Skip to main content

Mangkono


MADALING makatagpo ng mangkono, kasi’y napakaraming umuusbong na bakawan sa disyerto’t siksikan ang mga birhen sa mga bahay-putahan.

Pinakamatigas daw na kahoy sa bansa ang mangkono, Xanthostemon verdugonianus or Philippine ironwood… aabot sa apat na araw ang paglagare sa punong may bulas na 36” sa tindi ng tigas… masusumpungan sa pulo ng Dinagat sa Surigao, Homonhon sa Samar, Babatngon sa Leyte at sa mga dawag ng Palawan… nakapagsinop na rin ng mga binhi ang isang non-government organization sa Barangay Mascap, Rodriguez sa lalawigang Rizal… at maglilipat nga ng ilang punla sa paligid ng San Beda sa Mendiola… dead smack in the asphalt and concrete wilderness.

Cabinetry o paglikha ng muwebles ang libangan ng katotong pangulo ng bangko—na nagpahanap sa inyong imbing lingkod ng mangkono… kahit ilang piraso lang ang unti-unting tapusin, bawat isa’y ituturing na heirloom piece… pamanang kagamitan.

Ilang taon din kasing totoka ang Mangkokolum sa isang pulo na karatig ng Mindoro Occidental… mangangasiwa sa isang permaculture agro-forestry project… I’d be left mostly alone to my own vices, devising, devices… pero walang dapat ikabahala ang mga nangangamba na hindi na nila matutunghayan ang pitak na ito… hindi na ito panahon ni Henry David Thoreau na magmumukmok at magmumuni sa Walden Pond… unang yugto ito ng siglo ng global interconnectivity…

Magpapanayam pa nga—sa unang linggo ng Pebrero-- sa isang pulutong ng kabataan ukol sa jungle survival… aba’y halos 90% na lang ang nalalabi sa mga dating kagubatan sa bansa… wala nang matatawag na virgin forest—ginahasa nang lahat… so I’m stumped at the idea of jungle survival since our jungles are in their death throes and people who get lost in such wrecked parts of the geography shouldn’t be there, and have no business being there… unless they’re doing permaculture or reforestation.

Sinadya kamakailan ang lunan na lalatagan ng proyekto… matitindigan kahit kapirasong dampa… nagliliwaliw sa paligid ang lawak ng lupa, masuyong halihaw ng hangin, marikit na liyab sa magdamag ng mga bituin… may malapit na sasalukan ng tubig… if there’s a minutiae of chance to get such a project off the ground and soaring, that wee part is the spark of fire that sets everything in the part into a blaze… that wee part is me who won’t wait for things to happen… I happen to things… Homo doctvs is se semper divitias habet… a wise man will make more opportunities even if such cannot be found.

Napansin ng mga kasamahan na pinakamagaan, pinakamaliit ang bitbit kong dalahin nang magtungo kami doon… sa anumang paglalakbay, kailangang pinakamagaan ang dalahin… Omnia mea mecum porto… sabi nga’y taglay ko kung ano lang ako… napakagaan talagang magkipkip ng tala-talaksang kaalaman sa sariling laman…

Hahango lang po ng dagdag pang kaalaman mula sa masuyong pakikipag-ugnayan sa lupa… aba’y sakdal sa tibay at tatag ang mangkono dahil sa kakaibang kakayahan nitong humitit sa lahat-lahat ng metal mula dibdib ng lupa…

Ah, metal mettle won’t come to those ensconced in comfort zones…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...