Skip to main content

100 hagod, 100 kaldag

HABANG kinakapitan ng tahong at talaba ang sinakyang bus sa gitna ng trapik sa EDSA Megaparking Lot, nakatuwaang bilangin ang hagod ng suklay sa buhok ng kalapit na babaeng pasahero. May hitsura. Bihis pang-opisina. Kinosmetik na mukha. Bagong paligo. Amoy pabango.

Mahigit sandaang kalaykay ang naitakal sa ulunan. Wala namang napagpag, umalimbukay na balakubak o garapata kaya, mwa-ha-ha-haw!

Hardin din siguro ang ulunan. Kailangang kalaykayin at sinupin ang mga kalat, tuyong dahon at yagit sa panimula ng bawat araw. Nakagawian ng isa kong abuela ang ganoong tahimik na rituwal tuwing umaga. Nagsisinop sa paligid. Tila sariling ulunan ang paligid – higit sa sandaang hagod ng walis at kalaykay ang iniuukol.

(Kahit kutis-ampalaya, mas marikit pa rin sa paningin ang aking abuela. Kasi, ang kanyang gawain ang naglalapat ng kariktan. We define ourselves with what we habitually do. A chicken cackles all day and proclaims itself a cackling chicken. Unskilled dullards cackle all day and proclaim how dull and miserable their lives turn out. As I’ve learned ages back from Sunday school—“By their fruits ye shall know ‘em.)

Oo nga pala: "The bodymind once stretched by a new idea never regains its original
dimensions. It expands, grows.”

Iba ang pakay ng hagod-kalaykay sa buhok ng kapwa pasahero. Sa higit sandaang hagod, tiyak ang sagitsit ng static electricity sa ulunan. Siguro’y dagdag na pampaganda ang konting electric shock treatment. Teka, mas matinding boltahe ang itinatakal sa mga sinusumpong ng pagkabaliw.

Sa sandaang suklay-hagod, napupukaw ang elektrisidad. Dahil sa dumadaloy na static electricity sa buhok – na mapagsususpetsahang tila transmission line ng bangkaroteng National Power Corporation – powerfully electrifying ang ganda. Iyan siguro ang dahilan kaya nagbubuhos ng tiyaga sa pagtakal ng higit sandaang hagod sa buhok.

May naiimbak na muscle memory sa gayong pagsisinop ng panlabas na anyo, sa ganoong nakakagawiang imbay at kampay ng bisig at kamay. May kakayahan ang mga himaymay-kalamnan ng ating katawan na mag-imbak ng kakayahan at magpalago ng kaalaman sa laman. Ang taguri ng mga Tsino sa ganitong kaalamang tumagos, naging bahagi ng kalamnan: kung fu.

Batay sa angking katangian ng katawan na mapaunlad at sinupin bilang kakayahan ang iniimbak nitong muscle memory, mahigit sa walong oras naman ang itinatakal ng isang kaibigang classical guitarist. Pinaglalaro ang daliri’t kamay sa bagting ng gitara. Paulit-ulit na batak sa mga obra nina Fernando Sor, Antonio Molina, Antonio Vivaldi, iba pa. Napapakinabangan sa mga concert.

Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw, isa namang dating PBA import ang tumatagaktak na ang pawis sa praktis. Shooting ng bola sa lahat ng anggulo at distansiya. Ikawalo ng umaga natatapos ang kanyang araw-araw na rituwal sa paghahasa’t pagpapatalim ng muscle memory. Nagagamit niya sa laro.

(Sa pansariling pag-iimbak at pagpapatalas, sandaang hugot-bukas-kadyot ng balisong ang napagbalingan. Ganoon nga pala ang takda ng shrinkage-ryu kendo-- sa puso lang ng may gagap na patalim lalapat ang anino ng patalim. Kailangang hindi na makita ninuman ang igkas ng talim at talas. Dinadagdagan ng tig-50 kaldag-kamao’t tadyak paa. Nakagawian pero napapakinabangan sa pagpagpag ng sariling mantika sa katawan. Kahit 15 minuto lang.)

May tumatalim na kakayahan ang katawan sa pinipiling kagawian. Wala naman sa panlabas na anyo ang pinatalim na kakayahan at kahusayan…

Napakahusay humagod ng suklay sa buhok ang kapwa pasahero. Iniisip ko pa ang kabuluhan at katuturan ng gayong kung fu. Siguro, may nagsisikap para may maipakitang anyo o face value sa iba; meron ding nagbubuhos ng sigasig para may maipamahaging ganda, galing o kakayahan sa iba, pwe-he-he-he!

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...