Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2004

Tirador

KINILALANG tirador ng tinambangang mataas na pinuno ng NAIA ang isang Waray mula Leyte. Tinambangan ang naturang pinuno sa isang subdivision sa ParaƱaque City. Batay sa pahayag ng isang saksi sa hiwalay na pananambang sa Anda Circle, Bonifacio Drive sa Port Area ng Maynila, ang naturang Waray pa rin ang bumaril sa isang collector ng Bureau of Customs. Nadakip ng pulisya ang tirador sa Taguig, may limang milya ang layo sa kanyang tirahan sa Pasay City. Namamasukan siya bilang makinista. Kumikita marahil sa ganoong kayod—pero tiyak na hindi sapat. Inihayag ng pulisya na natuklasan din nila na may nakabimbin pang kontrata ang tirador. Isa pang malaking tao ang nakatakdang birahin ng tirador. Presyo ng hindi natupad na kontrata: P2,500,000. May kahirapang subaybayan ang pagkilos ng ganoong batikan. Nakapako ang kanyang lungga sa isang lunan. Pero hindi nakapako ang lawak na kanyang kinikilusan— nakasaklaw mula lima hanggang 20 milya o higit pa ang ka...

Sintunis

NAKAGISNAN nang ganoon ang tawag sa dalandan—sintunis, Ilang ulit na nahapyawan ang ganoong taguri sa katutubong kahel mula sa ilang sinulat ni Apolinario Mabini, tubong nayon ng Talaga sa Tanauan, Batangas. Mag-isa niyang binuno’t inakda ang unang Saligang Batas ng bansa na pinagtibay sa Malolos. Sa kanyang kabataan, araw-araw siyang naglalakad mula Tanauan tungo sa Lipa—higit 20 kilometrong lakarin-- para pumasok sa paaralan. Kaya marahil nalumpo. Lumpo sa yapak, malawak gumalugad ang utak. Natukoy siya na utak ng himagsikan kontra sa mga sumakop na Amerikano. Nasakote. Ipinatapon sa Guam. Habang tiwalag sa sariling lupain hanggang sa pag-aagaw-buhay, nag-umalpas sa gunita ang mga hanay ng punong sintunis na kalapit ng tinubuang dampa sa nayong Talaga, nakadunghal sa Lawang Taal. Nakalakhan na ang sintunis— mula uring Szinkom hanggang mala-mandarin orange na uring Ladu—na kabilang sa mga madalas lantakan noong kamusmusan. Mas mura kasi kaysa kahel-California o Perrante or...

100 hagod, 100 kaldag

HABANG kinakapitan ng tahong at talaba ang sinakyang bus sa gitna ng trapik sa EDSA Megaparking Lot, nakatuwaang bilangin ang hagod ng suklay sa buhok ng kalapit na babaeng pasahero. May hitsura. Bihis pang-opisina. Kinosmetik na mukha. Bagong paligo. Amoy pabango. Mahigit sandaang kalaykay ang naitakal sa ulunan. Wala namang napagpag, umalimbukay na balakubak o garapata kaya, mwa-ha-ha-haw! Hardin din siguro ang ulunan. Kailangang kalaykayin at sinupin ang mga kalat, tuyong dahon at yagit sa panimula ng bawat araw. Nakagawian ng isa kong abuela ang ganoong tahimik na rituwal tuwing umaga. Nagsisinop sa paligid. Tila sariling ulunan ang paligid – higit sa sandaang hagod ng walis at kalaykay ang iniuukol. (Kahit kutis-ampalaya, mas marikit pa rin sa paningin ang aking abuela. Kasi, ang kanyang gawain ang naglalapat ng kariktan. We define ourselves with what we habitually do. A chicken cackles all day and proclaims itself a cackling chicken. Unskilled dullards cackle all day and...

Filipinos once had homely but more magical names

Ages back when life was simpler and sweeter, our forebears gifted us with equally plain and preciously simple names that stuck. No, such awkward-sounding names don’t suck. Our forebears meant well. The names breathed of the spiritual, every name professing the bearer’s faith. Their plainness throbbed and thrummed of the Filipino collective soul’s yearning for protection and guidance from benign powers-that-be. Sure, most of ‘em names didn’t sound musical, extraordinary, fashionable or reeked of the “stateside” unlike the names whimsically tabbed to offspring of city dwellers. The plainest Juan was a pleading for God’s boon. The name means “blessed of God.” Awkward-sounding Pedro or Petra signifies more than musical rock – it’s the Rock upon which the incarnate God built his place of worship. Such a name was home-shrine to holiness and rock-solid traits. To our old folks, each name was a magical mantra, an orison for invoking power bequeathed to a beloved heir. They treasured t...