NAKAHILIGAN ni Haring Bhumibol ng Thailand na mag-alaga ng orchids sa pagpihit ng dekada 1970.
Sa gitna ng salit-salitang agaw-renda sa gobyernong sibil ng mga estudyante at militar sa Bangkok sa maliyab na yugto ng kanilang kasaysayan, unti-unting umusbong ang mga inarugang orchids ni Haring Bhumibol.
Nahawa ang sambayanan sa tiwasay na halimbawa ng kinikilalang pinuno-- maraming nagkahilig sa pagkutkot ng mapagtatamnan ng orchids. Nag-alaga rin sila. Hindi lang orchids ang lumago. Hindi pa man pumapasok ang dekada 1980, pumagitna na ang Thailand bilang lider ng cutflower industry sa Asia.
Nagsimula nang makipaggitgitan sa Holland at Israel sa ganoong negosyo. Naitanan pa nga mula Davao ang ilang punla ng waling-waling, itinuturing na pinakamarikit na reyna ng Philippine orchids. Pakay ng mga Thai: gagawing palahian.
Kamukat-mukat: mahigit yatang 20 anak at apo ng Vanda sanderiana ang nailuwal ng mga Thai orchid breeders para maisalang naman sa pandaigdigang pamilihan.
...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.