Skip to main content

Isip-usap

GUMAWA ng saltik, isako ang napupulot na mga buto ng talisay… dalhin do’n sa dinayong tiwangwang na lupalop sa hangganan ng Rizal at Quezon… sa 2-3 araw na ilalagi para magpahinga, magpahangin, at kung anuman, ilaan ang maghapon sa pananaltik—sansakong buto ng talisay ang uubusing bala.

Himayin bawat yugto ng kislot sa pagsaltik… para maging high-intensity off-the-hip reverse punching… lunge punching… wrist-wrenching, arm-breaking exercises… keep a steady breathing rhythm… keep the mind still yet flowing into each movement until body-mind unity is attained.

O, Dennis Fetalino, Bobot Fradejas, Luke Ampil, Ella Gonzales… ano ang tawag sa gano’ng pambata o pampabata yatang paglilibang?

Una, reforestation by direct seeding… to nudge a grand grimace of emptiness to break into a grin of trees… to stand for that on which one stands.

Ikalawa, qigong…

Ikatlo, slingshot punching and arm-breaking techniques of choy li fut.

Ikaapat, centering for body-mind unity.

Simplicity packs manifold dimensions of attainments.


Ipinayo sa katoto sa tunggaan ang ganoong paraan para makapagpunla ng mga talisay sa tiwangwang na latag ng lupain sa isang bahagi ng Sierra Madre sa hangganan ng Rizal at Quezon.

Kung anu-anong kuntil-butil na paraan sa masinop na paghahalaman ang nabubungkal sa isipan at usapan. Kasabay ng tunggaan… in vino veritas. Mayroon naman palang matamang nakasubaybay, nakikinig na masinsinan sa ilandang ng isip-usap.

Recent findings show that meaningful conversations induce happiness and sound health… maybe more.

Kamukat-mukat nga, nasunggaban at nahirang na pala akong project consultant… higit 100 ektarya ang pagtatamnan… and they’re willing to procure some more spread of arable areas as I would see fit… para sa katuparan ng aking makalupang pagnanasa. Foreign-funded project.

I’m gratefully stumped.

May iniingatang ilang puno ng kamagong at pili sa aking halamanan… pulos dambuhala kapag lumaki. I was telling ‘em— interspecies or zoonotic chit-chat, yeah-- that there’d be some vastness out there somewhere— honest, I haven’t the slightest where that could be-- where I would take them, where they’ll grow into giants that they are.

Mayroon pang lumalaking dalawang apo, sina Musa at Oyayi. Gusto ko ring maisama sila sa ganoong lawak ng lupain. Para maglaro. Para gumalugad, maipakilala sa iba’t ibang pananim. Para makipag-ulayaw na marubdob sa pisngi ng lupa. To impart a sense of passionate curiosity in them.

Saka talagang masayang makaulayaw, makaniig sa gawain sina Cathetel, Cahetel, Lecabel at Risnuch—mga anghel sila… nangangalaga sa mga halamanan at samut-saring pananim… tending a garden betrays a longing for Eden, a try to nurture the soul through the soil.

Uh, recent findings show that adept bilingual usage point up savvy in non-verbal skills…
hindi lang kasi sa pananalita ginagamit ang nagsasangang dila, kasi nga kandila easily translates to cunnilingus, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...