Skip to main content

Ransom thought, random note

BAKA balde-balde (English for battalions of buckets, not pail-pail or “major-major,” pwe-he-he-he!) ang itinurok niyang pampamanhid sa bumbunan upang mapawi sa ulirat ang pagkawala ng kanyang pamilya… ilang buwan na inilublob ang isip sa Rizal Park Chess Club… nagsunog ng kalupi’t bulsa sa walang pangiming pusta, aanhin pa’ng pera kung walang pag-uukulang anak o asawa?

Nahimasmasan din marahil o lubusang naging mamad ang isip nang magbuhos ng puhunan at panahon sa pagpapatayo ng resort sa isang liblib na bahagi ng tinutuluyang lungsod… do’n na kami nagkahuntahan, lumantak ng inihaw na alumahan, asin, kamatis at umuusok na kanin… nagkatunggaan katagay ang kanilang punong-lungsod…

Na kailangang humugot ng pera mula sariling lukbutan o humiram mula likom na amilyar sa lungsod upang magbigay ng lingguhang pakimkim—tig-P500 yata-- sa mga nagsasadyang totoo’t huwad na peryodista sa kanyang tanggapan.

Gawi sa giyera ang pagsulat ayon kay Voltaire, kaya dapat lang suklian ng hazard pay at combat pay—kahit P500 lang bawat sulatin.

Gano’n yata ang isinaalang-alang ng punong-lungsod noon na halal nang kinatawan ngayon ng siyudad ng Dasmariñas… na tiyak na dadagsain naman ngayon ng mga hao-shiao sa Kamara, ‘musta na po Rep. Pidi Barzaga?

Nabubuo daw sa pagbasa ang pagkatao. Nalulubos naman sa pagsulat— kailangan kasing panindigan ang sinulat, ihandang isalang ang sarili sa pitpitan ng biag o bayag… kahit naman pagong, kailangang ilantad ang leeg para makausad.

Saka palatandaan ‘yan ng functional literacy—reading, ‘riting, rhythm and blues….

Hindi naman nawaglit ang simpleng tuusan sa ‘rithmetic: dapat handa sa pakikipagtuos sa Commission on Audit ang mga kumag na nakaluklok—nangulimbat, nangungulimbat, mangungulimbat-- saanmang sangay, singit at gilagid ng gobyerno.

Mainam na handa at hasa rin sa tuusan-- in pace, ut sapiens, aptarit idonea bello-- ang nagsusulat o humahakbang sa gawi ng giyera…

Pluma, hindi plema—ibinubuga ng naglipanang may sakit na PTB, pulos tunganga’t bunganga—ang ginagagap ng susulat.

Tumatalab ang paghawak ng pluma… nakaanyo kasi ang palad at mga daliri bilang mudra Kubera (bathalang Hindu na nangangalaga ng salapi’t kayamanan)… sa wikang Sanskrit, “untag sa ligaya” ang katuturan ng mudra… so there’s tactile and tactical sense plus cheery orgasm in wielding a writing implement.

And if you can’t buy happiness with money, you’re stuck in the wrong places, you’re clueless on marketing, and won’t even know what a market looks like… you won’t land a job in the purchasing and acquisitions department of any business outfit


“Dasal” o “dalangin” ang katumbas ng solat sa Islam… kung ilang ulit isinasagawa sa araw-araw (English for daily, hindi pompiyang, ‘day, that explains why newsmen grub in dailies).

Payat talaga ang P500 sa hazard pay at combat pay.

Kaya yata mas pinipili ang magsulat ng ransom note.

Comments

Popular posts from this blog

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...