Skip to main content

Ale Baba & Plenty Thieves

SAWIKAIN ng mga Tagalog ang ipinagpipilitan: kapatid ng bulaan ang kawatan.

Baka naman kaugnay ito ng inilalapat sa pangalan ng mga kawatan. Este, kinatawan nga pala sa House of Thieves, oops, House of Representatives, Ito ‘yung tinatawag yatang tahanan ng mga diputado o sa wikang EspaƱol, Casa de los Hijo de Putados. Madalas ngang tanggalin ang huling pantig na –dos kasi sobra sa 200 silang nakalublob doon. Lalaspag ng mga P200 milyon para magkasundong bumuo bawat isang batas na walang balak maipatupad kahit palit-pangalan lang ng kalye o espinita. They’re kindred spirits, not kind, though.

Tinatawag kasi sila, Hon. Your honor pa nga ang pasakalye bago sila magtaltalan sa kapulungan. Malakas ang kutob naming ito na ang tinutukoy ng kasabihan naman sa Ingles: There is honor among thieves.

Hindi naman kami nagtataka nang dumagsa nitong nakaraang linggo ang mga your honor upang sumagpang ng agahan o almusalsal sa Palasyo sa Pasig . Sumulpot na lang sa mga bali-balita na may nagbigay sa kanila ng pabaon sa pag-uwi. Dalawa ang nagkumpisal—tig-P500,000 ang natanggap nila. Masaklap na hindi maturol ni matiyak kung sinu-sino ang mga kumag na naghatag.

At nagsiklab nga ang Ale Baba nang magkatimbugan tungkol sa mga bulaang kapatid ng kawatan—para bang pamagat ng isa sa mga kinagiliwang kuwento ni Scherazade na nakatakdang pugutan ng ulo matapos matikman ng esposong sultan sa 1001 Arabian Nights, ‘yung Ale Baba and Plenty Thieves.

Samantala, nagpupuyos naman daw ang mga kawal sa sumingaw na panibagong kawalanghiyaan—ni hindi raw kasi nakakatanggap ng P150 bawat araw na combat pay at tatambad nga naman sa kanila ang mga bali-balita ukol sa mga your honor na lumablab na ng saganang almusalsal, binigyan pa ng dagdag na masasagpang na tig-P500,000.

Nang masipat nga ang anyo ng puno sa aming lalawigan na bumulaga sa TV, talagang namimintog sa busog. Parang patabaing baboy na inihahanda sa katayan. Hindi lang namin matiyak kung sinu-sino ang aatasan ang kanilang sari-sarili para katayin ang mga ganoong patabain na pumuputok ang katawan sa saganang cholesterol.

Nagugunita tuloy ang isa sa mga naging aralin sa Sunday school, ‘yun bang itinaboy ni Jesus Christ ang isang pangkat ng mga demonyo. Pumasok sa kawan ng mga patabaing baboy na kasalukuyang nanginginain ng almusalsal—sarap na sarap siguro’t baka sa panlasa nila’y nasa handaan sila sa Palasyo sa Pasig .

Nang masapian ng samut-saring demonyo ang mga baboy, nagsipagpulasan. Tumalon sa bangin. Tigok lahat. Ang natutunan naming moral lesson sa naturang kuwento mula Banal na Kasulatan, mas matindi pala ang kahihiyan ng mga baboy.
‘Yung kawan-kawang baboy na inanyayahan para mag-almusalsal sa Palasyo?

Sagana daw sa lamon ng pork barrel ang mga ‘yon.

At kakaiba ang mga baboy na ‘yon—kaya nga matindi ang paniniwala namin na madalas silang absent sa Sunday school. And millions of pesos are scattered before swine—butata pati mga ipinapayo ni Jesus Christ kaya mas sikat talaga ang mga demonyo’t diyablo dito sa Pilipinas, ‘tangna talaga.

Pugot na ulo ng baboy nga pala ang tinuhog at itinulos para sambahin sa obra ni William Golding, ‘yung Lord of the Flies. Ang tinutukoy na panginoon doon ay si Belial, isa sa top three demons in hell.

Balak naming batukan ang aming Sunday school teacher. Pulos kabalbalan lang ang natutunan namin.

Samantala’y hinihintay naming tumalon sa bangin ang mga baboy, kung meron silang kahihiyan at may matatagpuang bangin. At naghihintay din marahil ang iba pa na pugutan ng ulo ang mga baboy, itulos at sambahin ng balana tulad ng aming nabasa sa Lord of the Flies—talagang namamayagpag at sinasamba sa Pilipinas ang mga kampon ni Satanas.

Mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...