Skip to main content

Sa puyo ng iglap na alimpuyo

TATLO nang balita ng kamatayan sa ilog at kauring daluyan ng tubig ang nasadsaran ng tingin nitong nagdaang dalawang buwan. Tiyak na may mga kasunod pang balita sa mga susunod na buwan. Maisasalpak sa Journal Online.

Sa tibagan sa ilog ng Biak na Bato, San Miguel de Mayumo sa Bulakan—siyam ang nalunod na mga paslit. Hindi matiyak ang dahilan kung paano sabayang nalunod ang ganoon kadami. Mapapapalatak.

Ganoon ding bilang ang nalunod sa isa pang balita—mga Boy Scouts nasawi sa isang bayang pampangin sa Pangasinan.

Sa pinakahuling ulat: natagpuan ang naaagnas nang bangkay ng isang Prana Escalante sa isang ilog sa Bundok Halcon ng Mindoro. Talaksan ang naiwang galos sa hubad na katawan. Naligo marahil. Sinakmal ng iglap na ragasa ng baha. Tiyak na humampas sa mga matalim na batuhan.

Sa ganoon ding paraan nasawi ang anak ng kaibigang pintor sa paanan ng Bundok Apo sa Davao—tila layak na itinalyang ang katawan sa kisap-matang halihaw ng iglap na baha sa binabaybay na ilog. Lasog ang katawan nang matagpuan.

Hindi kaya nila pinansin o naulinig ang mga babala ng ilog sa bundok?

Oo, nagbibigay ng babala’t hudyat ang ilog at kauring daluyan ng tubig bago maganap ang iglap na paghalihaw ng dambuhalang agos-baha. Kailangan lang na buksan ang pandama. Ipukol na tila lambat. Sagapin at yakapin sa ubod ng dibdib bawat hikbi at hibik ng paligid. Hindot: hindi ito pagtula. Ito’y pagtudla.

Nagiging masasal, tila hintakot na nangangatal ang daloy ng agos. Liligwak-ligwak na tila umaapaw nang tapayan o palayok ang gilid ng ilog. May madaramang kakatwa, paanas na ungol-dagundong mula kailaliman ng tubig. (Parang alulong-aso ni Eddie Vedder ng Pearl Jam.) Nangungusap. Nakikiusap. Matalim na pandama ang makakaulinig sa mabangis na lambing ng ilog.

May nalalabing 8-10 segundo para humaginit na tila kidlat—walang lingon-likod na takbong paakyat sa mataas na lugar.

Banayad na kalabit sa pandama ang mga naturang palatandaan at babala. Kapag hindi inalintana, tila basahan na buong dahas na iwawasiwas, tila munting tangkay na ihahalihaw at gugutayin sa batuhan ang masasagasa ng iglap na baha.

Karaniwang sa pinakahulo, sa mga pinag-ugatang batis at bukal nabubuo ang iglap na baha—bunga ng tinatawag na pulo-pulo o kalat-kalat na ulan, ibinuhos na samburol, mumunting bundok na tubig sa dakong tuktok ng bundok… habang karaniwang aliwalas, nakangiti nang magiliw sa dakong paanan ng bundok na dinadaanan ng ilog.

(Ah, “kapag isinalubong ay ngiting magiliw, pakaasahan mo’t kaaway na lihim.”)

Sa paghupa ng ganoong iglap na sulak ng sungit, may maiiwang alay na biyaya—mga natulingag na isda. Mahahango’t mailuluto. Laman-tiyan.

Hindi lang laman-tiyan ang masusumpungan sa kabundukan. May laman-diwa din.

Teka muna. Ah, muna-- mouna ang tawag ng mga katutubo sa bundok nila sa Hawaii—naroon ang mga Mouna Loa, Mouna Kea. Mga himbing na bulkan.

Isa ring matimping paraan ng pagpanday ng pagkatao, pagsasalin sa sarili ng mga kakatwang katangian ng bundok ang “mouna.” Mula ito sa paniniwala ng dharmadhyana—dito nagmula ang tinatawag na Zen. Karaniwang mga limang oras o higit pang taimtim na pagsuong ng diwa at kaluluwa sa liblib na dibdib ng katahimikan. Naghihilom, mapanlunas na katahimikan.

May kung ilang taon ko na ring nabibitbit pabundok ang apat kong anak. Mouna ang talagang pakay ng bawat akyat-bundok.

Kahit may nagkakanlong na dahas at bangis na matutuklasan, masasaksihan sa bawat pagsuong at pagsuso sa tigmak sa gatas at gata na dibdib niyon.

Comments

Anino said…
Sobrang lalim ng Tagalog mo.Dumudugo ang ilong ko.ANg galing mo!

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...