Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2009

Preparan.. Apunten.. Pwe! Go! Go! Go!

P REMATURE campaigning with an eye to getting booted… I mean, voted… in the coming erection smacks of premature ejaculation. Madaling labasan, este, nagpapalabas agad dahil kulang sa, umm , muscle control? But that's not downright loud, lewd or obscene, nais lang ng mga kakan … thoughtless me… hinahangad lang ng mga kakandidato na isupalpal kung saan-saang media ang kani-kanilang pagmumukha upang matandaan at maibaon na tila muhon sa utak ng bobotante. Sabi nga, iba na ang maagap kaysa may C-5 at taga. Nahapyawan nga namin sa Qur'an na ang mga walang pakundangan sa paglustay ng salapi ay pawang "kaanak ng demonyo." Kaya sampahan man ng patong-patong, suson-suson, sapin-sapin, puto-kutsintang asunto ang mga nagkukumahog umarangkada para makilala ng balana't bahala na, tiyak na ikakatwiran lang nila : "The devil made me do it!" Kaya naman ang inyong imbing lingkod nananatili sa pagwawagayway ng pinaka-astig na kandidato-- Pisteng Yawa para Pistedente ng ba...

Laborare est orare...

U LAT: The world’s best beer, as gourmets the world over have it, is brewed by five Cistercian monks in the Saint Sixtus Abbey in a remote section of Westvleteren, Belgium. Pitting the Cistercian brew to any of the world’s best-selling beer brands is like “comparing an F-16 to a paper airplane .” Bumubulwak, bumubulabog ang taimtim na linamnam ng ganoong bula ng serbesa sa naging halimbawa ni Tita Cory—para kasing mongha, madalas na nagdudusaryo at nag-aalay ng dalangin para sa bayan. Ganoon kasi ang gawi sa pamumuhay ng Cistercian monks . Napapanis ang laway dahil tipid na tipid ang bibigkasing salita sa kabuuan ng maghapon at magdamag. Nakalublob madalas sa panalangin at gawain. Naniniwala sila kasi sa kakatwang kasabihan: Laborare est orare, orare est laborare . Gawain ay dasal, dasal ay gawain. Naituro yata ‘yon sa Sunday school— “put God first in everything you do and He will crown your efforts with success .” Mahihiwatigan sa diskarteng Cistercian: A prayerful life is...