WE pretend working; they pretend paying us.
Kaya malinis na ‘yung sanlibo o sanlibo limandaan—saka pakain-- na inihatag sa mga kinaon para tumutok sa isa sa mga “pagawaan ng boto” sa Mindanao… pinugutan ang mga lalaki, ginahasa muna bago pinatay ang mga babae, may mga nanay sa kanila… karamihan ay choice moms, single mothers, bagong panganak ang dalawa, nilaslas ang mga suso, ginawak ang mga ari… 15 lahat, pati na katoto’t katunggaang Bong Reblando ng Bulletin. Sumuong sila sa ganoong lupalop dahil sa umiiral na kalagayan sa aming napiling hanapbuhay.
Kasi nga: We pretend working; they pretend paying us.
Nang atasan akong magtungo do’n para sumulat ng ulat, dalawa lang ang hiling ko sa mga katoto sa Philippine Marines—(1) nueve mil Beretta sidearm, (2) M-14 with four clips of ammo. Yeah, the penis mightier than the sword but a sidearm and an assault rifle can be handier. Mababayaran naman ako ng P2.50 bawat kataga—asahang hahataw ng mga 2,000 para kumatas ng P5,000 less 10% withholding tax na mapupunta sa sahod ng mga nasa goberyno. Ah, such certainty of death and taxes.
Pinalad na may nakatunggaan na doon isinilang at lumaki sa patutunguhan, nakasagap ng masinop na situationer sa lalawigan… ayaw ng mga halal na puno doon sa pagpasok ng gaya ko para magkalkal… buo na ang loob kong kumalap ng masusulat do’n… Sa kung anong pihit ng pagkakataon, ‘yun mismong lokal na pinunong magbababa ng atas para itumba ang tulad ko… siya ang tigok.
Hindi ka maniniwala pero parang musmos pa rin ako, walang humpay na nananawagan sa isa sa mga matamis na pangalan ni Allah, Krishna o Yahweh—na ang nakatokang taliba ay nagngangalang Tar’athyail. Siya mismo ang tinatawag na “anghel ng kamatayan at pagpuksa.” Kapag may magtatangka ng masama sa taimtim ang panawagan, maagap kumilos ang kalawit ng Tar’athyail… mahirap mapigilan… hindi pumipili ng gigilitan, pulubi o pinuno man.
H’wag mag-alala’t tiyak walang kahihinatnan ang anumang gagawing hakbang ng gobyerno anumang nangyari sa naturang “lalawigang pabrika ng boto.” Kuhol na hindi matutungkab ang kapit-supsop ng kapural niyon sa Malakanyang. In faith grim and steadfast, we can only offer an endless cycle of prayers to a dulcet name of the Maker whose guardian is the angel of death. Uh, here’s no angel of taxes…
Nagbigay minsan ng panayam sa mga mag-aaral at kapatid sa pangangailangan diyan sa pinagmumulan ng amihan—diay ti amianan. Natuklasan na jueteng lords pala ang mga maunawaing Samaritano na nagtutustos ng P1,000-2,000 a week sa mga kapatid sa hanapbuhay. Praise the jueteng lords!
‘Yung mga hindot na nasa Senado’t Kamara? Ni hindi nagsampa ng kahit kulangot na panukala ang mga ‘yan para maitakda ng batas ang sahod para sa mga peryodista—na hindi papayagan ng Comelec na magkaroon ng party list.
Pass-on readership included, this explanation on seeing print gets to be read—and would be grossly misunderstood—by around 1.5 million Filipinos. So what if I am a pen-slinger who has turned to racket science?
But the staid fact stays: We pretend working, they pretend paying us.

Comments