MATAGAL ding kinimkim sa puson ang naghuhuramentadong pagnanasa kay Merle Fernandez sapul masilayan ang kanyang nakatiwangwang na alindog— that doesn’t translate as clueless dog in rear entry coition —sa pelikulang Uhaw mula panulat ni Mars Ravelo. Hangad po ng pitak na ito ng sandamakmak ding bihis at paulit-ulit na gayak sa naturang katha kaysa walang latoy na pakikipagsapalaran ni Darna . Mas likas at kapani-paniwala kasi ang pakikipagdaupang-ari kaysa mahirap paniwalaang pakikipagsapalaran na tinambakang tila Payatas ng sangkaterbang computer generated images . Palaging hinihimod ng tingin maging sa bumabahang panaginip— read: downpouring wet dream -- ang mga burol, parang, singit at sulok ng hubad na lunan ng katawang inangkin na sa isipan, naging bahagi ng marikit na dekadang 1970. Ginagamit nga pala ang katagang ‘marikit’ kaugnay ng pagpapaliyab sa siga, pagsisindi ng apoy sa pagluluto. May pahiwatig ng pagliliwanag at paliwanag sa karimlan. May pagpukaw sa init at alinsangan. ...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.