Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2011

सिएते palabras

TAGACATAGA… that trots out a genome sequence spelled in letter codes G, A, T, C-- the blueprint of life, likely, as some inspired geneticists point up, “the mind of God.” Kutob lang naman na tumatagos hanggang hibla’t himaymay ng laman ang mga kataga na nakagawiang gamitin sa pamamahayag, sa pakikitalastasan, sa paghalukay ng isipan… language is a tool and recent findings show that inept or deft usage of tools can shape the individual within and without… there is formation in in-formation. Gano’n ang nagkukubling katotohanan sa iginiit ni Lewis Carroll, “we use words, words use us.” May taga marahil ang mga kataga… kaya may mga tinatawag na pangungusap ng kapangyarihan, words that can unleash thaumaturgy and wonders… words that can heal. Or even kill. Sa The White Plague ni Frank Herbert, “pinihit” ng isang molecular biologist ang mga c,a,t,a,g,a sa pinakaubod at buod ng himaymay ng laman… saka ipinamudmod sa buong daigdig sa pamamagitan ng perang papel ang binagong kaalaman n...

Siyam na puso

SIYAM na dalaginding ang nag-abot sa ‘kin sa hati ng kanilang puso… iniingatan ko hanggang ngayon, maganda kasing palatandaan. Sa pagbasa ng kapalaran sa baraha, katuparan ng kahilingan ang kahulugan kapag lumitaw na kasama ang siyam na puso mula binalasa’t inilapag na hanay ng mga baraha. 240 ang mga kabataang iyon ng Sta. Clara High School—nasa isang hulong barangay, nakapagitan sa magkabilang hanay ng kabundukan sa Aritao, Nueva Vizcaya… walang WiFi , walang cell phone signal , walang Facebook… and a boulder-studded emerald river that waters the wide swathes of rice paddies runs through that valley… Nagbigay kami ng pagsasanay… leadership and team-building… 11 obstacle and challenge courses… napatoka sa akin ang paksa sa human development — na naipihit pa rin sa hilig ko, sex … Sa mahigit 4,000,000 spermatozoa na magkakarera tungo sa iisang gantimpalang ovum , iisa lang ang magwawagi… upang mabuo ang sanggol. That makes every individual a born-winner, not the typical one-in-a-milli...

Ligaya-gaya puto-maya

PINIPILI lang ang ginagaya para maligaya—hindi totoo ‘yung alamat ng ika-100 unggoy na natutong lumikha ng kasangkapan, nagbungkal ng kamote’t nakarami kaya ginaya ng iba pang unggoy… na tinawag ngang monkey see, monkey do . Gunggong, mangmang at Penoy bugok lang ang hangad na maging halimbawa sila sa kanilang gawa— mas marami nga, ngawa. ‘Hirap sundan ang yapak ni, halimbawa lang, Gautama Buddha… na bawat hakbang, may susulpot na iba’t ibang bulaklak o halamang may pakinabang… pero ganoon ang ‘sarap tularan. Sa higit 10 taon, parang Kristo na itinulos sa iisang krus ang pagtatanim sa sinadyang lupalop… malawak ang latag ng lupa, pero makitid ang hagip ng lirip at isip—aba’y parang ‘yung kalapit-bahay na sinasaltik ni Dennis Fetalino ng samut-saring lait… ‘yon at ‘yon lang ang ipuputak sa maghapon at magdamag-- kaya walang kuwalta sa bulsa, pulos singaw ng tumbong sa cabeza … Naungkat sa ‘kin kung magbubuhos ako ng kapital sa binabalak kong pagtatanim ng iba pang gulay—na maisasalya sa...

Usapan, isipan

THE tussle of sorts with a tactical interrogator in the Nueva Vizcaya hinterlands is a fart, just passing gas compared to whirlwinds that a sad child summons in the briefest of chit-chats… matinding usapan kailangan ng mas matalim na isipan. Kabilang ang paslit sa pulutong na iginalugad sa maliit na latag ng kabundukan upang tukuyin, kilalanin ang samut-saring damo’t halamang ligaw na may pakinabang. Babes in the woods likely to get lost in such treacherous terrain… yet even harsh topography can be rendered familiar, less forbidding, and even friendly for the adventurous. And before we broke camp, I reminded the kids they can invite me as their Facebook friend… so I can “Ignore” them, duh, I didn’t have the heart for ignorance. Mabubungkal ng mga paslit ang kung anu-ano mang isinalpak sa sariling pahina… at may pumansin sa retratong kipkip ko na tila bungkos ng aklat ang panganay na apo habang naglalakad sa patuto ng gulayan sa La Trinidad, Benguet… isinaad na nasa bahaging likod ng...

Alak pa!

AFTER suggesting in a focused discussion that local crop raisers curb overproduction, take after the OPEC tack of calibrated yields to provide stability to farm-gate prices for their produce, I was singled out for two-bit tactical interrogation… so it turned out to be an ugly military rigmarole for usual rebel suspects. The gaggle of “farmers” of Belance, Dupax del Norte in the Nueva Vizcaya hinterlands I had talked to were local militia… who won’t ever have inkling on the finer points of agricultural practice and out-and-out capitalist marketing ploy… they just wanted to make me sing under mental duress, “I’m a Red rabble-rouser out to infect you locals with Leftist ideas.” If it quacks like a capitalist duck but doesn’t waddle like one… there must be something wrong. So we were set up prior to a round up— say, two comely education coeds of the Nueva Vizcaya State University in Bambang; a faculty of Sunhaven Academy in Bulacan; a manager for the Savory chain of restaurants out to proc...