Skip to main content

Misogi harai

GINAGAMIT—ginagamot din—ng mga salita ang gumagamit sa mga ito. Gamit na, gamot pa.

The choice of words reflects a chosen culture—“and everything that goes with it,” paglilinaw ng isang kaututang-dila sa Facebook.

Heto nga. Sa halip na panata o pangilin, pinili ang kataga na ang katuturan ay nakabatay sa pagiging bihasa sa ilang sining tanggulan—aikido, iaido, kobudo, karatedo…

Baka may “pata” (mabilis ang bigkas na tumuturol sa pagpapagal, pagpapagod) sa panata. Tiyak na may nagkukubling “pangil” sa pangilin.

Lubusang ibabangon, ilalantad ng misogi harai ang pagpapagal—hindi pagbagal kundi masinsinang pagsisinop sa pinagsanayan. Lalantad pati ikinukubling pangil.

Now, culture—usually agar from seaweed plus protein extract from beef-- is a brew of nutrients on which microorganisms can feed, move, live and thrive in. Ganoon din ang pakinabang o silbi ng kultura—mas malinamnam lasapin sa isipan ang “kalinangan” mula “linang” or field of growth and activity-- sa lipunan.

Mas masalimuot na yata ang lipunan at umiiral na kalinangan. Kaya isinilang… at isinalang ang nulture—a fusion of nurture and culture, pinagsanib na kinamulatang gawi at ang piniling gawaing paglilinang pansarili. Kani-kaniyang diskarte sa pamumuhay.

Minsan santaon kung magdaos ako ng misogi harai… it’s a pilgrimage of sorts to reacquaint the spirit with the underlying elemental forces that go into the martial skills and ways one has taken up and taken to as a way of life.

It’s going back to one’s roots—nice to find out how deep and how far such roots of being went
. Uurong para lalo pang sumulong. Sa dulo ng urong-sulong ang kasukdulan ng orgasmo. Ang hindi lumilingon sa pinanggalingan, nanlalata na ang katawan, hindi pa tinitigasan…

May banaag at sikat—sala’am at salamat po, Gat Lope K. Santos na isa sa mga ama ng balarila ng ating wika-- ng dharmadhyana (ch’an, zen) o hakbang ng diwa sa piniling landas… ‘yun ang nasa ubod ng misogi harai… mahahalungkat sa mga alamat na gawi ng bathala at kaliyag na bathaluman… na tinularan ng mga monghe’t ermitanyo na ang pinakasikat nga’y si Bodhidharma, Daruma o Ta Mo—na kapural ng qigong na nagluwal ng samut-saring sining… tai chi, kung fu, karatedo…

Nanghihiram tayo ng mga salita mula iba’t ibang wika… hindi lang parang pumitas ng matamis na bunga mula nakalaylay na sanga mula kabilang bakod… tiyak na taglay ng bunga ang katangian ng puno, pati na lupang tinubuan nito… sasalin ang kamandag o lamukot sa lalantak ng bunga…

Baka nga matapos lumantak, itatanim sa sariling bakuran ang binhi ng nilantakan… mula sa hiniram o sinikwat lang, may sisibol na pananim. Lalago. Mamumunga.

So words use us as we use words… we shape them, they shape us.

Still in pretty great shape here, dear.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...