S INIMULAN na ang pagwasak sa mga illegal fish pens at fish cages – pawang mga rehas sa tubig—na nakaharang sa bahaging Cavite ng Manila Bay. “Higit na may karapatan sa likas-yaman ng Manila Bay ang mga maliit na mangingisda kaysa mga may-ari ng mga illegal na baklad na pawang nagpapasasa sa salapi at ni hindi mga taga-Cavite,” diin ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza nang pamunuan niya ang pagwasak sa mga baklad sa 180,000-ektaryang lawak ng Manila Bay. Saksi si Cavite Gov. Ayong Maliksi at mga 150 mangingisda nang simulan ang pagbuwag nitong Agosto 27. Tinukoy ni Atienza na kabilang ang mga illegal na baklad sa mga pangunahing sanhi sa kabiguan ng pamahalaan upang maisulong ang malawakang pagsisinop sa Manila Bay. Hindi pa rin nakakatupad sa itinakda ng kanilang kontrata ang Maynilad at Manila Water—hindi pa nakakapagpagawa ng sewage treatment facilities kaya nagiging tambakan pa rin ng katas-pozo negro ang Manila Bay. Pahayag ni Atienza: “ This demolition ...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.