Skip to main content

Growing up gratefully


BAKA matagpuan pa ni Inay sa mga salansan niya ng samut-sari sa eskaparate, aparador, tokador o baul ang nawaglit na larawan…

(1)sambungkos halos ng saging, sa unang piling ay katabi ang tagapayong Bb. Elizabeth Lim, guro sa physics… nakangisi dahil nag-iisang tinik at halal na pangulo ng klase, high school algebra champion, kahanay ng pumpon na pawang buko ng rosas.

(2)nakatindig na buong katawang kuha kay Shelley Magnaye, naging kasuyo sa kolehiyo… may halimuyak ng hininga ng mga bulaklak ng kape, suha, at mangga ang bibig… nakabahid ang makopa’t takipsilim sa mga pisngi… kambal na milon ang dibdib, batis na mapaglulunuyan ang balakang… diklap ng buntala at talim-balisong sa ningning ng mga mata.

Naganyak na ipahalungkat ang ilang nakalarawang gunita matapos marinig ang Manila Hotel lobby string quartet teasing out some months back a 1969 Dennis Yost and the Classics IV standard… “Faded photographs covered now with lines and creases, tickets torn in half, memories of bits and pieces, traces of love long ago that didn’t work out right.”

Mangingilo pati ngipin: tigmak sa pulot-kabayo, may tamis-pait ang titik niyong awit… na kaya pang kapain ang himig sa gitara tulad ng maalab na kapa sa sari-saring kuwerdas ng hugis-gitarang katawan ng naging kaliyag… na hindi nakatuluyan.

Walang nakatuluyan ang aming naging tagapayo… walang nagkatuluyan sa ‘min… pulos lelang at lelong na ang mga dating kaklase, may kani-kaniyang ilalahad na professions and confessions. Hagalpakan ng halakhak kapag ikinumpisal na pinagnasaan noon sina… kasikatan ni Merle Fernandez-- who now runs an antique shop in Kamuning, Quezon City—sa pelikulang bomba.

Nagkakatalastasan pa rin kaming magkakaklase sa Facebook, e-mails… nagkakayayaang magtipon tuwing may magbabalikbayan mula sa kung saan-saang ibayong lupalop… salu-salo, konting toma, saganang kuwentuhan, kumustahan, kantahan.

‘Tanda na kami… "It's coming to the realization that you are who you are, you like who you are, and you are happy with who you are. The rest is a walk in the park."

Alas-siete ng umaga ang pinakauna naming aralin, Good Manners and Right Conduct… “Growing Up Gracefully” ang gabay na aklat… 1968 is way too far to look back in fondness… we’re grown-ups… hopefully, we have grace as well.

Naipanguna sa naunang sinulat dito: “Grace is not prayer before a meal. It is a way of life.”

May mas matinding kataga kaysa biyaya o lamyos— shibumi, effortless perfection, uplifting the ordinary from the commonplace into the realm of the extra-ordinary.

Sabi nga ni Aristotle, “We are what we repeatedly do.”

Flicking out a blade in iaido fashion is an endless refrain sung day to day… writing this way is an incessant stream off a wellspring… tending to a clutch of plants or harnessing vital energies in meditative flurry of punches is a continuing flow…

‘Tanda ko na pala.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...