Skip to main content

LOMO

BALISONG at tipak ng hasaang karborondum ang binili sa katayan na paradahan din ng baka, kambing, baboy, katutubong manok… meek minions delivered by their leaders to the, uh, “slaughter is the best medicine.”

Kung P100 kasi ang halaga ng isasalya, P11 ang karaniwang balik na kita… aabot sa P14.40 kung ilulutong pagkain, ititingi, ay, both God and Mammon dwell in the retail—batay ‘yan sa konserbatibong tuusan batay sa mga presyong umiiral sa mga huling taon ng dekada 1990.

Hindi naman kikitain mula ititinging kalakal ang mas mahalaga.

Kahit medyo makunat at katiting ang taba, sikat sa lasa ang bakang Batangas—na hinahango ang iba mula Masbate, Mindoro….

Kumpay o samut-saring damo lang kasi ang pagkain ng mga ito—and grass-fed beef is a lot healthier and safer than the grain-fed counterpart shot through and through with growth hormones and wide spectrum antibiotics.

Medyo mas mataas ang presyo ng bakang kumpay o native organic cattle kaysa sa mga naglipanang angkat mula Australia… pero mas kaya naman sa bulsa kaysa wagyu at Angus.

‘Yang paglantak sa mga angkat na karne ang matutukoy na sanhi kung bakit mistulang balyena ang tabas-katawan ng maraming musmos ngayon… na edad 9-10 lang, nireregla na… they’re practically ingesting all the growth and fat booster hormones and a cocktail of antibiotics and other chemicals that goes into the make up of assembly line-raised livestock.

Idagdag pa na genetically modified grain feedstock ang nilalamon ng mga naturang hayup… at unti-unting napapatunayan ang hinalang genetically modified crops ang sanhi ng pagkabaog ng mga mahiligin dito. How’s that for population management?

Opo, nanggigitata sa antibiotics ang imported livestock na naglipana sa pamilihan—kaya industrial-strength antibiotics ang kailangan ng mga mahilig lumapang ng karneng angkat… kahit sa karaniwang sipon. Sa iba pang sakit, aba’y lumilitaw na may sabwatan ang multinational pharmaceutical companies, ang health professionals, at ang global agro-livestock industry upang magpakalat ng sari-saring sakit at karamdaman… limpak-limpak ang kita nila.

Natuto sa sinabi noon ni Paracelsus, “lunas ang pagkain.”

Ginawa naman nilang sanhi at ugat ng samut-saring sakit, karamdaman at pinsala sa kalusugan ang ipinagbibili nilang pagkain.

Oo na, mas mura ang pagkain sa fastfood franchise outlets, mas mura ang angkat na karne… nakamura pero magmumura.

Sa huling tuusan, huhuthutin lang din ang bulsa ng mga tumatangkilik sa kanila… tiyak na sa botika, klinika at ospital ang kalaunang punta.

Kaya hihimukin ang katotong Willy Valdez para magsalya ng karneng Batangas sa kanyang teritoryo… kikita siya.‘Dre meron na ‘kong dealer’s price list… usap tayo.

Pipilipitin ang braso ng dalawang kumare para magtingi ng karneng Batangas sa kabahayan sa kanilang lugar. Kikita. Kikita’t kikita.

Hindi man batid ng mga bibili, pagmamalasakit din ang pagtitingi sa kanilang kalusugan… sa kanilang kapakanan.

At tahasang pagtangkilik ang ganitong kabuhayan sa kapakanan ng mga nagbabaka sa Batangas, Marinduque, Masbate, Romblon, at Mindoro— mga kapwa Pinoy.

Comments

Popular posts from this blog

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...