BALIK-TANAW: Humingi ng saklolo si Rodolfo Noel “JLo” Lozada Jr. sa kanyang hepe sa Department of Environment and Natural Resources, kay Secretary Lito Atienza para makaiwas-pusoy ang una sa pagdinig ng Senado ukol sa maalingasaw na transaksiyong ZTE-NBN—nahirang ng NEDA ang JLo bilang technical consultant sa semplang nang proyekto. Pangulo din noon si JLo ng Philippine Forest Corporation. Na saklaw ng DENR, kaya talagang kay Lito Atienza unang dudulog ang Lozada para maghinga ng mga problema—kung baga sa militar, ugnayan ng commanding officer at field operative , isasaalang-alang ng pinuno ang kaligtasan ng kanyang tauhan sa larangan, saanmang laban… Kay Atienza isinumbong ni JLo na maraming nagbabanta sa kanyang buhay—kinakabahan na siya. Pinayuhan ang huli na magtungo sa Hong Kong saka tumuloy sa isang pandaigdigang pulong sa London habang naghahanda ng mga hakbang para mapangalagaan ang kaligtasan ng JLo. (Teka muna, hapit na kapit at katakam-takam-takam-takam, tambok talaga tumb...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.