FADE IN
1. INT. HUT.
Karimlan sa dibdib ng dampa na buong lamyos na itinataboy ng malamlam, banayad na umiindak na sindi ng lampara.
Unti-unting aagos ang paksang himig, ‘Nasaan Ka, Irog’ ni Nicanor Abelardo o ‘Hatinggabi’ ni Antonio Molina, basta may malamyos na katangian ng oyayi o awit sa paghehele ng sanggol.
Pananaw ng pitong-taong-gulang na si TARANG ang lente ng kamera—na mula sa inaantok na kisap ng pilik-mata, magiging magaslaw, mabilis upang ipahiwatig ang pagdaloy ng rapid eye movement (REM) sleep… yugto sa bingit ng ulirat at malalim na paghimbing.
Mula sa asul-lunting ubod sa sindi ng lampara, tila bukal na bubulwak ang liyab ng apoy, aagos na tila batis… itatambad ang mga aninong nangakaluhod; unti-unti, malamyos na titindig, iindak sa bawat kislot-kilos ng apoy—sina TATAY, NANAY na kilik sa kanyang baywang ang dalawang-taong-gulang na supling, si ISANG; ang manghihilot na si TIA ORANG; ang babaylan na si TIO LONGHINO; ang balong si PAULA; at ang aligaga-sa-larong musmos, si TARANG na pahapyaw na hahagod ng kanyang ulirat-pananaw sa indak at indayog ng katawan ng mga tauhan.
Maaari marahil na itagni sa himig ng kundiman-oyayi ang taimtim at masasal na kiliti ng ‘Rites of Spring’ ni Igor Stravinsky upang ipahiwatig ang yakap/yapak sa lupang gawi’t gawa sa pagsisinop ng kabuhayan sa kaingin.
Sa isang sulok ng field of vision ni TARANG, mapapansin na sinilo ni PAULA ang TATAY na nakaakay sa NANAY na may kilik na supling. Tila Circe sa kanyang kawan ng mga baboy si PAULA, iwawaksi ang kanyang mga saplot sa katawan, hubad na iaalay ang kanyang pagkababae…
Bahintulot na tatalima sa paanyaya sa sayaw ng pakikipagtalik ang TATAY habang mulagat na nakatanaw, kumakaway, sumasaway na pasayaw ang NANAY.
Nagliliyab ang kabuuan ng paligid, natutupok ang lukob ng mga dahon, tangkay, sanga’t bulas ng dawag. Mula sa lagablab, papailanlang ang laksa-laksang pakpak ng mga gamu-gamo’t paru-paro… mag-aanyong buhawi ang mga lagas na pakpak.
Titis, alipato’t abo na bubuhos na ambon sa lupa ang nagliliyab na pakpak, kasabay ng masigabong awit ng KORO.
KORO.
Amang Panginoon, kami’y sumasamba
Kami’y magpapagal, kami’y tatalima
Sa atas mo noon— ibinabandila
Sa buhos ng pawis sa bawat paglikha.
Sa abo’t alabok ng abang lupain
Dito magsisinop niyong tagubilin—
“Magparami kayo ng laksang nilikha,
Iba’t ibang hayup, samut-saring punla.”
Sa lilim ng langit, uulan ang tuwa
Kahit pa may unos, tagtuyot, dalita…
Kami’y magpapagal, susunod na kusa
Sa atas mo, Ama—ang aming tadhana!
Habang papahina ang awit ng KORO, unti-unting aagos ang samut-saring huni ng mga kulisap, palaka, kuwago, at iba pang buhay-ilap sa paligid; nakatagni ang ganitong tunog sa banayad na paghinga ng nahimbing nang si TARANG, nakatagni pati masasal na pintig ng puso ng kanyang mga katabi sa pagtulog.
2. EXT. IMMEDIATE ENVIRONS OF HUT IN SWIDDEN CLEARING. AFTERNOON
Pigil-hiningang
buhos na buhos ang loob ni TARANG sa buntot ng nakadapong tutubi, sa awang ng
kanyang hintuturo’t hinlalaki na nakaambang humuli sa kulisap.
TARANG.
(Voice over.)
Magagawa mo ba ito,
Pigil sa ikot ng mundo?
Pati daloy ng sandali
Tumitigil sa daliri?
CUT
TO:
Walang
kurap na nakamasid si TARANG habang naglalaban ng gagamba sa samputol na
tinting.
TARANG. (Voice over.)
Ikukumpas itong kamay
Habang ang aking
hininga’y
May awit na sasabayan
Kaigtingan ng labanan…
CUT
TO:
Nakatuwad,
sapupo ng dalawang kamay ang baba habang nakangiti; mataman ang pagmamasid sa
parade ng mga langgam na hantik sa lupa, may tangay na kumikiwal pang bulate.
TARANG. (Voice over.)
Lagi akong nagmamatyag
Kung lupa’y may
ibubunyag…
Lagi itong pumipintig
At ako ay makikinig…
CUT
TO:
Matsing
wari na nakapangunyapit sa sanga ng punong bayabas si TARANG, namimitas,
nanginginain, isinisilid sa loob ng suot na kamisete ang mga napitas; mistulang
buntis sa nakaumbok na mga bayabas sa kanyang tiyan.
TARANG. (Voice over.)
Kandungan ko’y mga ulap,
Kanlong ng lunting
pangarap…
Mga d’wende at diwata
Kalaro ng bawat bata…
Ginagawa mo ba ito
Bumuo ng paraiso?
Makakaya mo pa kaya
Magtanim ng laksang
tuwa?
3. EXT. ENVIRONS OF HUT IN SWIDDEN
CLEARING. LATE AFTERNOON.
Nasa harapan
ng dampa ang NANAY, kilik—tila ihinulma sa kanyang baywang—si ISANG,
nagbububusa sa yamot. Nakakubli naman sa mga kulumpon ng halamang ligaw si
TARANG, nakasalampak, kampante sa panginginain ng bayabas.
NANAY.
(Yamot.)
T-a-r-r-r-a-a---a—ang!
T-a-r-r-r-a-a---a—ang! Parine kang damuho ka!
Nahan ka na ba? T-a-r-r-r-a-a---a—ang!
Napakalagalag naman talaga…
(Tatampalin
ang kilik, na papalahaw sa iyak.)
Ikaw
naman, napakaligalig mo. Kung natulog ka sana kangina, nakatapos na ‘kong
magbayo’t magtahip ng isasaing.
Pulos kayo pampatagal sa gawain.
(Sa kilik na
si ISANG.)
Oy,
oy, oy… Tumahan ka. Tahan!
(Sa
‘di-nakikitang si TARANG.)
T-a-r-r-r-a-a---a—ang!
Ay, Tarang. Makikita mong bata ka
‘pagdating ng Tatay mo!
Kung
dito ka na lang naglaro sa loob ng bahay, nakapag-iwi ka sa kapatid mo…
naihanda ko na sana ang pansaing natin, damuho ka!
Nahan ka na ba?
T-a-r-r-r-a-a---a—ang!
TARANG. (Sa
sarili.)
Haay! Si Nanay talaga… mapupunit ang
lalamunan sa paghiyaw..
Bakit
na lang kasi hindi ‘intayin na dumating si Tatay para tulungan s’ya?
Bakit
hindi na lang ‘antayin na lumaki ako… para ako na lang ang magbayo ng palay?
(TARANG
finishes the last of his guavas, belches, rises, trudges off toward his piqued
NANAY.)
NANAY.
(Makikita ang anak na palapit.)
Nariyan
ka lang pala, damuho ka! Pinagtataguan mo pa ako! ‘Antayin mong dumating ang
Tatay mo, talagang malilintikan ka…
TARANG.
(Ituturo ang isang landas sa ‘di-kalayuan.)
Hayun
po, ‘Nay. Parating na si Tatay.
4. EXT. ENVIRONS OF HUT IN SWIDDEN
CLEARING. NEAR DUSK.
TATAY
unhitches carabao off its cart yoke, amiably chats up the animal as he tethers
it to a tree.
TATAY.
(Visibly tired but radiates calm.)
Bakit
naman ‘tong si Bokal, ni hindi manginain man lang sa tabing daan… kahit makuyad
kung patigil-tigil para manginain, tuloy lang ang lakad… Tiyak na gutom
‘to—aba’y mahaba ring lakaran mula Malig hanggang dito.
(Kay TARANG.)
Hala,
ikuha mo muna kahit sambungkos na kumpay si Bokal. Maipakain muna bago maisauli
sa Kakang Longhino.
Patakbong
tatalima si TARANG, kagyat na maglilikom, magbibigkis sa bisig ng dayami mula
mandala sa ‘di-kalayuan.
NANAY. (Sa asawa. May
kutob.)
Sa Malig ka
nanggaling?
TATAY.
Napasingkaw
sa gawa. May nabayarang hiniram.
Palapit si
TARANG, kipkip sa bisig ang sambungkos na dayami.
NANAY. (Shifts to
chirpy, shrewish mode. Cites TARANG.)
Ay,
ang damuhong ‘yan. Maghapon na namang gumala. Nagbabad sa araw.
Nakikipagharutan ‘ata sa mga tiyanak at nuno sa punso. Ni hindi matigil sa
bahay. An’tigas ng ulo.
Ibubunton ni
TARANG sa harap ni Bokal ang mga dayami. Titingin muna ito sa paslit saka
yuyukod, manginginain.
TARANG. (Sa kalabaw.)
Amoy-bayabas
ako, ‘no? An’dami kong napanguha. Nakain ko lahat.
TATAY. (Kay
TARANG. Himig-kunsintidor.)
‘Kala
ko ba’y nagbabait ka na? Kung saan-saan ka daw gumalugad. Dapat nilalaro mo si
Isang, ‘di ba?
TARANG.
(Kamot sa ulo.)
Opo…
Eh,
minsang ipinanghuli ko ng tutubi si Isang—niligis niya, kawawa naman.
No’ng
nagsapot naman kami ng gagamba, dinaklot niya. ‘Tapos, isinubo po. Nilunok.
TATAY.
(Galak na halakhak. Ingunguso ang tiklis sa kariton.)
Ay,
h’wag na h’wag ilalapit si Isang sa dala ko. Baka lulunin n’ya ‘to.
TARANG.
Po?
NANAY.
Ay,
may dala ka pala…
TATAY. (Huhugutin ang gulok sa tagiliran, tatastasin ang tiklis sa kariton.)
May bagong alaga si Tarang—si
Hitsang, ha-ha-ha-ha!
Gigibik ang baboy habang inot na lumalabas mula tastas na
tiklis, lilinga-linga. Lalapit dito ang NANAY, kakamut-kamutin sa tiyan ang
baboy.
NANAY.
Inahin na ‘to.
(Kay TARANG.)
Ganito, kakamut-kamutin mo
dito palagi. Para umamo sa ‘yo.
(Kay TATAY,
habang iniaabot si Isang.)
Kargahin
mo nga muna si Isang. Amina muna ‘yang gulok, ikukuha ko ng makakain si
Hitsang… gutom na tiyak ‘yan.
TATAY. (Sa
anak.)
Ang
aming munting mutya! Kumakain ng buhay na gagamba… Ano ba ang lasa ng gagamba?
Malinamnam?
ISANG makes
gurgling sounds, giggles as TATAY tickles her and does an impromptu dance with
her in his arms.
NANAY emerges
from the bushes with a fire-hewn block of wood—a feeding trough—with several
semi-ripe papayas in her arms; the items somehow resemble a woman’s breasts
turgid with milk and her cleft fully dilated to a croupe. After a few beats,
she sets down the trough and papayas before the pig.
The sow digs
in, lapping and gnawing at the papayas in the trough as if in earnest
cunnilingus.
NANAY.
Sa Malig ‘to nanggaling?
TATAY. (Paiwas.)
Do’n
nga. Dagdag na punla sana ang pakay ko. Kamukat-mukat nga, nasukol ako.
Si
Paula. Eh kahit anino ng babaeng ‘yon, talagang ayokong masipat. Hindi talaga
ako nakaiwas.
NANAY. (May
hibo ng panibugho.)
Mababayaran
naman natin s’ya sa susunod na gapasan.
TATAY.
(Apologetic.)
Walang
kaabug-abog, nasa tagiliran ko na pala. Daig ko pa ang palakang dinakma.
Sumadya
raw ako sa bahay niya. Do’n na raw ako mananghalian. Ano pa’ng magagawa ko.
Sunod na lang ako.
NANAY.
(Quizzical, apprehensive.)
Sunud-sunuran?
TARANG eyes
his parents in askance, trying to make sense of the edginess in the tones of
their voices.
TATAY.
(Brushes aside the woman’s fears. Takes on a reassuring tone of voice, but
subtle hints of sensuousness ooze from the chores he describes.)
Sa
paminggalan lang ako kumain. Hingi pa nga ako nangangalahati sa kain, inumpisahan
nang umungot..
Kung
p’wede raw bang ipagsalok ko siya ng tubig… punuin ang mga banga’t kalamba.
Igib naman ako.
‘Tapos,
kung p’wede raw bang ipagsibak siya ng panggatong… Dalawang bunton ang tinilad
ko, ay, tagaktak naman talaga ang pawis ko.
Hindi
pa ‘ko natutuyuan ng pawis sa singit, may kasunod na ungot. Parang ayaw akong
tantanan ba?
Kung p’wede raw bang tingnan ko ang
mga alaga niyang baboy.
NANAY.
(Still uneasy, Takes ISANG from TATAY, eases the child to her waist like a bolo
to be drawn.)
‘Tapos?
TATAY. (Reassuring, soothing, salving
the wife’s wounded feelings.)
Bulaan
ako kapag sinabi kong walang kasunod na hiling.
NANAY. (Grins, slowly eases.)
Nasundan
pa?
TATAY.
Hindi
lang tingin-tingin. Pinapalitan ang nagapok na bakod ng kulungan. Tatlong
baboy. Bulugan ang isa.
Pukpok-pawis
na naman sa kural. Nangamoy-baboy ako, lupaypay pa sa pagod…
NANAY.
Basta
may kapalit. Kahit limang gatang. O ‘yung sansalop na asin na hiniram natin.
TATAY.
‘Yon
nga. Aniya: “Ayusin mo, kapalit ng sansalop na asin, para mabawasan ang utang
mo sa tindahan ko.”
NANAY.
(Patianod.)
O,
gano’n naman pala…
TATAY.
‘Ayun
nga, pero may pahabol, sabi pa: “O, ito—para kay Tarang mo, para may maalagaan.
Ku’nin mo na ‘yang isang babae.”
Gulat ako, an’saya, naalala ni Paula
si Tarang natin.
An’ya: “Patabain mo. Kung manganak,
mas mainam.”
Kaya,
hayan. Dinala ko na. Eh, buntis na yata. Ang habilin kasi: “Kapag nanganak,
hati tayo.”
NANAY.
(Hapyaw na sisipatin ang baboy.)
Buntis
nga yata. May pakislut-kislot sa tiyan. ‘Di ba may bulugan si Paula?
TATAY.
An’laki
no’n. Talagang utugan.
NANAY grins,
nods, proceeds to the hearth outside the hut as TATAY harnesses the pig across
its shoulders, then, hands the leash to TARANG, as if in an investiture rite.
TATAY.
‘Ayan.
May bago kang kalaro. Ipanguha siya ng makakain. Araw-araw, hane? Umaga’t
hapon. Patabain mo si Hitsang.
5. INT. HUT. TWILIGHT/ANGELUS.
Nakasalampak
sa lapag ang pamilya, natatanglawan ng liwanag ng apoy mula dapugan, nakaharap
sa kanilang hapunan—sinabawang talbos ng kamote’t kamatis, kanin, dildilang
asin…
Nakapikit sa
pag-usal ng dasal ang mag-asawa; nakamata lang ang dalawang bata.
TATAY.
(Taimtim.)
Salamat po, Panginoon,
sa mga biyayang kaloob mo ngayon.
Bigyan Mo po kami ng lakas
Sa aming mga gawain bukas..
6. INT. HUT. EVENING.
TARANG is
washing the dishes at the batalan while NANAY is unfolding two mats, setting
them side by side upon the bamboo floor. TATAY has ISANG seated on his knees,
plays with her.
7. EXT. HUT. EVENING.
Hitsang, the
sow rubs its sides against the hut’s post to which it was tied; then, sow walks
clockwise, getting its leash shorter and tighter; then, it proceeds in a
counter-clockwise walk before plopping down and dozing.
8. EXT. HUT. MORNING.
TATAY drives
the last of the stakes into the ground, completing an enclosure for the sow.
TARANG leads
the pig into the pen; loosens, takes out its leash, nudges HITSANG into her new
home.
TATAY. (Sets
feeding trough into the pen.)
Hayan!
Kahit sa baboy, mas ibig na walang gapos. Basta makakakilos—kahit pa
nakakulong.
NANAY comes
into view, with a flat basket of rice husks—bran, finely ground grains
(binlid), and all—and a pail of kitchen wash. She pours wash into the trough,
then, dumps there the husks. HITSANG digs in.
9. EXT. SWIDDEN PATCH. MORNING.
Matsing wari na
mahigpit nakapangunyapit ang mga paa’t kamay habang umuusad paakyat sa puno ng
papayang ligaw si TARANG.
Pipitas siya
ng bunga, isa-isang isisilid sa buslong nakatali sa kanyang tagiliran.
Bababa,
mala-bayawak sa pagdausdos pababa, una ang kaliwang paa sa paglatag sa lupa,
nakahagod ng tanaw sa iba pang puno ng papayang ligaw sa paligid.
Tatamaan ng
tanaw ang isa pang puno ng papayang ligaw, hitik sa bunga, sa ‘di-kalayuan.
Tiyak ang mga
hakbang niya patungo doon.
May masasagi
siyang hiblang bakas ng gagamba. Tatantangin ang hibla—maganit, matibay.
Tutuntunin
niya ang ginapangan ng hibla sa mga dahon ng halamang ligaw; isa-isa, maingat
na uungkatin ang mga tuyong dahon na dinaanan ng hibla; sa huli’y matutuklasan
niya ang gagamba, nakaidlip sa lukong ng tuyong dahon.
Namimilog ang
mata sa galak, kukunin niya ang gagamba; dudukot sa kanyang bulsa—isang kahita
ng posporo. Maingat na ilalagak sa kahita ang gagamba.
TARANG.
(Magiliw. Sa gagamba.)
Mam’ya
na tayo maglaro, hane? ‘Kuha pa ‘ko ng pakain kay Hitsang..
10. EXT. FOREST TRAIL. MORNING.
Tagaktak ang
pawis ni TARANG, papauwi; pasan sa pingga o balagwit (bamboo carrying pole) ang
dalawang buwig na ligaw na saging at ubod ng bunga (betel or areca palm) na
nakalagak sa buslo.
TARANG.
(Hingal, umaawit.)
Leron,
leron sinta…
Umakyat
sa papaya..
Kaldero
ang dala—
Lalagyan
ng tinola!
11. EXT. HOMEYARD. MORNING.
POV of
TARANG, astride a rough-hewn log bench on which a peeled whitish soft banana
trunk is held in place; TARANG lops off chunks—pig feed – that drop into a
pail.
TATAY has
ISANG held in the crook of one arm, playfully tickles the child.
NANAY emerges
into view, reddish welts across her cheek and over the valley of her nose; she
drags several lengths of peeled rattan vines across the ground.
TATAY.
(Beams, chuckles as he approaches NANAY.)
Para
kang nakalmot ng musang sa mukha…
NANAY. (Chiding.)
Ang
hapdi nga, tinatawanan mo pa..
Kasi
nga pumutol ako ng uway para maayos ‘yang kulungan ni Hitsang.
TATAY.
(Chiding.)
Kay
Tarang at sa ‘kin ang ganyang gawain. Ipinaubaya mo na lang sana sa ‘min.
Makakapaghintay naman ang kulungan ni
Hitsang.
NANAY.
Ano
ka? Hindi naman namimili ang gawain kung sino ang gagawa. Basta dapat lang
matapos. Kailangan ng uway.
TATAY.
(Gently, tenderly, lovingly caresses the scratches on NANAY’s mien.)
Hindi kailangang magalusan ang iyong
mukha…
NANAY.
May
nayapakan lang akong tangkay. ‘Tapos, bigla na lang—may umigtad na baging ng
uway. Humampas sa mukha ko.
TATAY. (Tenderly kneads NANAY’s
shoulders, as if in fond embrace.)
Mabuti’t hindi ka nahagip sa mata.
ISANG
titters, reaches out for NANAY. TARANG, as he looks on at such tableau, smiles
serenely in unalloyed joy.
12. INT. HUT. DAWN.
NANAY and
TATAY stepping down on the bamboo stairs, setting out for communal work on
another’s swidden planting grounds,
TARANG rolls
in the mat he has slept on; in an adjoining mat, still swaddled in a blanket is
ISANG, still asleep.
NANAY. (To
TARANG.)
Ikaw
na muna ang mangalaga dito. ‘Pag lalabas ka, tiyakin mo lang na nakatali sa
gitna ng bahay ang kapatid mo.
H’wag
gaanong habaan ang tali—baka gumapang si Isang sa hagdan o sa batalan.
Takip-silim
na’ng uwi namin ng Tatay mo. H’wag pabayaan si Hitsang, hane?
TARANG.
Opo…
opo…
13. EXT. HUT. MORNING.
TARANG sets
down the bamboo carrying pole with a pair of water-filled pails; scoops water
with a hollowed gourd; hands the drinking vessel to TIA ORANG, barrio midwife
in her 40’s.
TIA ORANG.
(Nearly short of breath.)
Salamat
naman, anak. Nagsadya pa naman ako dito para tumulong makitanim, eh, kung saan
naman pala nakitanim ang Nanay at Tatay mo.
TARANG.
Hindi
pa po kami nagsisimulang magtanim.
TIA ORANG.
Ay,
nahan ba ang dalawang ‘yon?
TARANG.
Baka
pumaro’n po sa kabila ng ilog. Sa hinawan po ni Kakang Longhino.
TIA ORANG.
Nakow,
inuna pa pala ang makitanim sa iba…
Siya…
siya… makatuloy muna do’n.
TIA ORANG
takes a few halting steps to leave, then, looks at TARANG over her shoulders.
Pero
kung hindi kami magkatagpo ng inay mo, ay, sabihin mo na lang na nagsadya dito
ang Tia Orang, hane?
Napadaan
‘kamo… Sabihin mong makikitanim ako ‘pag nagsimula na kayo, hane?
TARANG.
Opo.. opo..
From the
corner of his eye, TARANG sees his sister almost near the hut’s door, poop-smeared
hands flung in impish glee.
TARANG.
(In mock horror.)
Inakupow!
Nagsaboy ka na naman ng mabantot na lagim! ‘Hale nga’t nang mapaliguan na
kita..
14. EXT. RIVERBANK. MORNING.
TARANG hauls
out of the water a fish trap—bombon, a tied-together bundle of bamboo and bush
twigs—and lays it down a distance from the water’s edge. Gobies, mud fish,
crayfish, shrimps and freshwater crabs leap and skitter out of the contraption,
prompting TARANG to a frenzy of grabbing every skittering, wriggling critter he
can lay his hands on, dumping each one into a creel tied to his waist; pure
childish delight writ large on his face.
15. INT. HUT’S HEARTH. NOON.
Two pots
simmer and steam away as TARANG deftly cuts up tomatoes; crushes a stub of
ginger, then, dumps these into one of the pots.
He reaches for
a jar of salt, takes several pinches, and tosses such into the pot, takes a
ladle and samples the broth.
He scoops
handfuls of shrimp and crayfish from a pail, dumps the ingredients into the
pot; after a few beats, he tosses tips of edible fiddlehead ferns—pako—into the
simmering soup; then, grins in amused anticipation as the rising steam from the
pot wafts into his nostrils.
ISANG, waist
tied with a length of rope, looks on in wonder throughout the proceeding.
TARANG. (To
ISANG.)
‘Lapit na ‘tong maluto. Gusto mo ng
tagunton at ulang, ‘di ba?
16. INT. HUT. NOON.
Frugal repast
is laid out on the bamboo floor: mound of steaming rice on a chipped
enamel-coated tin plate (losa), some salt on a piece of banana leaf; crayfish
and shrimp soup with fern tips chockfull in a coconut shell bowl.
TARANG feeds
his sister, hand-to-mouth fashion, with bits of shrimp, greens, and rice.
17. INT. HUT. TWILIGHT.
Back-lit by
soft fire from the hearth, TARANG with ISANG in his arms, sit at the top of the
bamboo stairs; they are waiting for their parents to arrive.
NANAY and
TATAY, visibly tired, emerge into view from a near distance, trudging toward
home.
ISANG.
Na…
nay… Na-a-a… nay!
18. INT. HUT. DAWN.
TARANG rouses
from sleep, sees his father wrapping something in a buri carry-all, tying the
bolo to his waist, then, leaving in a hurry.
TARANG
follows him, halts, and gazes at the eastern embers of dawn; first shafts of
light reveal a gathering mass of cottony cumulus clouds.
19. EXT. HUT. MORNING.
TARANG,
bamboo carrying pole with a pair of water-filled pails slung on his shoulder
nears the hut; he sees his parents engaged in a spat.
NANAY, with
ISANG by her waist, is in near-tears with exasperation.
TATAY cradles
a pullet, reins his temper and calmly bears his wife’s angry outburst.
NANAY.
Si
Paula ang nagbigay sa ‘kin niyon. Iningat-ingatan ko pa naman. ‘Tapos
ipagpapalit mo lang pala sa dumalagang ‘yan? Ipinagpalit mo lang sa dumalaga…
sa manok?
TATAY.
Mas
matanda pa ‘yung kamison kay Tarang, ‘di ba? Matanda na…
NANAY.
Oo,
matanda kung matanda. Luma na nga.
Ako
rin tumatanda.. parang sapin sa katawan… humihina ang mga hibla… naluluma.
Tatanda
ako. ‘Pag tumanda ako, ipagpapalit mo na lang din ako. Gano’n ba?
Gano’n ba?
TATAY.
(Soothing, placating… firm with conviction.)
Mga
bagay lang ang ipinagpapalit.
Tatanda
tayo. Tayo pa rin.
Declaration
sinks in, douses cold water on NANAY; slowly, slowly she lifts her head, gazes
at TATAY in a new light of insight.
TATAY. (Solemnly, addressing his
family.)
Tena. Magsisimula tayo.
Ngayon.
20. EXT. SWIDDEN CLEARING. MORNING.
TATAY sets
down the neck of the pullet on a tree stump, then, draws out his bolo; sunlight
bounces off the polished blade.
Nearby,
NANAY, TARANG and ISANG watch the proceeding, absorbed in fascination.
TATAY chops
off the pullet’s neck; blood droplets geyser in a misty crimson spray; then, he
raises the pullet, its blood still squirting, flung out in an arc.
TATAY.
Sa
bulwak ng buhay
Nitong
aming alay…
Ang
pisngi ng lupa’y
Inyong
ipahiram.
Maligno’t
engkanto
Humayo
po kayo
Kamay
na may abo
Magyayaman
dito.
Impakto’t
diwata
Ng
liblib at lupa
Lumisang
may tuwa
Umalis
na kusa…
Sa
bulwak ng buhay
Nitong aming alay
Biyaya
ng lupa’y
Inyong
ipahiram.
Sa papawirin,
unti-unting matatakpan ng balumbon ng mga ulap—kagampan sa ulan—ang mukha ng
araw.
Sa lawak ng
lupang hinawan, banayad na hahaplos ang hangin; ikakaway ang dahon at tangkay
ng mga puno; isasakay sa bagwis ng lawiswis ang mga napigtal na mga dahon at
mga talulot—kakawate, kabalyero, dapdap, sabidukon, atbp.
Susulpot sa
‘di-kalayuan si KAKANG LONGHINO, ang babaylan at dalawa pang babae, nakabihis
na pansalang sa pagbubukid; marahan, tila taimtim na prusisyon sa kanilang
paghakbang patungo kina TATAY.
KAKANG
LONGHINO. (Kay TATAY.)
Nakapag-alay
na?
Aba’y
magsimula na tayo.
TATAY. (Kay
TARANG.)
Ang
mga binhi, anak. Magpupunla na tayo.
Iaabot ni
TARANG ang isang buslo ng mga binhing palay sa ama; bawat magtatanim ay kukuha
sa buslo ng tig-isang dakot ng binhing butil.
21. EXT. SWIDDEN CLEARING. MORNING
Time lapse
photography, magsisimula sa mahinay na andante hanggang sumapit sa rock ‘n roll
allegro.
Mistulang
sayaw sa latag ng lupain ang ilalarawan ng mga nakahanay na tauhan, pawang
yuyukod—malalim na rei o pagbibigay-galang sa silangan, sa mga bathala’t
diwata, kay Amaterazu-o-Kami-- mula baywang sa simula ng kanilang gawain.
Ang sayaw:
1.
Hakbang-pasulong
ang kanang paa;
2.
Sudsod
sa may gilid ng paa ng dulos (dibble) o tinulisang piraso ng kawayan, na hawak
ng kanang kamay;
3.
Maghuhulog
ng ilang butil ng palay—kimkim ng kaliwang kamay—sa binutas ng dulos;
4.
Hakbang-pasulong
ng kaliwang paa; tatabunan, bahagyang pipitpitin ng kanan at kaliwang paa ang
pinaghulugan ng mga binhing butil;
5.
Hakbang-pasulong
ng kanang paa, at paulit-ulit na iimbay, iindak ang katawan ng mga nakahanay na
tauhan sa ganitong sayaw.
Kalaunan,
mapapag-iwanan sina TARANG at NANAY, na kilik pa rin sa kanyang baywang si
ISANG.
Inot na
mag-uunat-unat si NANAY; ilalagak si ISANG kay TARANG.
NANAY. (Kay TARANG.)
Amina
‘yang mga ipupunla mo’t sumilong kayo sa lilim ni Isang. Ikaw na muna’ng
mag-iwi sa kapatid mo.
Hahabol
ako sa kanila.
Maiiwan si
TARANG, pawisan, kalong sa kanyang mga bisig si ISANG.
Mahinang
dagundong ng kuog mula sa malayo; hintakot na yayapos si ISANG sa kapatid.
22. EXT. SWIDDEN CLEARING. TWILIGHT OR
ABOUT ANGELUS/VESPERS HOUR.
Taimtim na
magtutulos ang babaylan ng krus na buho, kawayan o kahit bamban (somewhat of a
rarity these days, although there are a few stands in Mt. Makiling) sa bukana
ng pinunlaang hawan ng lupa.
Nakapaligid
sa babaylan ang mga kasama niya sa maghapong gawain—sina NANAY, TATAY, TARANG,
ISANG at ang dalawa pang babae.
KAKANG LONGHINO. (A la canta
Gregoriana ang pagbigkas.)
Sa apoy hinubdan ang mutyang katawan,
Sa lunti ng palay muling bibihisan…
Sa krus na kawayan ng Poong Maykapal
Ilalagak naman yaring kahilingan…
(Dudukot,
mula munting buslo sa kanyang tagiliran, ng bungkos ng tanglad, nilala na
mistulang korona; ilalagay sa paanan ng krus.)
Ilagak ang galak sa bungkos ng
tanglad;
Sa hangi’y ikalat yaring halimuyak—
Ay! Ipalaganap, amihan, habagat
Ang pawis na alat ng aming paglingap!
(Dudukot;
maglalabas ng ilang pirasong luya; ilalagak sa paanan ng krus.)
Sanga-sangang ugat, kapara ng kidlat
Siyang sasawata’t papalis, wawasak
Sa bantang tagsalat ng mga satanas
Sa itim na balak nilang talipandas!
(Dudukot;
maglalabas ng ilang tipak ng makinis na bato—preferably bloodstones that
purportedly grant wishes—na ilalagak sa paanan ng krus.)
Bigat nitong bundok, nawa’y pumaloob
Sa abang pagyukod ng butil na handog—
Sisilang sa abo’t mula sa alabok,
Butil din ng ginto’t biyayang
pupuspos…
LAHAT. (A la ‘Kyrie Eleison.’)
Dinggin Mo po, dinggin
Ang aming dalangin…
Tupdin Mo po, tupdin
Yaring hinihiling…
Siya nawa… Siya nawa.. Siya nawa..
Huhuni ang
hangin na tila awit ng mga kawan ng ibon. Guguhit sa papawirin ang mga
sanga-sanga ng kidlat. Aalingawngaw ang kulog mula sa malayo.
23. EXT. HUT. EARLY EVENING.
Halos
magliyab sa diklap ng kawan-kawang alitaptap ang paligid.
Musmos tila
ang NANAY, kilik si ISANG; nakikipagsayaw sa palikwad-likwad na mga alitaptap.
Nakaupo sa
baytang ng hagdang kawayan sina TATAY at TARANG, nakamasid sa mag-inang puspos
ng tuwang musmos.
TARANG.
‘Tay?
TATAY.
Uhmm?
TARANG.
Ba’t po ipinagpalit ang kamison ni
Nanay ng dumalaga?
TATAY.
(Paternal, doting.)
Kasi kailangan nating maghandog sa
lupa… sa gubat.
Hinubaran
natin ang lupa ng saplot.. Hinawan ang mga puno, mga damo’t sukal… sinunog.
Pero
bibihisan uli natin siya.. mayuming dilag na umiiyak dahil winalat natin ang
kasuotan niya.
TARANG.
(Puzzled.)
Babae
ang lupa?
TATAY.
Babae nga…
Sinusuyo natin. Para hindi magtampo.
Magkimkim ng ngitngit.
Naghandog
tayo ng kapalit ng damit panloob ng Nanay.. ‘yun nga, dumalaga.
TARANG.
Hindi
na magagalit sa atin ang lupa?
TATAY.
(Sighs, grins.)
Sana nga… sana nga.
Ah,
bukas pala, kailangan nang atipan ang kural ni Hitsang. Nakagayak na ang
tag-ulan. Kawawa naman kung mabababad sa ulanan. Kagampan pa naman.
(Kina NANAY at ISANG.)
Oy,
mahalumigmig na, ah. Parine na’t baka maserenohan ang bata.
24. EXT. HUT. MORNING.
TATAY fits
out joists atop the sow’s corral; nearby, TARANG folds buri (anahaw) fronds
into shingles.
TATAY sets
the buri shingles onto the joists, lashes the thatched roofing with rattan
strips.
TATAY and
TARANG grins in satisfaction after the task is done.
TARANG.
Hayan!
May bubong na ang bahay ni Hitsang! Hindi na kayo mababasa ng ulan ng mga kulig
mo!
TATAY.
(Laughs, wistful.)
Kahit sana anim na kulig… anim na
kulig.
25. INT. HUT. DUSK.
Gentle breeze
gathers strength, turns to gusts browsing over the hut’s thatched roof.
Lightning bolts brighten up the hut’s vicinity, as seen from a window and the
open door, revealing the figure of TIA ORANG, shuffling her way to the hut.
TATAY.
Ah,
mayroon tayong dumarating na panauhin. May kasalo tayo sa hapunan.
NANAY.
Si
Tia Orang. Ay, salubungin mo nga, Tarang.
TARANG goes
to meet TIA ORANG; takes her hand to his brow, then, leads her to the hut.
Light drizzle turns to heavy downpour.
TATAY.
(Magmamano.)
Ay,
Tia Orang. Talagang ibig yata ng langit na ditto na kayo magpalipas ng gabi.
TIA ORANG.
(Chiding in mock resentment.)
Ay,
kayo nga. Nagpasabi pa naman akong makikitulong sa inyo sa pagtatanim… eh,
hindi na ninyo ako hinintay.
NANAY.
(Magmamano.)
Kahapon
lang po kami nakatapos sa pagpupunla.
TIA ORANG.
Ay,
talagang kinakasihan kayo ng panahon. Kasunod agad ang buhos ng ulan..
Bukas-makalawa’y iluluwal na ang mga usbong ng palay.
TATAY.
Dumulog
na po muna tayo sa ating hapunan… masarap na ulam ang saganang kuwentuhan.
TIA ORANG.
H’wag
muna. Dapat munang sulitin bago dumulog sa pagkain. Kapag hindi gumawa, hindi
ikakaloob ang awa.
NANAY.
Si Tia Orang talaga.
TIA ORANG.
Lahat
naman tayo’y tumatanda. Mainam lang na gawin pa rin ang nakamulatan mula
pagkabata.
(Kay
NANAY, habang naglalabas ng bote ng langis ng niyog na may luya’t iba pang
ugat-ugat.)
Hale
ka, hihilutin kita. Huling lumapat ang mga kamay ko sa ‘yo’y nang manganak ka
kay Isang.
(Magsasalin
ng langis sa palad, saka pagkikiskisin ang kanyang mga palad.)
NANAY.
Maglalatag
pa po ba ng banig?
TIA ORANG.
Ay, Tarang. Ipaglatag mo muna ng banig
dine ang nanay mo.
Maghuhubad
ang NANAY habang nakamata lang si TATAY at ISANG. Kukuha ng nakalulong banig sa
isang sulok ng bahay si TARANG.
26. INT. HUT. EVENING.
Malamlam na
liwanag ang nakatanglaw sa tagpo.
Nakahiga ang
NANAY, walang anumang saplot sa katawan, nangingintab ang balat sa naipahid na
langis ng niyog; nakapukol ang kanyang tanaw sa atip ng bahay, pinapakiramdaman
ang sariling katawan.
Nakamata lang
ang TATAY, sina TARANG at ISANG, tila mga sakristan sa idinaraos na pagsamba.
Masinsinan,
taimtim ang paglalandas ng mga daliri at palad ni TIA ORANG sa hubad na katawan
ng NANAY.
TIA ORANG.
(Matter-of-fact, eloquent.)
Latag
din ng lupain ang kabuuan ng katawan—may mga bukal, may mga batis… at dumadaloy
ang kung anong liwanag, sumasalin, pumupuspos sa iba’t ibang lunan ng katawan…
Nang
mailuwal si Tarang, naglihis ako sa daloy ng ilang batis… para hindi agad
masundan ang panganay. Pero pagkatapos ng ilang taon, pinapanumbalik ang
nakalihis.
Gano’n
uli nang maisilang si Isang.
Natitibag
ang tibay ng katawan ng ina ‘pag walang patlang ang panganganak… naluluoy,
nalalamiray… natutuyot.
(Huhugot
ng malalim na buntong-hininga. Saglit na hihinto sa paghilot; lilingain sina
TARANG at ISANG.)
Ay, mga anak…
TARANG.
Po?
TIA
ORANG. (Doting but edgy, the weight of apprehension and impending loss in her
voice.)
Masdan
n’yong mabuti, hane? Baka may mapulot kayo’t masinop sa ginagawa ng Lola Orang…
Aba’y
maski ako, nakakaligtaan na ang mga natutunan ko. Noon..
Ngayon…
baka hindi man lang maisalin sa inyo ang mga natuklas namin.
Baka
malimutan.
ISANG.
Lo…
la! Lo.. la-la! Lo-la-la-la…
TIA ORANG.
(Shifts to chatty, chirpy mode.)
Ay,
Isang… Ang Lo-la-la-la ang unang nakahawak sa ‘yo! Dalawang taon ka na sa
lupaing ito… at marami ka pang madudukal sa bunton ng panahon…
Huwag
lilimot, hane?
TARANG.
Nalilimutan
ko pong maligo… madalas.
TIA ORANG.
(Kay TARANG.)
Diyaske
ka!
‘Yong
si Kakang Toteng… nakalimot mag-alay. Nakalimot magtaboy. An’tagal na no’ng
namalagi dito, ha? Nang sumunod na taon, nabagsakan ng puno sa hinahawan niya.
Putol ang isang kamay…
TARANG.
Po?
TIA ORANG.
‘Yon
namang si Tandang Tiago, naligtaang magpatulos ng krus sa kanyang hinawan.
Sukat ba namang dapuan ng kung anu-anong sakit, ay… kawawa naman…
Pero
mas kawawa ‘yung asawa niyang kagampan.. pulos linta ang iniluwal!
Naro’n
ako… nakita ko.
27. INT. HUT. EVENING.
Hapunan,
kasama si TIA ORANG na patuloy sa kanyang mga kuwento—na halos hindi na
maririnig, tatabunan ng mga matalim na sagitsit ng kidlat, dagundong ng kulog
at malakas na buhos ng ulan.
28. INT. HUT. SMALL HOURS.
Maaalimpungatan
si TARANG, nakapamalukot sa higaang sako ng bigas sa gilid ng pinto ng bahay.
Sa pagitan ng
buhos-ulan, dagundong-kulog, sagitsit-kidlat at kung anong inuusal ni TIA ORANG
na nakahimlay sa isang sulok ng bahay, mauulinig ang masigabong paggibik sa
labas.
Unti-unting
bumabangon ang kung anong pananabik sa dibdib, mauulinig ang tibok ng puso at
mga gibik sa labas.)
TIA ORANG. (Taimtim,
umaawit wari pero mahimbing ang tulog.)
…adhuc quae reveles in hac nocte sicut ita
revelatum fuit parvulis solis; incognita et ventura unaque alia me doceas…
Ano
na’ng salinlahi kung walang salin-kaalaman?
Sa sulok ng
paningin ni TARANG, masusulyapan niya ang pagbangon ng TATAY, magsusukbit ng
gulok, patiyap na lalabas ng bahay.
Babangon si
TARANG, aaninawin muna ang TATAY, ilalantad ng liwanag mula kidlat, na sagsag
sa kulungan ni Hitsang.
TARANG. (Sabik.)
Dapat Makita
ko ‘to. Dapat.
Bababa sa
baytang ng kawayang hagdan si TARANG, halos mapawi ang kanyang anyo sa
buhos-ulan at karimlan.
29. EXT. CLEARING NEAR HUT. SMALL
HOURS.
Nasa harapan
ng kulungan ni Hitsang sina TATAY at TARANG, walang alintana kahit kapwa damsak
na sa malakas na buhos ng ulan.
Kalong ni
TARANG sa kanyang mga bisig ang isang kasisilang na biik.
TARANG. (Galak.)
Siya
pala ang narinig kong gumigibik… muntik nang madaganan ni Hitsang.
TATAY. (Nasisiyahan.)
Dumaming
bigla ang alaga mo, anak. Anim na biik! Anim! Bilog na bilog lahat!
TARANG.
Ibabalik ko
na po sa nanay niya. Para makasuso siya.
TATAY. (Pauses, cocks
his ear; points at a wide swathe of the clearing.)
T-teka,
naririnig mo ‘yon?
Parang
an’daming kasisilang lang na sanggol… an’dami… umuuha!
TARANG. (Grins in pure
glee.)
Ang mga
punla mo natin… iniluluwal na po ng lupa…
Streaks of
lightning light up the environs, revealing TATAY and TARANG rapt in joy,
unperturbed by the heavy downpour.
‘Ode to Joy’
chorale of Ludwig van Beethoven’s ‘Symphony No. 9’ thunders through the scene.
Closing
credits trickle in.
Time-lapse
photography—rice seedlings sprout out of the soil; grow; bear flowers; rice
stalks turn heavy with ripe, golden grains.
FADE OUT.
Comments
elbise,
abiye,
kıyafet,
tunik,
tesettür giyim,
bayan giyim,
etek,
elbise,
moda,
marka,
trend,
viskon,
vizon,