Skip to main content

Paputak


HINDI pa ipinagbabawal ang mga tanga’t gunggong.

Kaya lumabas man sa isang ulat na bawal na raw ang paputok, watusi man o weapons of mass destruction, hindi naman bawal ang paputak.

Laway at lalamunan na may itatagal sa maghapon at magdamag na putak ang kailangan upang isalubong sa paglisan ng lumang taon, pagpasok ng bagong taon.

Kasabihan nang pinagsanib ng Lumikha ang saradong utak at walang humpay na putak… small minds fit into loudmouths… at naglipana sa paligid ang ganitong kakatwang gunggong na animal.

Puputak lang ang inahin na nakalimlim sa pugad kapag may handog na itlog… parang nanganganak ang pangingitlog, hihilab din, iiri bago lubusang lumabas sa puwerta ang pinaghirapan. At patalastas nga ang putak, may bagong lagak na galak—na sagana sa protina.

Bawal ang paputok. Hindi bawal ang tanga’t gunggong—mamamayagpag pa ang paputak. Na ubrang tipunin saanmang liwasan, sulsulang pumutak nang pumutak, magsaboy ng halitosis sa hangin… para masabi nga naman ng sambayanan na meron silang nagawa… mas angkop, nangawa.

Naging tradisyon kasi ng ingay at usok ang pagdiriwang ng bawat bagong taon. Pantaboy daw ng malas ang ingay, pambingwit sa suwerte… kahit naman tilapia o tursilyo ang bibingwitin, mabubulabog sa ingay… lalayo sa bingwit.

Kung wala rin lang balak magsayang ng pera sa pailaw, maaaring maglagay na lang ng siyam na mirasol o kandila sa bahaging timog ng tahanan… sa paniwalang feng shui, sa timog nakadambana ang kinabukasan, ang hinaharap, at kasikatan.

Sa mga nagnanasang sumikat, dapat na sinupin ang bahaging timog sa pamamahay… there’s no way to go but up when you’ve done south.

Apoy at mga kulay na pula’t kahel ang nakatalaga sa timog… hindi lang bagong taon kundi kinabukasan ang saklaw dito— angkop na lagyan ng ihawan, fireplace, muwebles na kahoy… mga palamuting matulis o hugis-tatsulok, ay, hugis tatsulok nga pala ang malinamnam na carne sur

Sa timog nakaluklok ang puwerta… na kahit maglabas man ng itlog, madalas na tikom ang labia nito… tahimik… payapa, tiwasay.

Mas kapani-paniwala ang naglalako ng isda, gulay, o kakanin… maghapon man ang bulwak ng bunganga ukol sa inilalakong paninda, tiyak may maipapakitang katibayan ng itinitinda… and that’s a lot of edibility and credibility… so who’s buying hogwash peddled off at all hours?

Pero kapag ganitong bawal na nga ang mga paputok, kahit pulos mintis ang mga paputak, baka sila na ang mapagbalingan ng balanang nasanay sa salaulang paghahasik ng usok at ingay sa hangin sa pagsapit ng bagong taon.

That’s how Filipinoise do it.






Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...