Skip to main content

So what to think

SARAP sigurong sampigahin sa bumbunan ‘yang mga guro ng anak mo, ‘tol… para matauhan. Gano’n din naman ang karamihan sa mga naging guro natin. It’s likely they haven’t learned to learn.

Kaya yata may nagpasaring, “Those who can, do; those who can’t, teach.”

Umaasa’t umaasam tuloy sa mabubuklat na mga kuntil-butil sa mga aklat… it’s imparting a scheme so devious on what a kid’s mind ought to think… what’s and whatnots galore.

I’d rather have how to think… ‘Yun ang diskarte ng nabanggit na dito. Neuro-linguistic programming. NLP-- to speak in a language of the mind.


Kahit madalas o madulas (malaswa-- tumutukoy sa mga gulay na mayaman sa lutein, vitamin A, C and minerals na tinimtim sa tuyong tagunton, binudburan minsan ng durog na sitsaron at sinabawan ng katiting na hugas-bigas) ang ibinubukakang sulat sa pitak na ‘to, talagang mga bumubukadkad na diwa ng kabataan ang inaasinta… there’s profound sense of nurturing responsibility to my readers.

I’d rather have their minds in glowing arousal.

Paano ba mag-isip si Dr. Jose Rizal… si Kim Woo-choong, Albert Einstein, Nikola Tesla, Johannes Kepler, George Washington Carver, Bodhidharma, Li Chi-yuen, Zhuge Liang, Sun Tzu, Wang Xiang-zhai, Musashi Miyamoto, Kung Fu-tse? (An’dami kong sinakyan, hinahangaan na hindi naman mga artista.)

Puede namang tularan ang pamamaraan nila sa pag-iisip… at gano’n ang simpleng diskarte ng guro… hindi magtututuro ng kung anu-anong daan… tiyak na matitiyanak, makikipagtaltalang walang katapusan ukol sa dating daan at tamang daan.

Hindi daan kundi paraan.

Not what’s and whatnots to think, just the simpler how to think
… kasama nga ang kalibugan sa whatnots-- hindi raw dapat pag-ukulan ng isipan.

Gano’n ang buod at ubod ng natumbok ni John Brockman: "Value is in activity. A total synthesis of all human knowledge will not result in fantastic amounts of data, or in huge libraries filled with books. Information is process. There's no value any more in amount, in quantity, in explanation."

Nasa unang baytang noon ang aming bunso, inungutan akong manood kami ng Casper sa sinehan… tayuan, siksikan… may dalawang oras na nakasampa siya sa aking balikat… siya lang ang nanood… anit lang ng nasa harapan ko ang napanood sa dalawang oras…

Ba’t makikisakay sa lakad ng mga punggok, unano’t gunggong na bugok?

Masayang sumampa, sumakay at maluklok sa balikat o batok ng higante. Para mas malayo ang makita, mas mataas ang maabot. Anumang daan ang kanilang binaybay, hinakbangan, pinatunguhan… magiging kasama sa lakad ang sumampay sa kanilang batok o balikat.
At sa ganoong lakaran, walang kahirap-hirap ang nakasakay.

H’wag lang malikot o maharot—baka malaglag.

Neuro-linguistic programming. NLP-- to speak in a language of the mind.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...