Apatnapung
araw—‘yan po ang tahasang katuturan ng kuwaresma na nagsimula nitong Pebrero 14
sa Miercoles de Ceniza o Ash Wednesday at magtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay o
Fiesta de Resurreccion o para sa mga gunggong, Easter Sunday.
Sa 40 araw na
singkad, may mga tahasang gagaya o medyo makikitulad sa pangingilin ng
Manunubos—hindi po sila mga kumag na magpapapako sa krus upang dumugin ng mga
turista’t usyoso. Sa loob ng 40 araw, uusalin nila ng 108 ulit bawat araw ang
kanilang iniingatang oracion ng kapangyarihan; uuntagin ng panalangin at ayuno
upang makapag-imbak ng poder, unti-unting magkamit ng buhay. At magkabisa.
Tahasang
nagtataglay ng poder o power ang bawat kataga—at tila tinting ng walis na
mabibigkis kapag binungkos. Kabbalah ang taguri sa kapangyarihang ito ng
tradisyong Hebreo; both martial and magickal arts of the orient recognize such
inherent powers of words, such acknowledgement goes by the term kotodama or
kototama (言霊). Likewise, the Scriptures call such power that can move men and
mountains as rhema—the word can take flesh and dwell amongst us, or as Winston
Churchill would have it, “the words you use become your dwelling.”
Hindu
Scriptures—the Vedas—point up the capacity of words to generate, create or call
upon tulpa, thought forms or beings and entities that can bring both boons and
bane, whatever the invocant directs such tulpa to do.
Kukutuban na ‘yon
talagang tulpa ang pinagkukunan at nagpapatupad sa taimtim na hangarin ng mga
naghahasik ng bagsik sa bigkas ng mga makapangyarihang kataga. ‘Yung ubra kang
upakan ng rayuma o gayuma—para mamilipit sa sakit ng kasu-kasuan o mapilit ang
pinagnanasaan na makipagdaupang-ari, labag man sa kalooban.
Ubra ka ring
bigwasan ng maran mantra—‘yung iglap na kisay-patay ka na lang sa hindi
malamang dahilan.
Maaari ka
ring gamitan ng tinatawag na tigalpo. Unti-unti at suwabe kung pumatay ang
tigalpo, pakurot-kurot muna sa laman-loob at sa ulo, na para kang sinibat ng
migraine, manghihina. ‘Tapos, sisimulan nang utusan ang tubig sa iyong katawan
na malimas, at unti-unti ka nang matutuyot, maluluoy, mamamatay.
Remember Dr.
Masaru Emoto’s findings that prayers invoked upon ditch water caused molecules
of such filthy water to be purified while vile curses can turn even potable
water molecules to go out of whack. Remember that the human body is 70% water,
the all-too vulnerable target for healing or killing orisons. Yeah, prayers and
curses are a bundle of words that can somehow be rendered, imbued with powers.
May
magdidiwang sa kabuuan ng 40 araw ng kuwaresma. Mayroon ding maghahasa ng
kanilang diwa upang mahigitan ang talim ng labaha.
Comments