Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2006

Plants and planets

SIFT out politics, shift to serene gardening for those readings of signs in the heavens—so we set out to do just that. Two days before a new moon-- perfect time for sowing seeds. The moon grows in size, so does the lunar tug on bodies of water. That includes a pull on water content of seeds and the gray matter, nearly 75% water as a child’s body is. Call it lunacy, maybe a subtle passage of inner tides that touch off monthly flow in women, a bit of fattening in crabs, attempts at moonlighting to augment lousy take-home pay or Malacañang minions turning jumpy and jittery. Why, the gag order of sorts on media including the invocation for a state of national emergency was plied when there wasn’t any wee whit of a moon above—actions that could be touched off by PMS, or post menopausal syndrome. Call it whatever but a waxing moon sure effects a subtle pull on anything that packs water, including spittle to expend on policy pronouncements and bladder. From gray matter to groin matters. Or as...

Lagay ng panahon

KABILANG yata kami sa natutuwa sa ulat ukol sa nagbabantang sungit ng panahon— iyong ulan na may kasabwat na mga kulog at kidlat. Lalo na kapag tuloy lang ang banta. Inaasahang hahagupit ang buhos ng La Niña ngayong tag-araw. Tinatayang dalawang buwan ang singkad. Maulap. Maulan. Karaniwang sa mga dakong hilagang silangan ng kapuluan, mga bahaging nakaharap sa Pacific Ocean , nakalilim sa anino ng mga kawing na bundok Sierra Madre. Doon karaniwang nagsusungit ang panahon. “Masungit” ang nakagawiang taguri sa tila alkitrang dagim sa papawirin—na nauuwi sa bayo ng bagyo’t baha. Pero kailangan ng madalas na hilamos ng ulan at lamukos ng unos sa Sierra Madre. Para may makalap na tubig na itutustos na 90% ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila at patubig sa mahigit 5,000 ektarya ng gulayan at palayan sa ilang lalawigan ng Gitnang Luzon. Kabuhayan ang katumbas ng “masungit” na panahon. Magugunitang may ilang taon na dumanas ang Metro Manila ng tagtuyot at kakapusan sa tubig. Kulang sa t...

Kung salanta o nanlalata ang batuta...

PITO sa bawat 10 lalaki sa Asia ang madalas na mas malata pa sa kutsinta ang batuta— kahit nakatutok sa pinagmulang lungga, nanatiling salanta. Iniulat sa bansa na umaabot sa 300,000 ang reseta ng mga doktor bilang panlunas sa nanlalambot na singkapan ng kalalakihan. Ikinumpisal man ng karamihan sa kalalakihan ang lupaypay na lagay ng kanilang kasarian, matindi pa rin ang halihaw ng katanungan— kaya ba ng kanilang bulsa ang halaga ng Viagra (higit na kilala sa tawag na Sildenafil Citrate, ang asul na saklolo ng mga mahilig na lolo)? Pansinin na ang talagang kinasasabikang bahagi ng katawan ng lalaki sa dakong ibaba ng baywang -- ang bukol ng paldong bulsa. Humagulgol: 100 mg pildoras, P738. 50 mg=P578 (mas mahal pa kaysa samputok na pakikipagdaupang-ari sa mga mapupulot na pokpok sa Quezon Avenue, Cubao o Avenida.) Kapsulang 25 mg, lalantak ng P370 sa bulsa. Karaniwang sinusuri muna ng doctor ang kanilang pasyente bago lapatan ng angkop na bulto ng Viagra. Delikado kasing isabay ang Vi...

Suma-total, eh, ano ngayon?

N AKAGILIWAN din namin ang papugak-pugak na alagwa ng awit ng katotong Eleazar Somera Lopez sa kanyang palatuntunan sa 774 khz. Kung hindi daplis na tula, tiyak na sapol na tuya. Ganoon ang katangian ng mga patama ng Java— naibansag sa kanya ng isang kasama sa hanapbuhay at kabungguang bote. Walang nangahas bumuntot sa ganoong kasistehan sa panunuligsa’t paglalahad ng kuro-kuro. Ni hindi timplado sa lamig o nakatono ang boses na parang humahagod sa likuran o kumakalikot-nanunuot sa hinaharap na masarap. Parang nasunod ang tagubilin ni Bono ng U2 sa matinong awitin, “ All you need is three chords and the truth .” Walang mahugot na sinuman ang 774 khz para punuan ang naiwang guwang sa himpapawid ni Java. Naikumpisal sa kanya noon na kabilang ako sa isang pangkat ng mga pusakal na alaskador kontra rehimeng Marcos, ang Los Enemigos . Tahasang mga kaaway ang katuturan niyon. Mga yawah. Nakasungkit minsan ang pangkat ng gawad mula Catholic Citizen’s Mass Media Award— award-winning na mga p...