Skip to main content

Laborare est orare...

ULAT: The world’s best beer, as gourmets the world over have it, is brewed by five Cistercian monks in the Saint Sixtus Abbey in a remote section of Westvleteren, Belgium. Pitting the Cistercian brew to any of the world’s best-selling beer brands is like “comparing an F-16 to a paper airplane.”

Bumubulwak, bumubulabog ang taimtim na linamnam ng ganoong bula ng serbesa sa naging halimbawa ni Tita Cory—para kasing mongha, madalas na nagdudusaryo at nag-aalay ng dalangin para sa bayan.

Ganoon kasi ang gawi sa pamumuhay ng Cistercian monks. Napapanis ang laway dahil tipid na tipid ang bibigkasing salita sa kabuuan ng maghapon at magdamag. Nakalublob madalas sa panalangin at gawain.

Naniniwala sila kasi sa kakatwang kasabihan: Laborare est orare, orare est laborare. Gawain ay dasal, dasal ay gawain.

Naituro yata ‘yon sa Sunday school— “put God first in everything you do and He will crown your efforts with success.”

Mahihiwatigan sa diskarteng Cistercian: A prayerful life is a work-filled life.

At kailangang buhos din ang pagkatao, taimtim din ang paglalaan ng sarili sa gawain.

O sa madaling sabi, trabaho… trabaho… trabaho… para maiwaksi ang gulo… Pati na Guloria Macapagal-Arroyo.

Walang patumangga ang tungga nang maihayag minsan sa katoto’t kabungguang-bote na ang katagang “body odor” ay isinalang noon pang nakalipas na mga dekada ng isang higanteng kompanya ng samut-saring produktong panlinis.

Sapilitang sinalpakan ang balana ng matatawag na guilty conscience or Lady Macbeth syndrome-- na kahit na anong kiskis at kaskas at hugas ang gawin sa sariling katawan, lagi’t lagi nang kakapitan ng samut-saring putik, batik at batikos.

Para sa sambayanan ang alay na bunton ng dalangin ni Tita Cory. ‘Kako’y mas makasarili ang pakay ng pagbubunton ko ng dasalsal. O daldalangin— kasi nga, mauugat ang katagang rosaryo mula taniman ng mga rosas. And the effect of piling up prayers isn’t a lull after storming heavens with entreaties and pleas for tender mercies and clemencies… After prayers, the body pores of a supplicant simply ooze a faint scent of roses. Even a subtle whiff of sandalwood. Or maybe a hint of ambrosia. Subukang magdasal nang taimtim.

Sininghot yata pati kili-kili ko ng kabungguang-bote—na hindi naman nahilo o bumulagta. Nasabing wala nga raw anumang sansang o alingasaw.

Naungkat pati natukoy ni Dr. Masaru Emoto—that earnest prayer can transform the crystalline structure of water molecules into patterns pleasing to the eye. Maidadagdag na higit sa 75% ng buong katawan ay pulos tubig lang.

Let’s just say that stacks of prayers plied to pester God won’t change divine will. But the nature of my self surely will.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...