Skip to main content

Kim chi a la Diablolo

‘TWAS a booze buddy gulping Cuba libre who spouted fears about a soft yet coiled steel feel about my hands… bundled phalanxes still ply out a fine right-slanted hand passing off as calligraphy or swift focused brush stroke in sumi-e… he needn’t be bothered by a show of such art and fact turning as artifact.

Naawitan ng bayaw, kim chi para sa kanyang misis na miss na miss na raw ang kakaibang himas-apoy sa dila ng aking timpla… pumapatak lang sa P150 ang halaga ng mga sangkap— napa cabbage, daikon radish, garlic chives, red hot chili peppers, ginger, garlic, shallots… a sprinkling of finely ground black peppercorns and julienned ginger in a syrup of native palm vinegar and palm sugar simmered below boiling point for the pickling solution.

Igugumon halos buong maghapon sa pakikipagbuno sa munting halo’t lusong—mortar and pestle—para magdikdik ng ihihilamos sa niluray na repolyo’t ginayat na labanos… aalimbukay ang mga nanggigitata sa tamis na gunita habang subsob sa ginagawa.

Ganoon din kasi ang paghahanda ng mga sangkap na sapak sa nilupak—nilagang manibalang na saba, asukal, mantekilya, kinudkod na niyog (mas angkop ang alangan o katamtaman ang tigas) at halos maghapong bayuhan sa lusong… habang masuyong nakamasid ang dilag na pinipithaya… hindi po pinipitpit kapag nakatihaya, “pithaya”
and Pathaya in Thailand both refer to the heart’s desire… the beloved, cherished, dear one.

Titimo hanggang sa kalamnan sa gulugod at balakang ang kahit mahinay, malamyos na bayo— halos walang humpay… sinusukat nga kasi ng dalagang pinipintuho kung may itatagal ka sa ganoong gawain… the show of stamina translates to staying power and stick-to-itiveness in a boudoir bout…

So enabling, ennobling simple yet sexy a rite of food preparation… why, it’s a mating ritual stripped bare of verbosity, just a sweet promise of fulfilling coition… matingkad ang lumulutang, pumapailanlang na pagnanasang makalupa sa paglulupak… tiyak na may maghahasik ng mga biro’t tudyong maanghang… malaman… and that explains why some belles still see this old geezer as a coveted, whew, sex object…

Kung haba-taba kay tatang, lalim-luwang kay nanang—bugtong na ang sagot nga’y halo’t lusong. Butas na nakabukaka, titigmak sa lagkit ng pulot-gata… bugtong pa rin na tungkol naman sa paglulupak.

Incessant pounding turns the incendiary mix of condiments into a slurry paste reeking of fragrances… halimuyak ng baba, eh… kahit sa ganitong payak na pagpitpit ng mga sangkap, mapanukso pa rin ang mga alaala ng mga mutyang “ala, eh.” Magiging sangkap sila sa inihahanda, sila na naghandog… naghain ng kani-kanilang luto ng diyos… thus, so much loving arousal and tenderness glowing goes into the homespun recipe…

This goes out to you, Willie Nelson whose beard I envisage while lapping at southern comforts… “To all the girls I’ve loved before… took pouncing, pounding at their doors… I’m glad they came and came, ‘twas such a naughty game…for all the girls I’ve loved before.”

And if swooning into song equals praying twice, the tedium of pounding is eased with a generous muttering of orisons, marking time with a pray-over on the task at hand… karaniwang orasyong pampoder ang inuusal, sasalin na sa sariling katawan at sasalin pa rin sa lutuing iginagayak sa galak…so much dopamine, endorphin, amygdaline, oxytocin… the hormones of tender loving and fulfilled feeling attends hands-on chores… so whenever a comely damsel couldn’t put a finger on the quaint taste of my kim chi morsel, why, I’d gladly return such a compliment… and put a finger in hers.

This… suffices as explanation for the soft yet coiled steel feel about my hands… the bundled phalanxes—108 which equals the number of beads in a Buddhist rosary-- still ply out a fine right-slanted hand passing off as calligraphy or swift focused brush stroke in sumi-e… a show of such art and fact turns as artifact.

Ay, so much beauty can pile up, be teased out of painstaking tasks…

Busy hands are sexy hands, with streaks of lightning veins and tons of work—not word—made flesh in them.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...