Skip to main content

Salamin

To love another is to see the face of God.”
Les Miserables

BITBIT ng tatlong anak na lalaki ang kani-kanilang kasuyo sa binyag ng apong Oyayi, ipapakilala marahil sa angkan ang angkin… hinayupak talaga si Andrew E., napakaraming sinulsulan na “Humanap Ka…”

Married I am to a campus beauty queen who graduated at the top of her class
, kaya talagang makukutusan ang Andrew E. kapag nagkita kami sa Las Piñas.

Teka muna, sariling sukat at sipat ang inilalapat ng titingin sa kariktan… dizzying beauty fills the eyes of a beer holder, alak pa! Para hindi na kayo gumastos sa santambak na cosmetic beauty treatments, injections and processes that inflict so much pain and drain on income… ply me with spirits.

And there’s a beyond organic fusion of body and mind—
anuman ang itakda ng diwa sa katawan, tatalima na walang pasubali… Get a grip on the mind, the body acquiesces in utter surrender.

Maliksi ang diwa, maliksi pati katawan… batugan ang ulirat, inutil lumilitaw ang katawan… gunggong ang isipan, mangmang lalabas pati katawan. Kahit naman sa karatedo, 75% ang pagpanday at tuloy-tuloy na pagsasanay sa diwa’t isipan… 25% lang sa katawan—lagi kasing nananaig sa salpukan ang may matipuno’t matatag na isipan.

So when my mind can go at will between a beloved’s ears, it goes without saying that I’ll proceed with my body to go between her thighs… and I will see a reflection of myself in the vision of the beloved.

At makikita nila ang kanilang sarili sa ‘kin.

An’dami naman kasing matutuunan ng masuyong pagtingin, lalo na kapag nabatid, natiyak na iisa at hindi hiwalay ang katawan sa kamalayan.

Astig ang pusang Miaozedong, tindi ng lupit sa pagsila’t lapa ng daga, bubuli, ibon… laging tumatabi sa ‘kin sa pagtulog, parang bola ng busilak na bulak na isisiksik ang sarili sa gawing puson ko, masasal na tugtog ng kubing o Jew’s harp— purr, purr, purr-- ang mauulinig sa katawan niya kapag himbing na… and she’s one possessive pussy, dinadamba’t kinakalmot ang mga kapatid na makikitang hinahaplos ko o naglalambing sa ‘kin.

Plant breeder Luther Burbank claims that plants have over two dozen sense organs… so this sinking feeling that the stand of Chinese bamboo on which I do daily drills on wuyiquan, those bamboos are likely enjoying all that steely caressing, fondling, all such razzmatazz in an intimate interface, even whispering something barely audible, “wishes, wishes, wishes, granted.”

And the lake on whose surface Narcissus contemplated his beauty wept, turning itself into a saltwater body of water: “I weep for Narcissus, but I never noticed that Narcissus was beautiful. I weep because, each time he knelt beside my banks, I could see in the depths of his eyes, my own beauty reflected.”

Whatever guise God wears can manifest, shine out in radiant glory in the eyes of the beloved… blessed indeed are the cross-eyed, they see God twice.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...