Skip to main content

तगालोग एडिटर वांटेड

Wanted: Tagalog editor

DAGDAG na kulubot at lubot sa Year of the Metal Rub It, o ikiskis kung ‘di kayang isiksik.

Katuwaan na lang ang subok na padala ng resumè sa nangangailangan raw ng patnugot para magkatam-kinis sa mga sulatin ng kanilang kawan ng tagasulat… sawa na kasi sa hanap ng papasukan—muwang, guwang, puwang, o luwang-- ipinaubaya na sa papasukan ang paghahanap sa ‘kin… nakangisi nang makahulugan ang Benny Antiporda at Roy Mabasa… parang ligawan: sa halip manligaw, magpaligaw, turn the tables on ‘em then smash those tables on their heads.

Pasintabi na Ka Jerry Yap… pero wala rin po akong balak na mapasama sa mga maghahasa sa mga mag-aaral ng peryodismo sa National Press Club… journalism isn’t taught, it’s fought in our strangled neck of the woods… and those wannabe journalism professors and toddling journalists might as well be sent to boot camp for a year to appreciate the basics of infantry engagement… the four F’s—find ‘em, FIX ‘em, finish ‘em, fu.. ‘em… which is what journalism has become hereabouts that has turned the Philippines into the world’s most dangerous place for knowledge workers.

‘Yung pasulatan yata na nagpatalastas sa Jobstreet.com naghahagilap daw ng editor sa mga sulating Tagalog… dalawa-sampera na po ang mga patnugot sa naturang wika, madali nang magsalpak ng kahit sinong sampay-bakod sa ganyang trabaho… marami ngang sumasablay na sa sahod, asahang dadagsa sa inyo ang bata-batalyong aplikante, lalo na ‘yung mga walang tahid at wala pang sungay…

Pero sa mga tulad kong may sungay—horny as hell, too—na Diablolo na ngayon, tiyak na susuwag at susuwag.

The trouble with grizzled veterans and also-rans is that their level of skills or incompetence can command higher pay…

And as the slaughter of writers in the infamous November 2009 Ampatuan Carnage points up, writing is tantamount to crime that doesn’t pay… uh, certain crimes like plunder and graft have been upheld by the Ombudsman as the sort of felony that pay handsomely after plea bargaining deals.


Nakakalungkot pa nga na sa isang bansang higit na sa may 95 milyon ang populasyon, wala pang limang milyon ang sama-samang bilang ng mga limbag na babasahin… kulang na cool ka na lang.

At kapag ganyan na kalaki ang populasyon na lulusong sa Taon ng Kuneho, baka ang peryodismo ay maging masinsinang tutok sa monthly period mismo ng kasiping… mas masarap na magsiping pero mahirap nang magsupling… make love, not babies.

Kaya ulitin natin ang isang payo sa mga naghahangad na pumalaot sa larangan ng pagsusulat ng mga ulat— there’s a lot more impact and a lot more rewarding to write ransom notes.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...