NAKAGISNAN nang ganoon ang tawag sa dalandan—sintunis,
Ilang ulit na nahapyawan ang ganoong taguri sa katutubong kahel mula sa ilang sinulat ni Apolinario Mabini, tubong nayon ng Talaga sa Tanauan, Batangas.
Mag-isa niyang binuno’t inakda ang unang Saligang Batas ng bansa na pinagtibay sa Malolos. Sa kanyang kabataan, araw-araw siyang naglalakad mula Tanauan tungo sa Lipa—higit 20 kilometrong lakarin-- para pumasok sa paaralan. Kaya marahil nalumpo.
Lumpo sa yapak, malawak gumalugad ang utak. Natukoy siya na utak ng himagsikan kontra sa mga sumakop na Amerikano. Nasakote. Ipinatapon sa Guam. Habang tiwalag sa sariling lupain hanggang sa pag-aagaw-buhay, nag-umalpas sa gunita ang mga hanay ng punong sintunis na kalapit ng tinubuang dampa sa nayong Talaga, nakadunghal sa Lawang Taal.
Nakalakhan na ang sintunis— mula uring Szinkom hanggang mala-mandarin orange na uring Ladu—na kabilang sa mga madalas lantakan noong kamusmusan. Mas mura kasi kaysa kahel-California o Perrante orange.
Lagi pang kakawing ang asim sa alaala ni Ka Pule Mabini, sa kanyang halimbawa ng sigasig sa pagtuklas ng kaalaman, sa talim-balisong ng kanyang talino. Pati na pagmamahal sa sariling bayan.
Baratilyong presyo: P10 sangkilo ng sintunis na Szinkom sa mga naglalako sa palengke ng F. Blumentritt (sunod sa pangalan ng katotong Aleman ni Dr. Jose Rizal, “bulaklak na tumatadyak” ang katuturan ng blumentritt).
Sasagi sa isipan na talagang may tadyak ang halimuyak ng bulaklak ng Szinkom. Naranasan nang mapadaan sa hanay ng mga namumulaklak na sintunis. Gabi. Kasabay sa paglalakad noon ang dating kaliyag na kabayan ni Ka Pule. Humahalimuyak din sa gunita.
Tadyak sa gunita nina Mabini’t Rizal ang presyo ng matamis na ponkan—P10 sampiraso ngayon. Babagsak pa ang presyo habang palapit ang Pasko.
Matamis man ang udyok sa panlasa ng banyagang bunga, higit na mataimtim ang anyaya ng maasim na Szinkom. Sa dalandan pa rin ako. Sa katutubong sintunis. Sa bunga mula sariling bayan.
Nitong 1988, lumalaspag ang bansa ng mahigit P3.5 milyon araw-araw sa pag-angkat ng mga banyagang bunga—oranges, grapes, apples, kung anu-ano para igayak sa hapag ng Pasko. Tuusin na lang sa isipan ang nasisimot na dollar reserves ng bansa sa pagtangkilik sa mga dayuhan. Saka humagulgol. Umalulong na tila asong ulol.
Tahimik pa rin kaming tagatangkilik ng sintunis.
May malalim na dahilan sa pagiging makabayan ng panlasa’t sikmura. Your ponkan, mandarin or California orange has an easy life thriving through one or two strains of virus that attacks citrus in the temperate zone nations. Tatawagin ko nang mga bunga’t punong lampa.
Hindi matatawag na lampa ni lumpo ang katutubong bungang citrus—it thrives through over hundreds of viruses, fungi, bacteria and such microorganisms that can zap out presto the life of your ponkan, mandarin or California orange groves.
Matibay ang sintunis.
Matatag sa mga salakay na kikitil ng buhay.
Call sintunis a hardy nutraceutical, a nutritious pharmaceutical—packing and providing the consumer immunity from hordes of crippling, disease-causing agents that the tropic citrus plant has become immune to. Walang ganoong katangian ang ponkan at iba pang banyagang bunga.
Sabi nga, you are what you eat. Namnamin natin ang kaloob na tibay at tatag ng sintunis—P10 sangkilo lang. Magaan sa bulsa. Matibay sa katawan.

Comments