SA wikang Thai natalisod sa katagang “katha.” Katumbas pala ng mantra, oracion, dasal o panalangin na inuusal… may bisa pala para makamit ang anumang ninanais. May katha para matuhog ang dilag na nililiyag. May katha upang maging kaakit-akit sa paningin ng balana. Mayroon din para magkamal ng magandang kapalaran o maging magaang ang kabuhayan.
Nasumpungan din ang “katha” mula wikang Sanskrit. “Kamatayan” naman ang kahulugan. Katunayan, ang “Kamatayan na Tagapagturo” ang tuwirang kahulugan ng banal na aklat ng Persia na “Katha Upanishad.”
“Hari” ang katumbas ng “wang” sa salitang Chino—naging “Juan” nga sa Nueva Ecija ang apelyido ng mas nakararaming bilang ng mga Chino, kaya hindi maipagkakaila ang malalim na agos ng kalinangan at gawing China sa naturang lalawigan…
Sa dalawang kataga na pinagsanib—katha wang, katawan—mauungkat ang tahasang pag-iral at paghahari ng mga panalangin sa kabuuan ng katawan… tiyak mauulinig ang alingawngaw ng Banal na Kasulatan, “at ang Kataga ay nagkatawang-lupa at tumahan sa atin.”
Kidlat na liliyab sa isip ang katotohanan—tala-talaksan o bunton-bunton ng kataga talaga ang tinataglay ng mga himaymay ng laman sa ating katawan! ‘Yan siguro ang dahilan kaya matindi ang bisa ng dalangin… pati na karaniwang pangungusap. Tumatalab sa laman. Tumatagos sa buto.
Paniniyak ni Lewis Carroll: “Gumagamit tayo ng mga salita katulad ng paggamit ng mga salita sa atin.” Sa madaling salita, bungkos lang tayo ng mga salita.
At inuungkat natin sa ating katawan kung anu-ano ang mga ibinuhos, isinalin na mga dalangin upang higit pang tumingkad ang mahika ng mga pagpintig, kislot at kilos ng… ah, katawan.
Inaantig, pinupukaw, inuuntag natin ang katawan ng iba sa pamamagitan ng mga salita na—oo nga—nagkiwal din, nakasalansan na tila mga gusali o mga istruktura sa kani-kanilang katawan.
‘Yun ang hinahanap ng inyong imbing lingkod sa samut-saring katawan na, sabi nga’y, kanyang nakadaupang-ari… mga kataga’t pangungusap na maglalahad ng kabuluhan at katuturan ng kanilang buhay.

Comments