sa mga mag-aaral. Kuwentahin na lang sa 9 milyon na babayad ng P900, lumalagapak na P8.1 bilyon ang malulustay.

Isasalang daw sa drug test ang may 18,000 bilanggo sa National Bilibid Prisons. Para matukoy daw kung sino ang mga sugapa. Kuwentahin ang nasa likod ng ganoong kuwento.

Isasalang daw sa drug test ang may 200,000 yatang kapulisan sa bansa. Kuwentahin na lang po ang magugugol.

Isasalang din sa mandatory drug test ang mga kandidato sa halalang barangay. Tuusin pa rin, kahit sa tig-10 kandidatong kapitan at kagawad sa 42,000 barangay lang-- mga P378 milyon din.

Isasalang pa rin sa drug test ang mga tsuper. Ipalagay nang may tig-isang tsuper sa may 2 milyong sasakyang gumagalugad araw-araw sa Metro-Manila. Tiyak na tipak na salapi ang tatambad sa tuusan.
Kumakalabog na po ang kutob sa aming dibdib. Ang kutob: ang talagang ipapatupad ng kung sino mang gusto lang tumabo ng bilyones-- all-out drug test sa populasyon ng bansa.

Ah, kailangang maungkat kung sino ang kapural na drug test lords na magkakamal ng sandamukal na salapi.

Pansinin na may 1.5 milyon yatang sugapa sa droga na nakahalubilo sa populasyon. Para matukoy ang mga hinayupak na 'yon, isasalang naman ang mas malaking bulto ng populasyon sa P900 drug test/individual.

Nagbanta ng todo-giyera kontra droga. Kaibang halimbawa ang ipinakita. Kakatwang negosyo ang kikita.

Higit na matindi ang kapangyarihan ng halimbawa kaysa alinman, anumang iaatas o itatakda mula sinumang mataas ang antas ng katungkulan.

Kupkupin nawa sa kamay ng Dakilang Lumikha ang bawat sikap at atikha!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...