Skip to main content

TV or not TV

NO longer a question for my old geezer mom who tuned in to “radio gaga, radio ka-ka, radio blah-blah” back then… she reasoned that the noise box don’t demand you to stay off household chores to get an earful. You can still keep busy and get things done.

Too, newscasters Harry Gasser and Angelo Castro are no longer around, you’ve got to have a cast-iron tummy to tough through execrable timbre and tenor of voices spouted by the likes of… uh, they’re handsomely paid for such hideous ear-wrenching blabber… networks putting money where the mouth is but golf clubs, irons would do, ought to be used more often in putting, preferably whacking their mouths… or braining ‘em.

Kahit kasuka-suka’t kasuklam-suklam man ang tilaok, busina o ilandang ng halitosis nina, uh, dapat maging asero talaga ang sikmura.

Kaya mas mahihilig sa panonood ng ninenok.

Napanood ang “Kinatay” nina
Bing Lao at Brillante Mendoza, and it pointed up impressions of evil as dim, drab, dingy, so banal and threadbare.

Gano’n din ang umukit sa isip nang mapanood ang “Virgin Forest”—bigay ng Dennis Fetalino ang kopya-- nina Uro de la Cruz at Peque Gallaga… warm bodies and dead bodies can be desecrated like nobody’s business.

Nakahugot sa Internet ang isa kong anak ng pelikulang sinawsawan ni John Woo, “Jianyu, Jianghu” (Swords and Rain, Rivers and Lakes… Reign of Assassins) nina Gu Long, Su Chao-pin… alam ng anak na mahilig ako sa ballet, sa mga kuntil-butil ng disenyo ng mga kagamitan at likhang anyo sa paligid, pati matatawag na sprung rhythm ng wikang Cantonese.

Sa kuwento, pinag-aagawan ang kinatay na labi ni Bodhidharma, monghe mula India na nagpakilala ng qigong sa China… samut-saring sining ng pakikihamok ang nahalaw mula qigong, paraan ng taimtim na paghinga at pagsisinop sa daloy ng qi or life force sa mga panloob na bahagi ng katawan… apparently, the monk knew nurturing of stem cells to regenerate dismembered body parts.

Namumutiktik sa kasistehan ang obra, kaya madalas napapahagalpak ng halakhak… even the assassin who uses poisoned needles went to lengths turning up noodles for excellent eating quality, such passion for culinary craft…

At bawat tauhan sa kuwento, may gawaing sinisinop… walang batugan… walang nakatunganga’t walang magawa.

Pero matindi ang hirit kontra karahasan… kahit magagap ang lihim na paraan sa pagsisinop ng katawan ni
Bodhidharma, habambuhay na mananatiling walang silbing tao kung pulos karahasan ang nasa puso… why, an Egyptian grimoire relates how a person’s heart— entire life including—is measured against a feather, uh, a heart suffused with light is worth a treasure, it turns out.

Magaan sa dibdib na panoorin ‘to, payak na pagdiriwang sa bawat gawaing pangkabuhayan, maringal na pagdiriwang sa makabuluhang pamumuhay… at may indak ng mahinahong sayaw kahit pagsuong sa buhay at kamatayan.

Just like my old geezer mom who applies herself to workaday tasks and turns up more alive and light-hearted.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...