NAGKUKUMAHOG ang mga kumag na sunggaban ang mga himig na kinagigiliwan ng madla. Gagamiting campaign jingle. Matunog nga naman sa mga bobotante. Kaya inaasahang magiging matunog din ang pangalan ng kandidato.
Higit sambuwan na ang nakalipas nang iulat ng mga researchers na talagang gumuguhit sa utak ang mga pira-piraso ng awitin—usually the first few bars in a song packed with an individual’s memories s/he dotes on. The melody goes, the memory remains.
Kapag umarangkada na ang melody, kasunod na papailanlang sa isipan ang mga gunita.
Pakay ng kandidato na maging kabilang siya sa mga alaala ng botante. Para nga naman hindi malilimutan. Maisasalampak ang kanyang pangalan sa balota. Kasi naman, walong pangalan lang ang natatandaan ng karamihan sa mga posibleng botante—ganoon ang nasiwalat sa magkasunod na opinion survey ng Pulse Asia, Inc.
Umabot lang sa 64 na pangalan ang inilista ng Pulse Asia. Pero sa ganoon mang karaming pangalan, walo lang ang karaniwang pinipili ng mga inungkat. Mas tipid yata kung walo lang. Hindi sandosena. Kahit sandosenang trono sa Senado ang nakataya sa halalan ngayong Mayo 14.
Umabot naman sa 80 ang mga kumag na nagpalista sa Commission on Elections para maging official candidates na puwedeng magbutas ng upuan sa Senado. Talagang pahihirapan ang botante para pumili ng kanilang maiibigang pangalan. Para bang kaunti lang ang maisisilid sa utak na lalagyan ng bibilhin sa palengke, walo lang ang talagang nais bilhin at bitbiting sangkap sa lutuin.
Kaya naman sapilitang ipagduduldulan ng mga tindera’t tindera ang kani-kanilang manok. Sasalampakan ng mga pang-akit na sahog at sangkap para mapili ng mamimili, maging mabili.
Panggayak at pangganyak na sahog ang awitin. Para bang flag anthem ng kandidato— kung sa pangulo Hail to the Mischief.
Gumastos daw ng P2 milyon para sa pahintulot ng isang kumag na kompositor na magamit ang kanyang sikat na sikat na kanta. Na ginawang flag anthem yata ng mga TV show game contestants.
Umarangkada sa himpapawid ang sikat na kanta. Niretoke nang konti ang lyrics.
Umarangkada naman sa paligid ang mga masiste’t palabiro. Niretoke rin ang walang katuturang lyrics.
Boom! Tarat! Tarat! Ta-ra-rat. Ta-ra-rat... Boom! Boom! Boom!
Pinaglaruan nga ang lyrics. Naging bukambibig. Mas anging sikat kaysa sa orig.
Boo! Corrupt! Corrupt! Kurakot. Kurakot... Boo! Boo! Boo!
Excepting Yoyoy Villame who inject factoids in doggerel lyrics, some people don’t hold in esteem composers who crank out silly tunes. Too, we don’t hold a high opinion of politicos and their bright boys who take a liking for those silly tunes to cozy up to the gullible.
Isa nga palang katoto ang ibinabad sa bartolina nitong nakalipas na panahon. Labinlimang araw daw. Pinatugtog sa kanyang utak ang siyam na symphonies ni Beethoven habang tila tipak ng pandesal na nakasalang sa pugon. Naibsan daw ang hirap ng katawan, pati na ang tindi ng init at lamig na nagsasalitan sa maghapon at magdamag. That was suffering made easy.
With lousy silly songs, suffrage can be made silly.
--habalakibur@yahoo.com

Comments