Skip to main content

ओपन एयर (कों बस)

Open air-con bus

ALIN ang mas nakakahiya, makita ng madla na nangungulangot o umamin sa pag-utot?

Agad na inilipat ang talapihitan ng radyo sa 98.7 FM… ibang usapan, panayam sa isang babaeng manunulat ng mga librong crime thriller, inuungkat ang diskarte niya sa pananaliksik at pagsusulat. Now, that’s the kind of earful that I won’t take offense at… it has respect for me as an erudite, maybe, learned listener… kaya hindi mabubulungan ni Satanas na bibigyan niya ako ng kahit ilang nuclear warheads para burahin sa balat ng lupa at sa himpapawid ang naunang istasyon ng radyong bumulaga sa pandinig.

‘Yung mapapakinggan at mapapanood ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya mas mahilig kaming sumakay sa open air(con bus)… tipid kahit konti sa pasahe, at karaniwang walang ‘kakapikang radyo na magbubuhos ng usapang imburnal o DVD player na magpapalabas ng mga tagpo ng pelikulang karima-rimarim.

Lack of such contraptions in those buses won’t allow the bus driver to inflict his execrable taste for sights or ‘sounds’ on the hapless commuter.

Hindi na baleng sumagap ng lahat ng alimuom, alikabok at usok-tambutso mula lansangan… basta huwag na lang mapika’t makapag-isip kung paano uupakan ng weapons of mass destruction ang mga bugok at gunggong na kapural ng mass distraction.


Hindi naman siguro mga busabos ang mga tsuper ng bus sa Cebu—palihug, sa lugar lang, bay—na nagpumilit sa LTFRB… na kahit daw patuloy umaakyat ang presyo ng krudo, hindi raw sila gagaya sa mga bus sa Metro-Manila na nagkukumahog na patawan ng mas mabigat na parusa sa bulsa ang karaniwang commuters. Ibinalik nila sa P6 ang singil sa minimum fare.


That’s a show of sensitivity and consideration
. Isa pa sigurong malinaw na asenso sa lansangan kung mas maraming public utility vehicles na masasakyan ko ang nakapako ang radyo sa 98.7 FMclassical music ang ibinubusina ng naturang himpilan. At iba ang bisa ng classical music on attention span, focus, and brain energy levels…

In an independent traffic study done on a major thoroughfare in the western corridor of the metropolis, it was found that (1) infrastructures—and the route was wide enough to accommodate vehicles of all sizes-- to ease flow of both pedestrian and vehicular traffic were in place, (2)traffic laws on road use and safety are more than enough, and (3) traffic signs were in order… yet, that thoroughfare was bedeviled every hour on the hour by monster traffic jams. What was wrong?

Without batting an eyelash, the surveyors told it like it is: “You Filipinos have an attitude problem in the streets. That’s the root of the traffic problems that you have in every bit of by-way or major highway.”


Gano’n lang ang ugat ng suliranin ng Filipino sa trapik… pati na drug trafficking.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...