Skip to main content

Bargains

MONEY begets money, sure.

Second thoughts
sa monay can be pesky.

Napasama minsan sa lupon na sasala sa mga isasagupang kandidato laban sa mga nakaluklok sa isang siyudad ng Metro Manila… kabilang sa mga kinaliskisan ang isang tumama daw sa lotto, P30 milyon… naubos lang daw… ipagkakatiwala ba ang kaban ng bayan sa tulad nitong hindi matuos kung saan nalustay ang sariling salapi?

Sa isang panig ng Antipolo, tumipak naman ang isang tsuper ng aabot sa P50 milyon… dalawang sunod na jackpot… nilooban ang pamamahay, patay na walang kalaban-laban…

Fu Hao ang ipinangalan sa kuting ni Toyang… “mayaman na, makapangyarihan pa” ang supling ng “sibasib-dragon ng patalim”—‘yun ang katuturan sa pangalan ng mag-ina. Inilapat para hindi mawaglit sa isip ang mga inaarugang pagpapahalaga sa buhay.

“Seek—and you shall find-- and all these things shall be added unto you…” ang inuusal na awit bago dumulog sa hapag-kainan…

Kahit baratilyo lang, kani-kaniyang tawaran pa kasi, ‘Tol…

At dalawang halimbawa lang ang pinakamatinding mauungkat sa nakalipas na kasaysayan. Bargaining models.

There’s the bargain hammered out between the devil and Faustus the Magus— the human soul for eternal knowledge. The devil threw in Helen of Troy as aperitif but he still couldn’t deliver his end of the bargain.

Faustian bargains for a pittance are forged every hour on the hour, 24/7…

So there’s the bargain between Solomon and Yahweh, something which totally devastates notions on how money begets money.

It turned out wisdom begets material possessions including legal tender with a few fringe benefits thrown into the deal, say, political and military clout plus a queue of beauties— over 300 of them, a damsel a day for a year-round romp in the boudoir that can only be possible for one initiated in the praxis of Shunamitism…
talagang kailangan ang ganitong kakaibang paraan para may itagal sa kama at kunsumisyon sa sangkatutak na biyenan…

So wisdom begets money and a lot more… “Seek ye first… and all these things shall be added unto you.”

Simple lang ang buhay… kahit madalas na dumadayo sa Mandaue para lumapang ng taklobo, sumimsim ng suman at sikulate sa Dumaguete… o manginain ng kansi at kilaw sa Bacolod… o lumantak ng inasin at pinikpikan sa Benguet… sarap ng tinimtim na saluyot at tagunton sa La Union, iba ang lasa ng pinapaitan sa Tagudin…

Hindi nga malaman kung saan magmumula ang panggastos sa ganitong nakagawian pero laging may dumarating—walang humpay.

Pero saanman maisipang lumantak ng masarap, lagi’t laging uusal muna ng awit na natutunan noon pa sa Sunday school-- “Seek ye first the kingdom of God and his righteousness and all these things shall be added unto you… hey, Allelu--alleluia.”

Comments

Popular posts from this blog

Baka talisay ang kailangan kung mabilis nilalabasan

KAMBAL na hitang nakabukaka ang pahayag—an open statement na hindi pinid at wala nang pasubali o baka masususugan pa. (“Susog” ang salitang ugat na katakam-takam talagang bigkasin dahil kung nanamnamin at hihimas-himasin para bang susong busog ang ibig sabihin.) We’re trying to make sense of a claim we stumbled into about the fruits of an ornamental tree. To wit: “The kernel of Indian almond has shown aphrodisiac activity, it can probably be used in treatment of some forms of sexual inadequacies (premature ejaculation).” For goodness’ sakes, what are those other forms of sexual inadequacies, er, shortages? What’s Indian almond? Higit nating kilala ang Indian almond bilang talisay. Tinatawag ding tropical almond, Java almond, Singapore almond, Pacific almond . Kilala din sa pangalang umbrella tree, badamier, ketapang, huu kwang , at sa mga botanist na mahilig sa boteny tulad ni Ama, Terminalia catappa . Makatas ang hinog na lamukot ng bungang talisay—karaniwang dilaw o namumula ang ku...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...