KINILALANG tirador ng tinambangang mataas na pinuno ng NAIA ang isang Waray mula Leyte. Tinambangan ang naturang pinuno sa isang subdivision sa ParaƱaque City.
Batay sa pahayag ng isang saksi sa hiwalay na pananambang sa Anda Circle, Bonifacio Drive sa Port Area ng Maynila, ang naturang Waray pa rin ang bumaril sa isang collector ng Bureau of Customs.
Nadakip ng pulisya ang tirador sa Taguig, may limang milya ang layo sa kanyang tirahan sa Pasay City. Namamasukan siya bilang makinista. Kumikita marahil sa ganoong kayod—pero tiyak na hindi sapat.
Inihayag ng pulisya na natuklasan din nila na may nakabimbin pang kontrata ang tirador. Isa pang malaking tao ang nakatakdang birahin ng tirador. Presyo ng hindi natupad na kontrata: P2,500,000.
May kahirapang subaybayan ang pagkilos ng ganoong batikan. Nakapako ang kanyang lungga sa isang lunan. Pero hindi nakapako ang lawak na kanyang kinikilusan— nakasaklaw mula lima hanggang 20 milya o higit pa ang kalawakang ginagalugad niya.
Mapapansin na halos ganoon din ang lawak na saklaw sa paninila ng limbas, lawin o alinmang ibong mandaragit. I’d call that expansive. That’s far-reaching. The range of operational movements speaks of a ranger. A reaver. A predator seeking prey.
Marahil, pagbalik-tanaw ang ganoong pamumuhay sa nakalipas na kasaysayan. Bago sumilang ang lipunang batay sa sakahan, umiral ang tinatawag na yugto ng pananalapsap at pangangaso sa kalawakan ng ginagalugad na lupain. Mas malawak ang gagalugarin, mas malaki ang pagkakataon na makahagip ng pagkain at pantustos sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Babangon naman ang isang katotohanan mula kinesiology: matutukoy ang katangian ng pamumuhay sa katangian ng pagkilos. Sabi nga, the quality of your movement determines the quality of your life.
Karaniwang hindi lalampas sa limang metro ang maituturing na operational sphere ng talangka. Hindi kasi ito predator o mandaragit. Scavenger o mangungurakot lang. Kaya hindi talaga malayo ang saklaw na gagalugarin nito.
Ang totoo nito, naghihintay lang ang talangka sa darating na detritus-- layak o mga pira-piraso ng pagkaing nakaanod. Idiin natin ang operative quality sa buhay ng talangka: naghihintay.
Akma ang gawi at gawa sa pamumuhay ng talangka sa diskarte ng mga maghapon at magdamag na nakatunganga.
Naghihintay na dumating ang kapalaran.
Naghihintay na may mangyari sa kanilang buhay.
Naghihintay.
Naghihintay na dagitin ng mga mandaragit para magkaroon ng kahit katiting na kabuluhan ang paghihintay.
Untag ni Doctor Seuss sa mga kabataan sa isa niyang tula-- Oh, the places you’ll go if you’ll only go. Kapag kumilos ka’t humakbang, tiyak na may tagumpay na patutunguhan.
Nakalakihan na ang malawak na pagkilos—mula karaniwang gala hanggang sa tahasang galugad – sa isang bayan sa Nueva Ecija. Kasa-kasama ang kapwa musmos na maghahagilap ng maiuuwing santaling palaka, bulig, liwalo, sulib, lukaok o kahit tugui, ubag at pungapong para sa hapag-kainan.
Lima hanggang 10 milya yata ang naiikutang lawak sapul sa pagputok ng araw hanggang sa magtakip-silim. Walang nasayang na sandali sa mukmok at tunganga. Tila hangin na hindi maigapos ng kahit sandaling pangingipuspos at panlulumo.
Sapin-sapin yata ang tumubong kalyo sa paa. Kaya kahit walang tsinelas, ni hindi na maramdamang pulos diliwariw, makahiya’t kawit-kabag na pala ang parang na ginagalugad.
Naiwan sa naturang lalawigan ang mga kapwa uhuging musmos na sumuong sa buhos ng unos sa nagdambuhalang ilog. Pero tinaglay nila ang katangiang ganoon. Mapaggalugad. Mapaghanap ng pagkakakitaan. May mga nagsundalo. May mga naging taong-labas. May namasukan sa mga pagawaan sa kalunsuran. May mangilan-ngilang nanatili sa pagbubukid at paminsan-minsang pagbira ng kontrata. Pandagdag sa kita.
Ah, those fellows are mild-mannered. Soft-spoken, too. Madaling kausapin. Ganoon yata ang isa sa mga pinakamatingkad na katangian nila. Hindi aakalain na nakabahid ang dugo sa mga landas na kanilang ginalugad.
Malakas ang kutob: ang tirador na kasangkot sa ilang high-profile hit contracts, kaugali siya halos ng mga naging kababata sa naturang bayan sa Nueva Ecija.
May kaalaman at kakayahan sila—pero karaniwang hindi sapat ang kita kahit ibayo ang sikap at sipag. Ganito kalupit ang lagay ng pamumuhay sa bansa.
Kaya sila marahil napipilitan sa pagkapit sa, ah, karaniwang kalibre .45 ang kanilang isinasalang sa mahahagip na kontrata.

Comments