Skip to main content

KALBARYO NG BARYO



NEMATODA






1.    



Halaw sa ‘Lugmok na ang Nayon’ ni EDGARDO M. REYES

nematode. n. any of a group of elongated cylindrical worms parasitic in animals or plants or free-living in soil or water.
            -The Merriam Webster Dictionary 1974 edition

1.    EXT. RURAL DIRT ROAD. MID-MORNING.

Unti-unti, mahinang mahina munang pasok ng pinaghalong paksang himig—Theme from “The Sting,” ‘Tradition’ mula “Fiddler on the Roof” at ‘Sa Kabukiran’ nina Sylvia la Torre at Levi Celerio—na sasaliw sa tunog ng nayuyurak, nagugutay na mga tuyong dahon at tangkay ng halaman sa bawat bagsak ng mga hilahod na yabag, kasabay ng halos hagok, pagod-na-pagod na paghahabol ng hininga.

Kasintunog ng pagkaligis ang mga dahon at tangkay ang nangangabaling tadyang o pinapangal na sitsaron; habang tila hayok na hingal ng nakikipagtalik ang kasaliw na paghahabol ng hininga.

Sumisingasing halos ang lupa at bawat damo’t halaman habang nahihitit ng purgatoryong init ang taglay nilang tubig papailanlang sa ulap—matagal na pamamaalam ng tag-araw, nagbabanta nang humagupit ang tag-ulan… kasukdulan ng alinsangan.

Fata morgana o tila malikmata ang paligid sa umuusok-sa-init na pingkian ng papaalis na tag-araw at paparating na tag-ulan.

TAGASALAYSAY. (Habang nagpapahid ng kimpal-kimpal na sunblock lotion sa mukha-leeg-bisig. Nababagot.)

Malayo pa ba? May dalawang oras na yata tayong gumagapang, a. Baka hindi natin nalalaman, e, nasa Sahara Desert na tayo. O litson manok na tayo.

VICENTE. (Natatawa.)
                                    Malapit-lapit na.

KA TALYO. (Pasabad pero mahinahon, may halong panlulumo at tatag sa bigkas ng mga salita—waring banayad na itinataga bawat kataga.)
Malapit-lapit na ‘kong mayamot… Kangina pa ninyo dinadapurak ‘yang mga uhay ng palay… Eh, buntis na’ng mga butil. Papahinog. Dinurog n’yo. Maawa naman kayo sa mga kamay na umaruga sa palay. Buntis na nga… buntis na… hihilab na ‘yan. H’wag yurakan. Nakayuko na nga…

VICENTE. (Bahagyang nagitla. Titingin sa kasama, unti-unting yuyuko, ibababa ang tingin sa niyayapakan—mga uhay ng palay na hitik sa butil. Saka paigtad na aalis sa kinatatayuan.)
            Oops… Teka… teka…

TAGASALAYSAY. (Medyo inis. Ingunguso si Ka Talyo.)
            An’daming hinirit. Ano ba’ng problema nito?
VICENTE. (Andap.)
            P’re…
TAGASALAYSAY. (Naguguluhan.)
            Ano ba talaga?
VICENTE. (Hihilahin ang kasama paalis sa kinatatayuan nito.)
            Paumanhin na ho… Hindi lang ho napansin. Paumanhin na ho.

                        (Sa kasama.)
                                    Tena. Sa banda ro’n na tayo magpahinga.


Mahinahong nakahagod ng labahang tingin sa dalawa ang matanda. Nanunukat. Mataman ang panunuri. Napapailing habang sinusundan ng tingin ang dalawang paalis.

2.    EXT. RURAL DIRT ROAD. MID-MORNING.
Matuling hagibis ng ibong pugapog sa tayantang na papawirin habang manaka-nakang humihibik-gumigibik—tila paulit-ulit na “hirr-ap… hirr-ap… hirr-ap” o ‘cheer up… here up… cheer up…” ang piyak ng ibon.
Marikit na mural—idyll or eden—ang nakatambad, tila hubad na alindog ng mutya na nag-aanyayang makipagniig… tila guhit-Amorsolo na nabatikan ng dalawang hilahod na estranghero, pasalampak na umupo sa lilim ng ulilang puno sa gilid ng daan.
TAGASALAYSAY. (Bagot na bagot, walang katuturan ang angal, nagsasalita na wala sa loob ang sinasabi, basta maipagpag lang ang laway sa bunganga.)
Bored. Bored. Bored. Kahit saan ka tumingin dito, walang maganda. Walang matindi ang dating sa mata.
Ano ba ‘tong baryo ninyo? Parang hindi kasama sa ikot ng mundo. Nakulelat sa takbo ng progreso. Parang pusong hindi tumitibok. Parang ilog na hindi umaagos.
Walang wala—kahit signal ng cellphone… Walang heavy metal. Walang rock n’ roll.

Sa kalagitnaan ng pagbubusa ng TAGASALAYSAY, magsisimula ang mala-dalit na huni ng tuko… pagpagaspas ng mga kawan ng maya na hindi magkamayaw ang mayuming hiyaw… susundan ng awit ng kuliglig at nagluluksuhang lukton sa tayantang na damuhan.
The previous mood of muted ecstasy segues to a joyous paean.
            VICENTE. (Maglalabas ng kaha ng sigarilyo. Aalukin ang kasama.)
                        Chill ka lang, p’re. Darating din tayo.
            TAGASALAYSAY. (Kukuha ng isang stick na sisindihan ng kasama.)
Akala ko pa naman… great weekend hideaway sa Barrio Sapang Putol, whew… sa lakad pa lang, kalbaryo sa baryo.
Akala ko sa mismong kabayanan ang bagsak natin… maraming chicks… mapopormahan… laglag ang panty nila sa porma pa lang ng batang Maynila.
Akalain ko bang sa dulo ng walang hanggan ang baryo ninyo? Laglag pati bayag ko sa haba ng lakad pa lang…
Aba’y barangay na ang tawag sa mga baryo ngayon. Kayo, baryo pa rin ang ipinipilit. Ano pa bang lagim ang naghihintay sa ‘kin?
VICENTE. (Mapapangisi sa walang humpay na reklamo ng kasama. Masusulyapan ang kanyang relos. Inot na titindig.)
            Mag-aalas diyes na. Tena’t nang umabot tayo ng tanghalian. Nagugutom na ‘ko.
            TAGASALAYSAY.
Ako? Uhaw na uhaw na uhaw. Hindi ko ipagpapalit kahit nakabukakang Anne Curtis sa sambasong tubig na malamig na malamig.
            VICENTE. (Hagikgik.)
May lubluban ng itik at kalabaw sa tabi-tabi d’yan… Pamatid-uhaw sa lubluban ng kalabaw!
            TAGASALAYSAY. (Pabiro.)
                        Hayupak kang animal ka!
            VICENTE. (May ituturo.)
                        O, nakikita mo’ng krus na ‘yon?
            TAGASALAYSAY. (Itutuon ang tanaw sa itinuro.)
                        Krus nga… An’taas na nitso. Sino’ng nakalibing do’n?
            VICENTE.
                        Ulol! ‘Yon ang kampanaryo ng simbahan sa amin. Malapit na tayo.
            TAGASALAYSAY.
                        Malapit nang ano? Ilibing?
            VICENTE.
                        Ulol!

3.    INT. / EXT. FLURRY OF VIGNETTES. AFTERNOON.

VICENTE. (Voice over-- professorial rather than conspiratorial in tone.)
Kani-kaniyang diskarte lang ‘yan. May nagbibigay, may bumibigay. Kailangan lang, ibabagay ang diskarte. Para tiyak na bibigay.
            FADE IN TO:
            INT. PASSENGER BUS.
                        MANGANGARAL. (Habang namumudmod ng sobre sa mga pasahero.)
Mahalagang bahagi po ng pangangaral ang paglikom ng inyong kaloob na love offering. Para maipagpatuloy natin ang gawain ng Panginoon…
Asahan po ninyo na ang inyong kaloob ay babalik na siksik, liglig, at umaapaw!
PASAHERO. (Buntong hininga sabay kamot ng batok.)
Haay, talaga naman po ang ating Panginoon. Naging gawain ang koleksiyon…
            CUT TO:
            EXT. PORCH OF HOUSE IN MIDDLE-CLASS SUBDIVISION.
KAPURAL. (Kasama ang kawan ng talubata habang halos isungalngal sa mukha ng maybahay ang solicitation letter.)
Kung ano lang po ang makayanan ninyo. Pambili ng uniporme ng team ng kabataan natin… Summer basketball league po. Mas magaling na itulak natin sila sa sports para iwas-droga at masamang bisyo.
MAYBAHAY. Taun-taon na lang ‘yang palit ng uniporme… Ba’t hindi na lang ba magtanim ng mga puno’t maglinis sa buong subdivision. ‘Di ba summer activity ‘din ‘yon?
            CUT TO:
            EXT. SIDEWALK PORTION OF CUBAO THOROUGHFARE.
                        POKPOK. Pogi, halika. Check in tayo.
                        PAROKYANO. Magkano?
            CUT TO:
            EXT. CURBSIDE PORTION OF SAME THOROUGHFARE.
TRAFFIC ENFORCER. Traffic obstruction. ‘Yon ang violation. Hihirit ka pa? Lisensiya mo.
TSUPER NG DYIPNI. Ser naman, nagsakay lang ako ng pasahero. Ayusin na lang natin, ser.
            CUT TO:
            INT.  POSH OFFICE THAT THROBS OF POLITICAL POWER.
                        AREGLADOR. (Passionless. Conversational.)
Plantsado na po ang mga NGO na makikinabang sa inyong pork barrel. Pati po anik-anik na proyekto na gagastusan ng pondo.
Pirma na lang ninyo ang kailangan para mailabas na ang pondo sa Special Allocation Release Order… ‘Yun pong SARO ng Budget Management Department…

SENADOR. (Eyebrows crossed, piqued.)
P50 million lang ang mapupunta sa ‘kin? What do you take me for? Just another conduit for your schemes?

AREGLADOR. (Placating.)
Gawin po nating P60 million.

SENADOR. (A la ‘Who Wants To Be A Millionaire’ contestant.)
P80 million. And that’s my final answer.

            CUT TO:
            DESERTED INNER CITY ALLEY.  ARMED ROBBERY IN PROGRESS.
                        TUTOK-KALAWIT. (Sakal-sakal, nakatuon sa leeg ng hinoldap ang patalim.)
                        H’wag ka nang papalag. Pera-pera lang ‘to. 

            CUT TO:
            DIM-LIT VIP ROOM OF AN EXCLUSIVE ENTERTAINMENT CLUB.
BIDS & AWARDS PANELIST. (Deadpan mode.)
P300 million ang total project cost. Palalabasin natin na P500 million. Apat kayong pre-qualified bidders. Siguruhin lang natin ang winning bid… Kayo na ang sumalo ng kontrata.

                        KONTRATISTA. (Sober.)
                        So we bid P500 million.
                       
                        BID & AWARDS PANELIST.
                        Gawin n’yong P600 million. Paghatian natin ang pasobra.

                        KONTRATISTA.
                        60-40?

                        BID & AWARDS PANELIST.
                        70-30. Seventy percent for the boys. Trenta sen’yo.

                        KONTRATISTA.
                        Deal…

                        BID & AWARDS PANELIST.
                        Done deal. Kaya mag-down payment na kayo. This week?

CUT TO:
INT. PASSENGER BUS.
Nakasupalpal halos sa harap ng kamera ang contract of service ng punerarya habang pahikbi-hikbi namang nakikiusap ang nangingilak ng abuloy.

                        NAMATAYAN. (Marahan.)
Maralita lang po kami. Walang maipagpalibing. Kaya naglakas-loob na po kaming kumatok sa inyong bulsa…

4.    EXT. RURAL DIRT ROAD. MID-MORNING.
Mayuming pamumulaklak ng mga nagaganap sa tabing-daan ang ilalahad, tumatambad na hindi pansin ng dalawang naglalakad.

Tagni-tagning tagpo ng tiwasay, taimtim at puspos ng sigla’t layuning pamumuhay ang paisa-isang ilalantad. Mungkahi lang po, na maging kabilang ang mga sumusunod:



  • ·         3 talubata o binatilyo, nakasampay sa balikat ang balagwit (bamboo carrying pole), subsob sa kanilang pagdidilig ng mga puno ng pakwan, halakhak wari ang lagaslas ng tubig na bumubuhos mula sa pasan nilang tuong (tin pails);
  • ·         Dalaginding na sumasalok ng tubig sa balon, sa paligid niya’y may dalawa pang abala sa pagbabanlaw o pagpalu-palo ng labada;
  • ·         4-5 paslit na nakahanay na nanunungkit ng kamatsile, pero kawangki ng mga sundalong nagtitindig ng bandila sa Iwo Jima o mga sinaunang mandirigmang nakaumang ang mga sibat;
  • ·         3 matanda, namamaybay sa pilapil, pasan sa balagwit ang bungkos ng damong pakain sa kambing o kabayo;
  • ·         2 musmos, namimingwit ng palaka sa kulumpon ng damo sa gilid ng lubluban ng kalabaw;
  • ·         Matandang lalaki na nagsasaboy ng darak sa ‘di-magkamayaw na kawan ng pato…


TAGASALAYSAY. (Hingal.)
Masusulit ba ‘tong todo parusa natin? Manghihingi ka ‘kamo ng panghanda sa kasal ng Kuya Selmo mo.
Eh ano ba naman ang mapipiga mo sa ganitong lugar?

VICENTE.
Basta. Makikita mo na lang ‘pag nariyan na.

TAGASALAYSAY.
Nakikita kong lugmok sa hirap ‘tong nayon ninyo. Parang naghihingalo. Namumulubi. ‘Tapos, hihingan pa.

VICENTE.
Wala ka kasing paniwala.

TAGASALAYSAY.
Hindi ba nakakahiya ‘tong gagawin natin? Dumayo pa tayo nang pagkalayu-layo para manghingi lang.

VICENTE.
Hindi tayo deretsahang hihingi. Ibabalita ko lang na ikakasal si Kuya Selmo sa Sabado. Alam na nila ‘yon.

TAGASALAYSAY.
Gano’n lang?

VICENTE.
Gano’n lang. Kasi nasanay na silang lapitan ng mga tagabayan at ng mga taga-Maynila. Banggitin mo lang na may pabinyag ka.. pakasal.. graduation… basta okasyong may handa, alam na nila ang sadya mo.

TAGASALAYSAY. (Mapapailing.)
Kahit pa mamulubi sila? Aba naman… masahol pa sa kidnap ng Abu Sayyaf. Kahit walang hostage, laging may ransom payment.

VICENTE. (Ngising-aso ang itutugon sa kasama.)
Kina Tata Pilo muna tayo.

TAGASALAYSAY.
Ano n’yo ‘yon?

VICENTE.
Pinsang buo ni Nanay.

5.    EXT. RURAL DIRT ROAD. DAY.
Approach to a weather-beaten rustic hut ringed by cropped kakawate trees in full flowering… a trellis groaning with gourd fruits occupies the hut’s rear parts… onle side has a bulging fat haystack with a carabao and its calf lazing on their sides, chewing cud. Beneath the house is a helter-skelter array of farm tools and implements… a sow and its young wallow in an adjacent open sty beneath the batalan/hearth.

A huddle of birds— chickens and turkeys—raking, pecking for food tidbits on the ground are shooed off as the visiting pair walks toward the hut’s frontage.

            TAGASALAYSAY.
Wala yatang tao.

VICENTE.
Baka nanananghalian. Gulatin natin.
Stealthily, carefully VICENTE climbs the steps of the bamboo ladder leading to the hut’s inner part.        
6.    INT. TATA PILO’S HUT. NOON.
Bamboo slat floor, thatched bamboo walls. A family of nine—NANA BURO, 45; TATA PILO, 50, and their brood of seven children—in a squat before a low table/dulang, heartily partaking hand-to-mouth their humble fare, a mound of boiled eggplants with bagoong dip slathered over heaps of steaming rice.

VICENTE.
Huli kayo!

Family freezes in a tableau of surprise as camera lingers briefly on each face.

            TATA PILO. (Surprised but genuinely pleased.)
            Aba, si Inte!

Magtatayuan ang pamilya, sabik na sasalubong sa bagong dating. Mababakas ang tuwa sa mukha ng mga taganayon, waring nalimutan  ang TAGASALAYSAY na mapapako ang tingin sa kaang o banga ng inumin.

            NANA BURO. (Thick accent.)
            Ang laki mo na, Inte! Ilang taon na ba kayong nawala dito… higit sampu na yata.

TATA PILO.
Napag-usapan namin kayo nito lang nagdaang linggo, ay, ano na ba ang kapalaran ninyo sa Maynila… Teka, hindi ba naman nagkakasakit ang nanay mo?

VICENTE.
Hindi naman po. Iba po talaga ang tubong bukid. Matibay sa sakit.

NANA BURO.
Eh, kumusta naman ang tatay mo?

VICENTE.
Bodegero pa rin po sa tablerya.

TAGASALAYSAY. (Mapapalunok.)
Uhurmm… uh.

VICENTE.
Ay, ito nga po pala ang aking kaibigan at kaklase sa Maynila…

Ipapakilala ni VICENTE ang kasama, na halos mapangiwi sa sakit sa bawat pakikipagkamay, pati na sa dalaga ng pamilya—likas na malakas, mariin at matatag ang gagap ng kanilang palad.

            TATA PILO.
‘Dale, ‘intay muna kayo sa loob. Tatapusin lang naming ‘tong pagkain at nang maipaghanda naman namin kayo. Gutom na gutom na siguro kayo ‘no?

TAGASALAYSAY.
At uhaw na uhaw po.

TATA PILO.
Ay, Ising. Tubig nga dine.
Dadalhan ni ISING ng isang pitsel ng tubig at tig-isang baso ang dalawang bagong dating. Papasok muli ang dalaga sa kalooban ng bahay. Hagom na magsasalin ng tubig sa baso ang TAGASALAYSAY, tutungga na hindi magkandatuto.

            VICENTE.
            Utay-utay lang, p’re. Baka tamaan ng lamig ang sikmura mo, ‘hala ka.

            TAGASALAYSAY. (Mahihimasmasan matapos makaubos ng tatlong baso.)
Hindi ko gusto ang lasa ng tubig. Parang nilanguyan ng mga kiti-kiti. Pero ito na ang pinakamasarap na inom na naranasan ko.

VICENTE.
‘Pag walang pagpipilian, sige na lang.

TATA PILO. (Pangungunahan ang dalawa sa isang panig ng bahay.)
O, dito muna kayo.

7.    INT. TATA PILO’S HUT. DAY.
VICENTE is seated atop a palay-filled sack plopped upright on a house post, TAGASALAYSAY on a makeshift bamboo chair, uneasily surveying the hut’s interior, sight panning from the bamboo slat floor; the joists and joints that hold the entire structure together… his eyes settle on a sawali wall pasted with a compendium of religious icons—the Holy Family, the Virgin Mary, a crucified Christ, a St. Christopher bearing the Christ child on his shoulder—old calendars with profiles of grinning politicos and yellowed pictures of movie stars snipped off magazines… idols all enshrined in near-chaos on a fragile wall dusted with the leavings of powder-post beetles, evident but unseen.

8.    INT. TATA PILO’S HUT. DAY.
TAGASALAYSAY latches his sights on the household’s sanctum sanctorum of sorts, the silid, not a room but more of a closet where mats, pillows, and blankets are stacked in the cramped space. After a few beats, the pained cackle of a hen caught and killed.

            VICENTE. (Matter-of-factly.)
            Bukas na’ng uwi natin.

                        TAGASALAYSAY. (Mildly jolted from his musings.)
                        Ha? ‘Kakabigla ka naman. Sabagay, may pasok tayo bukas.

                        VICENTE.
O, e ano? Sa hapon pa naman ang pasok natin. Marami tayong gagalain dito. Sa ganitong lugar, ‘pag napasyal ka, kahit sa pinakamalayong kamag-anak, dapat kang magpakita. Kung hindi, tiyak na maghihinanakit sa ‘yo. Meron ka ‘ikang tinitingnan at meron namang tinititigan.
9.    EXT. BATALAN OR BATH CUM HEARTH. NOON.
Focus on a pair of hands hurriedly plucking, fleecing, plucking off feathers of a scalded, freshly killed spring chicken.

Soft crackle of burning twigs and firewood on the nearby hearth.

After a few beats, cut-up pieces of the chicken are gently placed into a kawali bubbling with oil. Sizzle and crackle of chicken parts getting fried sound faintly like a pained cry.
           
           
10.  INT. TATA PILO’S HUT. NOON.
VICENTE and TAGASALAYSAY before a low table—the dulang—stuffing themselves with rice and fried spring chicken.

The youngest female child, stares at the food cravingly, achingly as ISING nudges her to move out. TAGASALAYSAY catches sight of the child, feels a pang of guilt wash over him as ISING leads the child out.

TATA PILO , seated on an adjacent window ledge watches with disinterest at the entire proceeding.

                        TATA PILO. (Good-naturedly.)
                        Kumusta nga pala’ng Kuya Selmo mo? ‘Di pa ba nakakaisip mag-asawa?

VICENTE. (Swallows. A usual rigmarole now begins with just a wee melodrama to push it in.)

‘Yon nga po kaya kami napasugod ditto, Kasal po ni Kuya Selmo sa Sabado. Pasabi po ni Nanay, kung makakaluwas daw kayo…
TAGASALAYSAY glances at VICENTE, nails him with less than a glare, then, seeks out the hunched figure of TATA PILO on the window sill.
TATA PILO lets out a sigh of surrender, like a vassal told that the landlord has politely demanded his tribute. A few beats of sullen silence ensue before the old man proffers a lame excuse.
            TATA PILO.
Ay.. gustuhin man naming dumalo sa kasal ng Kuya Selmo mo, hindi talaga uubra. Kahit ‘kakatapos lang gumapas ng palay, matagal nang nakagayak ang may sandaang butas ng pakwan…
Alam naman siguro ng Nanay mo ang buhos ng trabaho sa pakwanan. Dilig sa umaga para hindi matayantang. Dilig sa makatanghali para hindi ba maluoy..
Ay, napakasiba sa tubig niyang pakwan, napakasiba..

VICENTE. (Unconvinced.)
Eh, kahit po sana si Oding o si Ising ang humalili sen’yo.

TATA PILO.
Ay, parang gano’n na rin nga ang ginagawa nina Ising at Oding.

11.  EXT. TUMANA/SPREAD OF FARMLAND PLANTED TO VEGETABLES. MID-MORNING.

ISING and two of her younger brothers are on their haunches, weeding and loosening the soil in beds of pechay.

At a near distance, ODING pours water on a row of plants with a pair of tin pails slung on a pole across his shoulders.

            TATA PILO. (Voice over.)
Toka sina Ising at Oding sa petsayan. Mahigit 30 banig din ang inaasikaso ng mga bata. Mga sambuwan din silang susubsob do’n—hanggang makaani ba.

Bago man lang pumasok ang tag-ulan, baka makahugot pa ng magandang ani ng petsay.
12.  INT. TATA PILO’S HUT. NOON.
TATA PILO and newcomers passing palaver in laid-back manner.

            TATA PILO.
Ganire talaga sa paglulupa… para kang kalabaw. Isosoga sa walang patlang na gawa dito, gawa do’n. Walang puwang sa oka-okasyon.

(Pauses.)

Eh, kumusta naman ang pag-aaral mo, Inte?

                        TAGASALAYSAY.
Kung hindi po magluluko, baka dalawang taon pa’y meron na kayong pamangkin na tapos ng kolehiyo.

VICENTE. (Ingunguso ang kasama.)
Pareho lang po kami.

TATA PILO. (In a voice tinged, stirred with joy and pain.)
Mainam pala kayo’t magsisikarera na. Sa mga batang ‘to’y ‘ala ni isang nakatuntong man lang ng heskul. Kelayu-layo kasi ng bayan—sa lakad lang e ‘di tatagal ang bata.
‘Yon namang pangako ni Gobernador na maglalagay raw ng isang esk’welahan dito, naging Hesukristo. Pangakong lungayngay sa pagkakapako.
(Notices that the pair are nearly finished with their meal.)
Ay, umidlip muna kayong dalawa’t nang makapahinga. Mamaya’y pasasamahin ko si Oding sen’yo. Halos buong nayon ng Sapang Putol ang iimbitahan n’yo sa kasal ni Selmo.
13.  EXT. FAÇADE OF ANOTHER RUSTIC ABODE. AFTERNOON.
ODING, TAGASALAYSAY and VICENTE in animated chatter at the gate with an assortment of kith and kin, to be presented in a series of cuts.

            FEMALE RELATIVE. (Beaming.)
Salamat naman at naalala ninyo kami. Ay, ibigin man ng Tata Poncing mo na lumuwas, hindi rin talaga magagawa. Nataon kasi sa pananalok ng mangga.

Hali muna kayo sa ‘taas nang makapagminindal…

Ay, laking tuwa ng Tata Poncing mo kung dito na kayo magpapalipas ng gabi. Marami kayong mapaghuhuntahan…

            CUT TO:
                        ELDERLY RELATIVE. (Pleased. Grinning a toothless grin in genuine mirth,)
Diyaskeng Selmo ‘yan. Ay, ikakasal na pala! Hindi mo naitatanong, aba’y ako mismo ang tumuli sa Kuyang Selmo mo—apat na pukpok ang inabot bago naghiwalay ang lamad… gayot na ang damuho!
Aba’y parine muna sa loob at nagluto ng inangit ang pinsan mo… Walang inangit sa Maynila…
Ay, kung hindi lang kayo marami pang kaanak na pupuntahan, maski dito na kayo maghapunan at matulog mamaya…

            CUT TO:
            Husband-and-wife tandem weaving bamboo baskets.
                        HUSBAND.
Mainam naman at lalagay na pala sa tahimik ang Kuya Selmo mo. Pero paano ba naman kaming makakadalo niyan, eh, hindi nga magkandaugaga dito sa paglala ng kaing?

WIFE.
Nadagdagan kasi ang mga biyahero ng gulay na humahango ng kaing sa ‘min. Daan kung pumakyaw. Kailangang tustusan.

HUSBAND.
May salabat at nilagang kamote sa loob. Halina dine’t magminindal muna tayo.
           

CUT TO:
                       
CUT TO:
DALAGITA.
Nasa palayan po sa hulo sina Nanang at Tatang. Nakikigapas po. Takip-silim na po ang uwi nila.
Ay, tiyak pong matutuwa sila na ikakasal na pala ang Tata Selmo..
Pasok po muna kayo dine. Meron pong binatog—kahahango ko lang po.
           
CUT TO:        
            GRUMPY OLD MAN. (In feigned outrage.)
Kami ‘kamo? H’wag na h’wag daw kaming mawawala sa kasal ng Kuya Selmo mo?
                        Eh, kung magliyab ang simbahan kapag pumasok ako sa loob niyon?
Eh, kung sumpungin ako sa Maynila ng hika’t doon na ‘ko matuluyan? Sino pa ang aasikaso sa mga alaga kong pabo at pato? Sino pa ang gagawa ng puting keso mula gatas ng mga kambing ng Sapang Putol?
Alam naman ng Kuya Selmo mo—makasinghot lang ang ilong ko ng usok ng sigarilyo o buga ng tambutso, sinusumpong na ‘ko ng hika… lalo pa kaya sa Maynila?
Hale, hale, parine muna’t meron ako ditong sumang malagkit… bagay na bagay sa puting keso... Mas mainam nga kung dine na kayo magpalipas ng gabi, o, ano ha?
            CUT TO:
                        OLD LADY.
Sabihin mo sa Kuya Selmo mo. Nagtatampo na ang kanyang Nanang Oryang. An’tagal-tagal nan i hindi nakita ang anino man lang niya dito…
Tapos, ikakasal na pala’t lahat, hindi pa rin sisipot? Ni hindi namin makikilala ang mapapangasawa niya…
Hu, magminindal nga muna kayo. Meron tayong nilagang gabi dine.

14.  EXT. ALONG A RURAL DIRT ROAD. LATE AFTERNOON.
VICENTE, TAGASALAYSAY and ODING trudge on.

            TAGASALAYSAY. (Still struck with amazement.)
            Suko na po ako sa inyong lahat. Sa lahat-lahat ng Sapang Putol…

            Bawat isa, hahatakin ka pilit para magpakabundat. Lahat, may ihahain sa ‘yo.
           
Lahat ng kaanak ninyo na pinuntahan natin, gustong sa kanila tayo magpalipas ng gabi… Saan ko naman ilalagay ang katawan ko? Nag-iisa lang ako.

ODING.
Tara, Kuyang Inte, Sumaglit muna tayo sa ponda ni Eda.

VICENTE.
Sino’ng Eda?

ODING. (Dreamy.)
Siya ang mutya ng Sapang Putol. Pinakamagandang dalaga ng nayon.

15.  EXT. MAKE-SHIFT ROADSIDE STALL. BEFORE DUSK.
Itatambad ang hanay ng paninda: ilang kaha ng mga pinakamurang sigarilyo; ilang bote ng softdrinks at gin; tatlong garapon ng hopia at biskwit; isang garapong kendi at sitsirya.

Nasa maikling bangko ang tindera, kaharap nina ODING, TAGASALAYSAY at VICENTE na nakalikmo sa isang mahabang bangko, paunti-unti sa paglagok ng soft drinks habang panakaw na hinahagod ng tingin ang nag-uusap na sina ODING at EDA.

Sa paningin ng TAGASALAYSAY, dahan-dahang ilalantad ang kakaibang ganda ni EDA:

Buhay na buhay, may ligwak ng liyab at malalim na damdamin sa bilugang mga mata;

Lampas-baywang ang ladlad ng likas-sa-kinang na buhok;

Makopa’t hinog na ratiles ang mga labi at pisngi;

Nakaumbog ang mga masel mula sa manggas ng damit, bihasa sa araw-araw na pagbubuhat ng bigat;

Sunog sa araw ang mga bisig, nakabakas ang mga naghilom na suson-susong galos at halas mula samut-saring gawain sa bukid;

Pudpod na tabako ang mga daliri, maligasgas na tulad sa construction worker;

Pipis, wala sa hubog ang dibdib na parang sinupsop hanggang matuyot ng taun-taong tag-araw;

Kawangki ng troso ang mga binti na batbat din sa mga bakas ng halas at pilat na inilagda ng mga gawaing itinakda ng pagbubukid….

TAGASALAYSAY. (Sa sarili.)

Animal ang dating… animal talaga… Pero hindi puwede sa rampa, kahit sa beauty contest… Alangan.

Sa bukid, oo. Sa bukid. Talagang nahuhubog ng matinding trabaho pati na anyo ng tao, pati tindig, pati lakad… pati ganda…

16.  INT. BAHAY NI TATA PILO. KALALIMAN NG GABI.

Dinig mula sa labas ang masigabong huni ng samut-saring kulisap at mga palaka, pati mayuming ihip ng hangin.

Himbing na ang lahat, puno sa mga nakahilatang katawan ang kabuuan ng bahay—sa gawing loob nakahanay ang mga babae, sa dakong labas ang mga lalaki, pawang nasa sahig.

Sa dilim, tila mga nitso sa libingan ang anyo ng hanay ng mga kulambo na nakalukob sa mga natutulog.

Katabi ni VICENTE ang TAGASALAYSAY, na hindi pa dinadalaw ng antok… saklot ng pagmumuni-muni.

                        TAGASALAYSAY. (Sa sarili.)

                        Sapang Putol… Sapang Putol…
                        Marami pang sisibasib
                        Sa dagta ng iyong dibdib
                        Huhuthot na walang patid
                        Sa bunga ng iyong pawis…

                       
Sapang Putol… Sapang Putol…
                        Nabibihis ng dalita.
                        Kahit lugmok, nagluluksa…
                        Kalbaryo ma’y tinutugpa
                        Nagsasaboy ka ng tuwa.

                        Sapang Putol… Sapang Putol…
                        Sinasaklot  man ng dilim
                        Laging kapit sa patalim…
                        Hinding-hindi masisiil
                        Sa liwayway na darating….

17.  EXT. BARRIO DIRT ROAD LEADING TO TATA PILO’S HUT. DUSK/DAWN.
Panoramic view of the dirt road. Dusk gives way to dawn revealing silhouettes of peasants, each bringing whatever whit of bounty from the land, in a rite-like procession leading to the abode of TATA PILO.

Faint streaks of light bathe the figures, the trees, low-growing grasses and vegetation lending these sparkles of gold.

Robust crowing of roosters perched atop fences and tree branches.

18.  EXT. OPEN-AIR HEARTH/BATALAN OF TATA PILO’S HUT. EARLY MORNING.

TAGASALAYSAY vigorously rubs, splashes water on his face as if in an attempt to rinse out the images of dearth burned deep in his eyes.

            TATA PILO. (Off camera.)
Napasarap ang tulog n’yong dalawa. Dulog na dine sa dulang. Sumubo kahit kaunti bago gumayak pa-Maynila.

VICENTE. (Off camera.)
Gustong gusto ko ‘to, Tata. Umuusok na sinangag… pritong tuyo… kamatis. Parine na, p’re. Baka mapunit ang mukha mo sa sobrang hilamos.

TAGASALAYSAY stares wide-eyed at the wooden tub of water, then, buries his face in it.

19.  EXT. FRONT PORTION OF TATA PILO’S HUT. EARLY MORNING.
A throng of kith and kin have gathered at the foot of the bamboo stairs, each one a magus with gift to be given to their visitors from the city.

The gifts—or ransom—are ranged in a neat row… a sack of rice; a trussed-up young pig; two dozen chickens bundled together; two plump goats; eight ducks; two turkeys, and two buri carry-alls bursting like cornucopia with an assortment of vegetables.

Waves of cheer permeate through this gaggle of kindred gentle souls as they engage in passing banter.

TATA PILO, VICENTE and TAGASALAYSAY emerge from the inner portion of the abode.

                        TAGASALAYSAY. (Surprised at the sight of what the people brought.)

                        Pa’no natin madadala lahat ‘yan?

VICENTE. (Passionless. Never really giving a thought to the significance of his words that somehow point up what milking cow is.)

Ginagatasan pa ‘yung inahing kalabaw. Pagkatapos gatasan ‘yon, isisingkaw na ni Oding sa kariton. Ihahatid tayo hanggang sa terminal ng bus sa bayan.

20.  EXT. RURAL ROADSIDE. MORNING.
A carabao is yoked to a cart laden with the produce of Sapang Putol. ODING, with the reins, is seated on the cart’s front portion. TAGASALAYSAY and VICENTE are on the cart’s bed, among the gifts they are carting away.

The throng of kinfolk sees them off, each one beaming, full of sunshine.

VICENTE is all-smiles like a campaigning politico.

TAGASALAYSAY still wracked with quaint guilt, unable to look at the kinfolk with a straight eye.

                        VICENTE. (Sounds a tad like a traditional politician.)
                       
Salamat. Maraming marami pong salamat. Makakarating po ang pagbati ninyo kay Kuya Selmo at sa kanyang magiging asawa.

NANA BURO.
Kumusta na lang sa kanila.

FEMALE RELATIVE.
Sabihin mo sa nanay mong dalawin naman kami. Bilin ‘kamo ng Nanang Puring…

ELDERLY RELATIVE.
Pagdamutan na ‘kamo nila ang aming nakayanan…

GRUMPY OLD MAN.
Hindi man kami makaluwas sa Maynila, merong mula Sapang Putol na dumarating sa Maynila… sasaglit sa kusina… tutuloy sa sikmura…
                       
21.  EXT. RURAL DIRT ROAD. MORNING.

Intermittent creaking of cart wheels sound like a moan as the cart leads off into the horizon, into a vanishing point.

Creaking fades as the going-away parallel tracks left by the cart are swept by a rising gust;  then, trampled by a herd of goats led by a boy shepherd; waddled over by a gaggle of ducks emerging from a pond to descend upon a barrio lass with a huge flat basket—a bilao—winnowing chaff from grain.

The idyllic scene freezes, as closing credits trickle in to the accompaniment of the allegretto movement—the fifth, suggesting happy and thankful feelings after the storm—of Ludwig van Beethoven’s Pastorale or Symphony No. 6.

                       

Comments

thulannguyen said…
Thanks for sharing, nice post! Post really provice useful information!

An Thái Sơn với website anthaison.vn chuyên sản phẩm máy đưa võng hay máy đưa võng tự động tốt cho bé là địa chỉ bán máy đưa võng giá rẻ tại TP.HCM và giúp bạn tìm máy đưa võng loại nào tốt nhất hiện nay.

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...