Skip to main content

Mas malayo ang mararating ng P100 ngayon

MALAYONG makagawiang gamitin ang binabagong sagisag sa piso. Php—parang “pahipo” ang katumbas kapag binuo, para bang napakailap na’t iglap na umiigkas, talilis palayo na parang nagulantang na bayawak, parang nagsusungit na’t ayaw magagap ni mahigpit na mahawak… ano bang pasintabi pa sa paghipo? Sunggab at masuyong lamutak agad… isagad.

Mas humihimas sa puso ang nakagawiang sagisag: titik P na tinuhog sa gitna ng dalawang guhit… kahit na katunog ng pussy kapag binali-baligtad ang piso, higit na maginhawa’t umaantig-umuuntag-umuuntog o kikiliti—sige, ipagdiinan ang unang dalawang pantig sa “kikiliti”--sa pakiramdam ang tinuhog na titik P, lalo na’t masusulyapan, buong banayad at hinay na babasahin ang makahulugang isinasaad sa kumakalat na kamiseta, “malaki ang titikO.”

Pero lupaypay na pahapay ang Php—sinakmal sa pangil ng inflation. Kung ihahambing sa timbang ng isasabong sa ruweda, kinaltasan pa ng 11.4 libra ang 100. Ano’ng panama ng Manny Pacquiao na titimbang muna bago sumagupa sa 134.5 libra, saka lalantak ng kain, lolobo at papalo mula 140 hanggang 145 libra ang timbang na isasabak sa salpukan?

Huwag maghimutok ni maghinagpis at magsitangis: parang suwerte na ngayon ang piso na pinipitpit ng presyo—kaltas na ang P11.40 sa bawat P100. Partida ‘yan sa laban. Merong butal na mabubuntal: P0.60.

At bawat P100 na isasagupa sa sandamakmak na bilihin, naging P88!

Kahit na lupaypay sa bawas na timbang kasukat ‘yan sa kalibre ng mortar. Kaya bawat pagbili ng mga nasa bansa na piso ang isasalang, ituring na mortar combat… magkakamatayan talaga sa pukpukang labanan.

Matutugunan pa rin ng P88 at konting butal ang pambayad sa pagkain, toma’t yosi, upa sa bahay, ilaw, tubig, panlutong panggatong at ilang kumpol ng serbisyong kabilang ang matrikula, pasahe, cellphone load, gupit ng barbero, diyaryo, gamot… na batay sa mga bilihing isinasaad sa consumer price index na 2000 pa ang pinagbabatayang taon para hindi mahalata ng kunsumidong konsumer na talagang nasalanta na ang piso sa pagsagasa ng panahong tila pison.

Kapos na’t hindi matutugunan ng P88 ang mga bayarin sa pananamit at iba pang samut-saring gugulin sa pamumuhay. Kinakabahan din kami na baka mauso ang pagpasok sa ating mga tanggapan nang nakahubo’t hubad, aba’y sapak na tanawin at pangitain ‘yan! What a wet dream come true!

Kapag nangyari ang ganyan, papayag na akong makipagseksihan sa mga siksik sa MRT habang nakasubsob sa pagbabasa nitong Kulamnista ni Mangkokolum.

Opo, mapalad at nagbubunyi nang lubusan ang ating bansa sa ngayon dahil P88 na ang katumbas ng dating P100. Ayaw naman naming sisihin at buntunan na naman ng hinagpis ni Herodes ang economist na namamayagpag sa Palasyo ng Malakanyang.

Madalas naming ungkatin kung bakit nakasimangot ang larawan ni Pangulong Zip Roxas, ehek… Manuel B. Villar, oops… Roxas nga pala na nakasupalpal sa P100. Matamlay na, nanlulumo pa.

Nakapangalumbaba’t malungkot na tila inapuntahan ng malas at haginit ng .357 ang kartada ni Ninoy sa P500; parang kunsumido si Cong Dadong sa P200 na baka napag-isip-isip na pulos patay lang talaga ang mga mukhang ibinabalatay sa hilatsa ng salapi’t nagkataong nakasupalpal nga ang isang Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang likuran… Natatangi sina Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim, nakangiti at masaya ang bukas ng mukha sa P1,000 kahit na sisidlan o kabaong ng patay ang nasa kanilang likuran… masaklap na pangitain pa rin ng kamatayan. Pulos gunggong yata’t sakbibi ng hikbi’t kunsumisyon ang mga nagdidisenyo ng salaping papel ng Pilipinas—pulos sagisag ng siphayo ang ibinabandila…

Ipagpaumanhin na po ng iba pang mga nakasimangot na pagmumukhang tila magpapabunot sa dentista sa iba pang kuwalta natin—P20, P50 na butal na barya na lang ituturing sa ngayon… parang umaapaw sa hinanakit, hinagpis, kalungkutan, at sentimiyento de ampalaya ang aming lukbutan kapag napapadpad doon ang mga naturang salaping papel…

Kaya naman kahit napakasuwerte nang P88 ang katumbas ng P100 sa ngayon, lalo lang nanlulupaypay at salagmak pa rin sa pagdurusa’t pagkadusta ang sambayanan…

Kung nagiging mahirap pa tayo sa daga, kailan pa kaya nila maiisip na ilagay ang kaaya-aya’t napakasayang mukha ni Mickey Mouse sa ating salaping papel?

Comments

alwynne said…
Hey, sir Dong. Gantimpala Theater is re-staging your play Bien Aligtad for an October playdate. Please write me at alwynne@hotmail.com or you may send me an SMS at 0916-4259204 or call me at home at 802-8470 or at the office at 528-0603. :D

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...