SINIMULAN na ang pagwasak sa mga illegal fish pens at fish cages – pawang mga rehas sa tubig—na nakaharang sa bahaging Cavite ng Manila Bay.
“Higit na may karapatan sa likas-yaman ng Manila Bay ang mga maliit na mangingisda kaysa mga may-ari ng mga illegal na baklad na pawang nagpapasasa sa salapi at ni hindi mga taga-Cavite,” diin ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza nang pamunuan niya ang pagwasak sa mga baklad sa 180,000-ektaryang lawak ng Manila Bay. Saksi si Cavite Gov. Ayong Maliksi at mga 150 mangingisda nang simulan ang pagbuwag nitong Agosto 27.
Tinukoy ni Atienza na kabilang ang mga illegal na baklad sa mga pangunahing sanhi sa kabiguan ng pamahalaan upang maisulong ang malawakang pagsisinop sa Manila Bay. Hindi pa rin nakakatupad sa itinakda ng kanilang kontrata ang Maynilad at Manila Water—hindi pa nakakapagpagawa ng sewage treatment facilities kaya nagiging tambakan pa rin ng katas-pozo negro ang Manila Bay.
Pahayag ni Atienza: “This demolition is not only sound environment management but sound economics as well since it stimulates growth among Cavite’s fisherfolk.”
Rehas sa tubig ang mga baklad—masaklap na sumasagisag sa pagsasamantala ng iilan sa likas-yaman ng bansa samantalang mas marami ang naghihikahos, ani Atienza.
Pitong ilog ang sumasalin sa Manila Bay na 190 kilometro ang kahabaan ng pampangin—kakawing ng mga kanugnog nitong watershed area maging ang watershed areas hanggang Laguna, Rizal, Nueva Ecija, pati na Tarlac.
Sa kalikasan, totoo ang kasabihan: “Sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.” Or to shake the universe, cut a blade of grass.
Pinansin ni Atienza na tumatagos na tila impeksiyon o kamandag mula pampang hanggang kaitaasang bahagi ng mga lalawigang nakapaligid dito ang pagkasira o environmental degradation ng Manila Bay. Kabilang sa mga lalawigang apektado: Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, ilang bahagi ng Tarlac, Aurora at Zambales; Cavite, Laguna, Rizal at mga bahagi ng Batangas at Quezon; mga bahagi ng Nueva Vizcaya. Sapol na sapol lalo na ang 16 na siyudad at 1 munisipalidad ng Metro-Manila.
Pinansin ng DENR na pawang taga-Pampanga, Bulacan, at mga kalapit na lalawigan ang may-ari ng mga baklad na nakarehas sa bahaging Cavite ng Manila Bay. Karaniwang sa malalim na bahagi ng look itinitindig ang baklad—sasakop ang mga itinulos na bayog o anahaw sa mula lima hanggang 50 ektarya.
Higit na maliit na lawak ang saklaw ng mga kural o fish cage—mula 200 metro kuwadrado hanggang isang ektarya-- na karaniwang palakihan ng mga lapu-lapu’t talakitok na pawang panluwas sa ibang bansa.
Nakabilanggo na sa mga rehas sa tubig ang kabuhayan ng mga maliit na mangingisda, hadlang din sa Manila-Cavite ferry route—sa halip na 30 minuto lang ang biyahe, higit sa isang oras dahil kailangang magpasikot-sikot pa.
Buwena-mano sa pagkalas ng mga naturang rehas ang 200 baklad, pinagtulungang gibain ng mga tauhan ng DENR, Army, Navy, at lokal na pamahalaan.

Comments